Everytime our eyes met, we glared and rolled our eyes to each other. Also her friend, keep on eyeing to Cia. We can still feel the tension but we can't do anything about it because it's freaking gen- math time! And he is our most terror professor.
"Miss Laurel! Are you listening to my lessons? Did your brain got fly?" He strictly said and point his magical stick at me.
I gulped upon hearing his voice. "Uh, y-yes prof, I'm sorry."
His eyes moved to Roxy's group and back to us again. He looked at me as if I was a criminal and he just got caught me doing bad things.
So ako pa ang may kasalanan?! Aawat ko lang sila eh, dinamay pa ako sa gulo.
Bumalik rin sa pagtuturo si sir at hindi ko na muling binalikan ng tingin si Roxy at baka masugod ko na siya. Muling lumipad ang isip ko sa nakita kong pizza kanina.
Sherep kumain.
Natapos ang araw na hindi na muling nag tagpo ang landas namin ni Roxy and friends. Good thing, dahil mainit ang ulo ni Cia dahil napatawag siya kanina sa guidance dahil sa away nila ni Roxy and to find out na may cut ang lip ni Roxy na nagsumbong sa dean tho di naman 'yon ginawa ni Cia dahil first of all! Di naman sinuntok ni Cia ang labi ni Roxy.
Sadyang maarte lang talaga siya at pabida kaya gumawa ng eksena. I wonder saan niya nakuha ang sugat sa labi niya? Imposible namang nag effort pa siyang sugatan ang sarili niya.
Hmm...
Or baka naman nakipaglaplapan siya sa kalandian niya at sa sobrang sabik ay nakagat ang labi niya?
Iww shucks!
"Hoy Kaylah!"
"Ay laplapan!" Gulat na bulalas ko dahil sa biglaang pag sigaw ni Cia sa 'kin.
May nagtatagong ngiti sa mga labi nila ng pinagmasdan ko silang apat except kay Trace na walang emosyon ang mukha.
Tss..
"Anong laplapan Kay? Sinong ka kahalikan mo at nag laplapan pa kayo ha? Ikaw ha," kantiyaw ni Yahir at pinoked ang tagiliran ko. "First time mo ba 'yo--- aray ko naman!"
Sinapak ni Cia ang braso ni Yahir dahilan para matigil ito sa pagsasalita. Pinandilatan rin niya si Yahir at umambang susuntok.
"Gago ka ba?! Tumahimik kang bumbay ka at puro kabalastugan ang lumalabas diyan sa bibig mo." Si Cia.
"Nag tanong lang kay Kaylah eh," Maliit ang boses ni Yahir ng tumugon siya.
"Anyway my dear Kaylah," Hinawi ni Cia ang mukha ni Yahir at bumaling sa 'kin. "A-ano 'yong sabi mo? Laplapan? Laplapan?! Sinong kalaplapan mo ha?!"
O.A naman kung makasigaw to.
"Wala akong kalaplapan tanga, may iniisip lang ako tapos nagulat ako sa sigaw mo kaya nasabi ko 'yon." Paliwanag ko.
I haven't kiss anyone before.
Skl.
Tumango siya at nawala na sa 'kin ang atensyon. Magka- usap na sila ngayon ni Yahir at may sarili narin silang mga mundo samantalang ako dito, tulala boring ng aking buhay!
Ang boring talaga!
Muling lumipad ang isip ko at kahit ano na ang naiimagine ko, di ko namalayang kanina pa pala ako kinakausap ni Cia at Svend.
"Ano?" Taas kilay kong sagot.
"Kanina ka pa namin kinakausap tapos ikaw di man lang nakikinig at nakatulala lang? Asan ang hustisya do'n Kay?!" Si Cia.