"Hoy ayusin niyo pag gunting!" Sigaw ko ng magsimula na kaming mag design sa buong room.
"Di pa nga nagsisimula eh!" Sigaw ng isa kong classmate.
"Basta ayusin niyo!" Sigaw ko pabalik.
Wala kaming teacher ngayong araw dahil may meeting sila, kaya kami naman ay nag-aayos nalang ng room habang nagpapatugtog. Katabi ko si Svend na inaayos ang maliit na white Christmas tree. Busy rin kaming lahat dahil kakatapos lang ng exam namin, kaya kanya-kanya kami ng gawa ng projects. Amputek na yan.
"Pres tawag ka ni ma'am gen-math! Sa office niya daw." Napapikit ako ng sigawan ako ng classmate ko.
"Tracey, ikaw na muna bahala sa kanila. Sigawan mo sila ha." Paalala ko sa kanya at lumabas na ng room.
Bumaba ako sa building namin at saka dumiretso sa kabilang building, kung na saan ang office ni ma'am. Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nice aircon.
"Pinapatawag niyo daw po ako ma'am?" Tanong ko at tumayo sa harap ng desk niya.
Tinanggal ni ma'am ang salamin niya at pinagsilop ang dalang kamay. "Announce this to your classmates, may mga iba na bagsak, dahil wala silang quizzes hindi napasa and group projects. I'll give them time until tomorrow, if hindi sila makakapasa. Bagsak agad."
Tumango ako. "Sige po, ma'am. Thank you po."
Ngumiti siya. Thank you, you may go now."
Lumabas na ako ng office ni ma'am at saka tinignan ang mga pangalang nakalista sa papel na binigay niya. Sampu ang mga nakalista. Binasa ko ang mga apelyido ng mga classmates ko.
Puta nangunguna si Cia.
1: Alecia
2: Liant
3: Lash
4: Chu
5: Siera
6: Dela Cruz
7: Ramon
8: Torre
9: Vergara
10: SalvadorPatay kayong mga hayop kayo. Ayan, call of duty pa kapag nag qui-quizz. Bagsak kayo! Make up, pa Roxy, bagsak tuloy.
Pumasok ako sa room na ganon pa rin ang naging ayos nila. Nasa loob silang lahat dahil pinagbawalan kaming lumabas, maliban nalang kung may inutos or pinatawag ng ma'am.
"So classmateeess!" Tinawag ko sila. Natahimik sila ng umupo ako ng paharap sa desk at nag cross legs saka ko tinukod ang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko. "Di ba nga, pinatawag ako ni ma'am?"
"Oo, tapos?"
"Yun nga, pinatawag niya ako dahil may binigay siyang listahan," Winagayway ko ang puting papel. "Mga epilyedo 'to ng mga bagsak dito sa room natin sa subject niya, which is gen-math."
"Hala bagsak ba ako?!"
"Kompleto naman ako sa quizzes at groupings ih."
"Oh jusmeyo, sana hindi ako kasali."
"Pota kapag ako babagasak, patay ako sa ate ko!"
"Ayos lang na bagsak ako, kasama ko naman tropa ko."
"So babasahin ko na, okay?" Tumuwid ako ng pagkakaupo. "Alecia--"
"Hoy, yawa bakit ako kasali?! May na miss ba akong quiz? Or projects? Groupings? Eh hindi naman ako absent, ih!" Reklamo ni Cia.
"Patapusin niyo nga ako bago kayo mag reklamo," Sabi ko at nagpatuloy sa pagsasalita. "Liant---"
"Ako na naman! No'ng grade 10 ako, bagsak rin ako sa math! Puta, baka naman mahatian ako ng utak ni Einstein, oh." Reklamo rin ni Misael.
Nagpatuloy ako. "Lash--"
"Alam ko naman babagsak ako, di ba naman ako nag pasa ng dalawang quiz. Pa copy nalang." Aniya at parang balewala lang ito sa kanya.