Prologue

191 3 0
                                    

Sa gitna nang malakas na pagbuhos ng ulan, isang nakabibinging tunog na galing sa orasan ang gumising sa ulirat ng babaeng noon lang halos makakuha nang mahimbing na pagtulog.

Dumilat ang mga mata nito at pabalikwas na bumangon mula sa kan'yang kama. Wala man sa ayos ay dali-dali itong lumabas sa kan'yang silid at mula sa isang madilim na sala kung saan naroon ang antigong orasan ay lumiwanag ang harap niyon at isang bagay ang biglang lumitaw rito.

"Ang panahon ay muling babalik," sambit ng babae kasabay nito'y mabilis na umikot ang kamay ng orasan taliwas sa totoong pag-ikot nito, hudyat na iyon na nga ang simula.

"Para sa nakatakdang babago..." bagaman ramdam ang mabilis na pagkabog ng kan'yang dibdib ay hindi siya nagdalawang isip na lumapit at dagling kinuha sa liwanag ang nakalutang na bagay.

"sa larawang ito" ngiti niya at tinignan ang larawan ng binibining nasa gitna ng isang kasiyahan.

Unti-unting tila nagkabuhay ang imahe mula sa larawan at sa isang iglap ay nag-iba ang paligid at naroon na siya sa harapan ng binibining iyon.

Pinagmasdan niya ang mukha nito at makikitang wala pa ring pinagkaiba ang kagandahang taglay ng binibini. Mula sa kan'yang malatsokolate at may pagka singkit na mata na halos itago ng kan'yang mahabang pilik-mata'y maganda rin ang maliit at matangos nitong ilong, ganun rin ang kan'yang mapulang labi na tila sinayaran ng ginagamit nilang kolorete sa panahong iyon.

"Magandang gabi sa iyo, binibini" iniunat ng babae ang kaniyang kamay para makipagkamay dito, nagtataka man ay nakipagkamay nalang din sa kan'ya ang binibini.

"Nagagalak akong makita kang muli, Dalya Estrella" dugtong niya pa na siyang ikinagulat ng binibini, akmang aalisin na nito ang pagkakahawak sa kamay niya ngunit natigil iyon dahil sa huli niyang sinabi bago tuluyang naglaho pabalik sa hinaharap.

Nawa'y magtagumpay ka sa pagkakataong ito, Samara.

--------------

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 08, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HarayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon