"Kaylah, Kay.." Rinig kong bulong ni ate sa tabi ko.
"Uhmm?" Umungol ako.
"Gising na, may usapan pa kayo ng classmate mo na pupunta kayong mall diba?" Malumanay ang tinig ni ate.
"Uhmm, anong oras na ate?" Nakapikit parin'g sabi ko.
"Alas diyes na ng umaga,"
Napabangon ako ng wala sa oras. "Oh gago, patay ate. Alas onse usapan namin."
Sinamaan niya ako ng tingin. "Kaya nga bangon na diyan at maligo ka na."
Umalis na rin si ate sa kwarto ko at saka pa ako bumangon, sabado pa naman ngayon, akala ko pa naman mataas ang tulog ko. Ginulo ko ang gulo-gulo ko nang buhok. Aish!
Kinuha ko na ang tuwalya at dumiretso sa banyo. Mabilis lang akong naligo dahil late na ako. Isang puting bungee strap tube top at black fitted pants na may butas tuhod ang suot ko at white Balenciaga na sapatos sa baba. Liptint lang ni apply ko saka ko kinuha ang sling bag ko.
Kanina pa nag ri-ring ang cellphone ko dahil sa text at chat nila. Sinabi kong on the way na ako no'ng nag chat sila habang naliligo ako.
"Ma, ate, alis na ako! Sino mag hahatid sa 'kin?" Tanong ko habang pababa ng hagdan.
"Si kuya mo, ibababa ka nalang niya sa mall dahil may pupuntahan rin siya." Sabi ni mama.
Tumango ako at saka lumabas si kuya sa dining, sabay na kaming naglakad ni kuya papunta sa kotse niya at sa passenger ako sumakay dahil wala lang. Sinuot ko na ang seatbelt ko at kinuha ang cellphone sa bag.
Timang class Officer's
Ms. Sexytary: Hoy Kayla sa'n ka na?! Dito kami sa expression.
Mr. Auditor: Tagala naman ni pres. Dapat may libre na 'to ha.
Mr. Treasurer: Kompleto na kami pres, ikaw nalang kulang.
Me: Otw na nga, amputsa ang traffic.
Hindi naman talaga traffic, jok ko lang 'to. Busy sa pag da-drive si kuya habang may kausap sa cellphone. Business ata, dahil may narinig akong 'project' at 'that's the final'.
Mr. Auditor: Grabe namang traffic yan pres, isang oras talaga?
Ms. Sexytary: Palusot mo Kay, hampasin kita ng libro dito pagdating mo. Alas diyes pa kami nag te-text sayo, tapos ngayon mag aalas dose na, wala ka pa rin eh.
Me: Ay sorry naman, ito na, nasa harap na ako ng mall. Papasok na.
Pumila na ako sa entrance, agad sumalubong sa 'kin ang malamig na aircon, dapat pala nagdala ako ng jacket. Naglakad na ako papasok, dahil nasa second floor pa ang expression ay nag escalator pa ako bago nakarating. Maliit lang ang tao sa loob, hinanap ko na sila at dahil malaki ang expression ay kailangan ko pa itong libutin.
Tinataguan ata nila ako, mga hayop na timang 'to. Nakailang libot pa ako bago naglakad sa cashier area.
"Ahm, excuse me miss. May nakita po ba kayong apat na lalaki at isang babae dito?" Tanong ko.
"Ay umalis na po sila ma'am. Bago lang po." Aniya at ngumiti.
"Sige po miss, salamat."
Naglakad na ako palabas habang nag cha-chat sa gc. Mga buset, nakakatamad maglakad, gutom na ako dahil hindi ako kumain sa bahay ng pang umagahan, tapos aalis pa talaga sila?!
Me: Sa'n kayo? Wala kayo sa expression mga gago, nagtanong ako kay ate'ng cashier.
Ms. Sexytary: Dito kami sa Kfc, Kay. Punta ka na dito, nagutom kami.