"Hoy classmates announcement ulit!!" Sigaw ko kinabukasan. Maingay na naman sila kaya balewala lang ang pagsigaw.
Umupo ako sa taas ng desk at pinagmasdan lang silang nag chichismisan. Naka poker face ako para malaman nila na seryoso ako. Kinalabit na nila ang mga katabi nila habang tinuturo ako. Unti-unti na rin silang tumahimik at nakatuon nalang ang paningin sa 'kin.
"Excuse me, president. Meeting ulit, conference." Saad ng vice president ng ssg at umalis din.
I crossed my arms and raised my left brow. "Tapos na kayong mag chismisan? Bakit ako pa ang pinili niyo'ng president kung hindi naman pala kayo makikinig? Akala niyo madali ang maging president? Kayo kaya ang mag meeting doon? Kayo kaya ang makinig? Ang hirap mag-isip promise. Yung utak ko nakahati na, isa dito sa room at isa do'n sa ssg. Kaya niyo? Tapos kung may mga assignments or projects, hindi ko magawa gawa agad dahil may biglaang meeting," Huminto ako saglit, tahimik lang sila at ang iba ay nakayuko. "Sana naman makinig kayo, classmates. Walang sisihan kapag hindi kayo naka-attend sa prom."
Umalis ako sa desk at lumabas ng room na mainit ang ulo. Dumiretso na ako sa conference room at nakitang kompleto na sila. Pumwesto ulit ako sa likuran, bandang aircon. Hindi ko na sinabi sa mga classmate ko ang announcement dahil hindi rin naman sila makikinig.
Event sa January ang pinag-uusapan namin. May banda raw na dadating, may fees na naman na babayaran, pagkatapos may zumba. Gabi gaganapin ang banda dahil sasabayin ito sa foam party. Panibagong announcement na naman.
"Ang by the way. February 26 gaganapin ang prom, the event will start at 6 am in the evening. And 1 week practice lang para sa mga sayaw and such. I'll call you again if there is any complications or whatever." Ssg president said and adjourned the meeting.
Mabilis naman akong umalis dahil may quiz kami sa next subject. Wala na rin namang pasok sa susunod na araw dahil sem-break na. Isang linggo'ng pahinga. No projects/assignments policy. I-na-nounced na ng principal kaya wala ng say ang mga teachers.
Lunch time came and vacant time namin from 12:50 - 1:50 kaya naman kinuha ko ang pagkakataon para i-announce lahat ng nimeeting namin na hindi ko nasabi sa kanila dahil hindi nga sila nakinig. Naglakad na ako sa harap at kinuha ang chalk para isulat ang mga events.
JANUARY: Events to come.
Jan 25 - 4:30 - 6:00 @field (Zumba)
Jan 26 - 7:00 pm @gymnasium (Band)
Jan 26 - 10:00 pm @gymnasium (foam party)February: Events to come.
Feb 13 - 8:30 - 3:30 (Booth)
Feb 14 - (Valentine's Day)
Feb 26 - 6:30 - 10:50 (Js Prom)Humarap na ako sa mga classmates ko na ngayo'y tahimik na ulit. Simula naman no'ng pumasok ako kaninag umaga tahimik na sila. I felt guilty, grr.
"That's the overall event from January to February, I think wala na sa March dahil busy na niyan," I stopped and pointed my finger at January. "So ayan na nga, Jan 25 may zumba tayo sa field, attire is a must, may plus points sa P.E natin and may bombero rin na darating para bombahan tayo ng tubig, para mas enjoy raw."
"January 26, 7 pm dapat nandito na kayo sa school and diretso na kayo sa gymnasium, malaki naman ang gym natin kaya kasya ang sandamakmak na estudyante. From grade 7 to grade 12 is present. May dadating na banda, I don't know sino but balita ko Ben&Ben raw or December Avenue, basta nasa dalawa lang. But I hope Ben&Ben dahil fave band ko 'yon, so after ng banda, may foam party na magaganap, 10 pm. Bring extra clothes, baka mas magabihan pa tayo niyan, so magpaalam na kayo sa parents niyo. Don't miss this events guys, this would be a wild after party." Mahabang dugtong ko.