Chapter II

6 1 0
                                    

Mystery's POV

Maaga akong Gumising at naghanda para sa unang araw ko sa Unibersidad, Pagkatapos ko ay kinuha ko na ang aking gamit at bumaba. Nakita ko si Aling Pasila.

'Magandangggggg umagaaaa Aling Asi.' Bati ko at Ngumiti.

'ikaw na bata ka talaga NAPAKATAMAD magbanggit ng  pangalan, o sya magandang umaga Kumain kana at papasok Ka pa.' Sabi niya habang natatawa at Pailing-iling pa.

Nakanguso akong pumunta sa kusina para kumain.

'Magandang Umaga Young Lady.'
Masayang bati sa akin ni manang Lorena.

'Magandang umaga din po, salamat po sa pagayos ng aking gamit.' usal ko at Ngumiti sakanya at nagsimulang kumain.

Natapos na akong kumain at maghanda ay pumunta na ako sa parking lot at binati ko si manong Aming na Asawa ni Manang Lorena.

'Good morning manong, Tara na po.' sabi ko at pumasok na sa loob ng sasakyan.

Tahimik lamang ang Boung byahe habang ako ay nagbabasa lamang.

'Andito na po tayo.' sabi ni manong kaya kaagad akong Nagpatingin sa labas.

Nakita ko ang malaking gate ng Unibersidad kung saan nakaukit ang pangalan nito.

University of Edinburgh

Lumabas na ako upang pumasok sa loob ng Unibersidad, nagulat nalamang ako ng may biglang bumusina at napalingon ng may biglang nagsalita.

'What the fuck, get the Hell out of there.' sabi niya na ikinabigla ko.

'Paumanhin.' Sabi ko at pumasok na sa loob ng Unibersidad.

Jusko naman ano bang klaseng paaralan ito, grabe naman kung makapagsalita ang lalaking 'yun Ansarap hampasin ng tubo ehh makikita niya, kung gusto niya pala ng murahan Sana sinabi niya sakin akala ba niya hindi ako marunong naku ha sa dinami dami ng nabasa ko na mga libro at napanood sa TV lagot talaga siya, napatigil ako sa pagiisip ng may nabangga ako. Shocks Anubayan unang araw palang ehh.

'Paumanhin, hindi ko sinasadya.' sabi ko habang Nakayuko.

'It's okay, are you new here?. ' sabi niya kaya napatingala ako.

Hala sobrang dalagang pilipina naman niya, Maria Clara ba ito? Ang ganda lalo na kapag nakangite, ang elegante pa kung magsalita , Mababakas ang pagiging anak Mayaman ittsura palang.

' oo, sige Mauna na ako.' Sambit ko at dali daling pumunta sa principal's office upang kuhanin ang schedule ko.

Kumatok ako at pinapasok ng Principal.

'Good morning Principal Hawkins, I am Mystery Leila Lynden the new student.' Pakilala ko at saka Tipid na Ngumiti.

'It's nice to personally meet you Ms. Lynden, your father is a great friend of mine. Here's your schedule, good luck with your stay in this university.' sabi niya habang inabot ang schedule ko.

Kinuha ko 'yun at saka nagpaalam na.

'Thank you Principal Hawkins, the pleasure is more mine. Good bye!'

Lumabas na ako at nagsimulang maglakad papunta sa Silid aralan ko. Huminto ako ng makita ang asul na pintuan.

Section A- Alpha

Kumatok ako at bumungad sakin ang ngiti ng isang babae, base sa Sout niya siya'y isang guro. Nginitian ko nalamang siya at Magsasalita na sana ako ng magsalita siya.

'you must be the new student, I'm Ms. Mathilde your adviser and your math teacher,come in dear.' sabi niya at Ngumiti.

Pumasok naman ako at Tiningnan ang aking paligid, tahimik lamang sila habang isinasagawa ang gawaing pinapagawa ni Ma'am Math.

' Attention class this is your new classmate, introduce yourself Dear. '  sabi niya at Tiningnan ako.

'Good morning, I am Mystery Leila Lynden and I am 16 years old.' Pagpapakilala ko.

Ngingitian naman nila ako at pinaupo  na ako ni ma'am math sa bakanteng upuan sa gitna, okay lang naman sakin ehh pero katabi ko ang lalaking nakita ko sa gate at sobrang sama ng tingin Sa akin, Hindi ko nalamang siya pinansin at nagsimulang magsagot sa gawaing binigay ng aming guro.

Natapos na ako kaya binigay ko na kay ma'am ang papel ko, tahimik lamang akong bumalik sa upuan at nagsimulang obserbahan ang aking mga kaklase.

Napatingin ako sa gilid ng makita ko ang babaeng Nabangga ko, kausap niya ang kanyang mga kaibigan halata naman, Kita ko ang palihim na Pagikot ng kanyang Mata kapag hindi nakatingin sakanya ang kanyang mga kasama, hmm interesting ano kaya ang tinatago ng Mapagpanggap na Maria Clara na ito konektado ba siya sakanila kung gayon magiging kalaban ko siya.

Mystery Where stories live. Discover now