RPW7

8 0 0
                                    

Minumura ba niya ako sa ibang lenggwahe? Di ko gets 'yun. Huhuhu.

"Hala, anong language 'yun Trace?! Baka I love you na pala 'yun sa ibang language ha?" Asar na saad si Cia.

Natigilan naman si Svend, Misael, at Yahir na ngayo'y may mga multo na ng ngisi sa mga labi. Kunot noo ko silang pinakatitigan.

"Ano ibig-sabihin no'n, Svend?" Tanong ko.

"In lo--" Mabilis na tinakpan ni Yahir at Svend ang bibig ni Misael.

Pinanlakihan ko ng mata si Misael. "Sabihin mo, eal. 'No ibig-sabihin no'n? Dali naaaa! Libre kita siomai sa cafeteria."

Nakangising ko siyang hinintay na magsalita. Sa kanilang mag tropa, si Misael ang chismosa at ma- bunganga. Kaya kung hindi niya sasabihin sa 'kin ang ibig-sabihin 'yon ngayon, mamayang uwian ko nalang siya papilitin.

"Find it on your own, Kaylah. Don't bother Misael about that." Masungit na sabi ni Trace at hinila ang tatlong tropa niya.

Naiwan kami ni Cia na nagtataka. Nagkatinginan kami at sabay na napailing. Boysss--et.

"Oh," Ani Cia at binigay sa 'kin ang papel niya. "Sasabayan nalang kita mamaya magpasa kay ma'am."

"Oksiees!" Ani ko at tinagilid ang ulo ni Cia. "Classmates! Tapos na kayo? Pasa ko na 'yan kay ma'am."

"Hindi pa! Di ko alam 'to, Puta!"

"Kulang pa sagot ko, pres!"

"Sandali lang, last na 'tong sa 'kin!"

"Dalawa nalang kulang sa 'kin pres. Kalma ka lang."

Di pa tapos? "Osigeee! Kunin niyo nalang yung notebook ko dito. Baka nandito yung mga nakan assign sa inyo. Pero 'di ako sure diyan, ha?" Saad ko.

Tumabi si Cia sa 'kin ng upo ng pumunta sa pwesto namin ang mga wala pang sagot. Dinumog nila ang notebook ko. Kahit naman na bobo ako sa math pero kumpleto naman ako sa notes 'no. Nakikinig naman ako, pero wala talaga. Ayaw tanggapin ng utak ko ang mata. Di sila bati.

Nagpasa na ang iba sa 'kin dahil nahanap na raw nila ang sagot. Hanggang hapon lang ito kaya naman ng mag alas dos ng hapon ay pinasa ko na 'to dahil kompleto na.

Naglalakad na kami ni Cia sa office ni ma'am. Ako lang ang pumasok dahil sa labas nalang daw si Cia. Kung kanina no'ng pinatawag ako ni ma'am ay kaunti palang ang kaharap niyang papeles, pero ngayon, sandamakmak na ito sa lamesa niya. Sana naman hindi high blood si ma'am.

"Good afternoon, ma'am. Ito na po lahat  yung sinabi niyo po kanina." Ani ko at inabot sa kanya ang papel.

"Thank you, Kayla." Aniya at bumalik sa pakipagtitigan sa papel.

Lumabas na rin ako at nadatnan si Cia na may kausap na lalaki. Ngiti ng todo si Cia habang kausap ang lalaki. Sino kaya 'to? Nagpaalam na rin kapagkuwan ang lalaki at nakataas ang kilay kong hinarap si Cia.

"Siya yung sinasabi ko sa 'yo na crush ko! Yung taga stem! Amputa kinikilig bulbul ko kanina! Nagsitindigan sila lahat!" Aniya at tumili sabay hampas sa balikat ko.

Humalakhak ako sa sinabi niya. "Kadiri ka! Kaya pala todo ngiti ka kanina habang kaharap siya!"

Isinumping niya ang buhok niya sa may tainga at ngumiti ng pabebe. "Ehe, hende nemern. Keshe nemen, ekew be nemen mekeherep me eng cresh me. Ehee."

Sinapak ko siya sa braso. "Kadiri ka oy! Di bagay sa 'yo ang mag pabebe, yaks!"

"Sabayan mo nalang ako, hayop ka." Umangkla ang braso niya sa balikat ko. "Daan tayo sa third floor tapos balik tayo sa second floor."

Role Play WorldWhere stories live. Discover now