Nasa canteen ulit kami ni Cia, Yahir at Misael ngayon dahil nagutom ako pagkatapos kung kumanta. Char, distansya muna kay Trace.
Isang burger na large, limang siomai, isang chucky at in can na coke ang binili ko. Tumambay muna kami sandali dito habang pumipila pa si Cia sa counter.
"You know rpw, Kay?" Biglang tanong ni Yahir.
Umiling ako. "Ano yan? Makakain ba yan?"
They'll laugh. "No, it's an account... I mean other account."
I looked at him with confused. "Anong account ba yan? Sa facebook? Instagram, twitter? What?"
"Facebook, gan'to kasi yan," Inubos niya muna ang mountain dew niya bago nagsalita. "Rpw, meaning role play world. You can enter rpw by creating other account, I mean creating, not your real name. Kailangan mong gumamit ng ibang pangalan at apelyido. But before entering the rpw, there's one rule that you need to follow.
No revealed. Ang iba ay hindi na nasunod, 'coz of dare or whatever."Nakakunot lang ang noo ko habang nakikinig sa kanya. Ah so parang account mo lang 'yan dahil sa bored or what?
Role play world. Play, ah.
"May rp account rin ba si Trace?" Tanong ko.
They nodded. "Don't tell it to him, hiniram ko kasi once ang cellphone niya para mag online, and then that's it. I see another account."
"Anong name niya?"
"We can't tell." Nanlumo ako sa naging sagot nila.
"Wala naman sa itsura niya ang nag a-rp eh." Bulong ko.
"Wala nga sa itsura, but he's in role play world." Sagor ni Yahir.
Ma try nga, baka dito ko mahanap ang pornreber ko. Char baka nasa rpw si forever ko.
"Anong pinag-uusapan niyo? Sali ako oy!" Singit ni Cia sabay subo ng pizza niya.
Nakikagat muna ako sa pizza niya dahil nakakatakam ang itsura. Sarap. Inubos ko na rin ang burger ko bago ang siomai.
"About rpw Ciang, alam mo 'yan?" Ako ang nag sabi at sumubo ng isang siomai.
"Ay, oo! Matagal na ako sa rpw, dami ko ng naka rs diyan. I'll teach you bebe luvs Kaylah." Ani Cia.
Rs? Ano 'yan?
"Anong rs?" Tanong ko.
"Relationshit. Duh, di mo knows ang rpw?! Halos lahat ata ng dati kong classmate may account ng niyan." Sigaw niya.
"Turuan mo 'ko, Ciang! Tapos sabihin mo sa 'kin mga alam mo or mga kaek-ekan diyan. Ha?" Ngumiti ako sa kanya.
"Oo ba! Dali, sa room tayo mag chikahan. Sabihin ko sayo lahat, may kwento na rin ako." Aniya at hinila na ako.
Sumunod si Yahir at Misael sa likod namin na may sarili ring mga mundo. Kami naman ni Cia ay inubos muna ang biniling pagkain sa cafeteria bago tinapon ang pinaglagyan. Walang teacher pagpasok namin kaya naman diretso chismis si Cia sa 'kin.
"Okay ito na nga," Humarap siya sa 'kin. "Parang enjoy-enjoy lang kasi 'yang rp, eh. Alam mo 'yon? Pa'no ba i-explain? Putangina nakakatamad... Okay ito na."
Parang tanga lang 'to.
"Okay ito na nga. Alam mo 'yon? Sa'n ba 'ko magsisimula? Game na... Makakahanap ka rin ng bago mong friends diyan, may maka relasyon ka rin, pero di na uso ang ligaw-ligaw, diretso na kayo agad, pagkatapos sabihin ng boy na 'may ka rs ka na?' Ayown! May relasyon ka na. But expect na hindi kayo magtatagal, expect na Isa o dalawang week lang kayo na magkarelasyon. Gets mo 'ko?" Mahaba niyang saad at tinaasan ako ng kilay.