Chapter I

9 1 0
                                    

Mystery's POV

Pinagmasdan ko ang sulat na hawak ko galing sa aking Ama, Nakasulat dito ang aking papasukan na Unibersidad ngunit ang aking Mata ay nakatitig sa pangalan ng Unibersidad.

Mahal Kong Anak,

                           Magandang bati para saking pinakamagandang anak,kamusta ka? Kami dito'y maayos naman nais ko sanang sabihin saiyo na Ika'y papasok sa paaralan ng
University of Edinburgh.
Ang lahat ay maayos na, bukas ang simula ng iyong pagpasok sa Unibersidad ngunit anak mag-iingat ka ang paaralang iyong papasukan ay tanyag at maraming mga anak ng mga Mayayamang tao na kung saan iyong magiging kalaban o kaibigan at Posibleng makaalam ng lahat. Mahal ka namin Mystery, paalam.

Nagmamahal,
Iyong Ama


Napabuntong hininga nalamang ako Hanggang ngayon hindi ko parin alam kung bakit Kailangan ko pang itago ang lahat, maraming nagtataka kung sino at ano ang misteryong nakapaloob sa akin ngunit ang sagot ay nasa paligid lamang nila pero hindi nila Inoobserbahan ng maayos.
Ang sabi nila ang tahimik na tao ay puno ng misteryo ngunit kabaliktaran ako hindi ako tahimik hindi rin ako maingay ayan ang dahilan kung bakit nila ako Tinitingnan na parang misteryo. Nabigla ako ng marinig ang katok.

Binuksan ko ang pintuan at bumungad sakin ang ngiti ni manang Lorena, ngingitian ko narin lamang siya.

'Young lady nakahanda na po ang pagkain.' Sambit niya.

'Susunod po ako, saglit lang.' sagot ko at umalis na siya.

Iniligpit ko muna ang mga gamit ko at Tinago ang sulat ng aking ama at bumaba.

Nakita ko si manong Goryo na nagmamadaling tumakbo sa labas kamutikan pa akong mabunggo mabuti Nalamang at dali dali akong tumabi, nagulat ako ng magsalita si Aling Pasila.

'Young Lady Pagpasinsyahan mo na lamang  si Goryo nanganak na kasi ang kanyang asawa.' Paumanhin niya sa akin.

'Ayos lamang po.' Sambit ko at Ngumiti bago pumunta sa kusina, tumutunog na ang tyan ko taeng yan.

Umupo Nalamang ako at nagsimulang kumain, matapos akong kumain ay nilinis ko muna ang aking pinagkainan at saka pumunta saking silid.

Umupo ako sa dulo ng aking kama at
Nagisip-isip kung ano mangyayari sa akin sa loob ng Unibersidad, Nasampal ko ang sarili ng maalalang Hindi pa pala ako nakapagayos ng aking gamit. Dali dali na sana akong kukuha ng mga bagong gamit ngunit nagulat na Lang ako ng nakalagay na pala Malapit sa aking study table, Ngeeh si manang Lorena talaga Jusko masakit pa naman ang sampal ko saking sarili tapos na palang Iayos ang aking gamit.Walangyang Yan.

Bumabagabag parin Sa akin kung ano ang mangyayari kapag nalaman nila ang misteryong nakapaloob sa akin o ang totoong misteryo, magkakaroon ba ako ng kaibigan sa Unibersidad na 'yun o puro kalaban ang aking makikita, napangiti Nalamang akong Mapakla sa aking naisip.

Bukas magsisimula ang yugto na maaring maging dahilan ng malaking pagbabago sa aking buhay, ang tanging hangad ko lamang ay mabuhay ng tahimik ngunit bakit parang napakaimposible naman na mangyari nun hay naku na buhay ito.

Pumunta ako sa Bintana ng aking silid at tumingala sa buwan na lumiliwanag sa Gabi, napangiti Nalamang ako ng makita ang kagandahan ng aming bayan, isang Kilalang bayan ang Edinburgh isa Ito sa malaking bayan dito sa aming lugar, maraming paaralan dito pampubliko at pribado. Nagaaral ako sa pampublikong paaralan , maganda at masaya naman doon mayroon pa akong mga kaibigan at maraming kakilala.

Mamimiss ko ang paaralang iyon bakit kasi ako pa ang gagawa nun ehh. Napabuntong hininga na Lang ako at humiga sa aking Kama at Pinikit ang aking Mata.

'Tomorrow would be a long day.' Usal ko at natulog na.

Mystery Where stories live. Discover now