PBH1.Utang

54 6 0
                                    

Panimula.

"Ano bang gusto mong regalo anak?" Tanong sa akin ni mama

Andito kasi kami sa palengke namimili si mama ng mga ingredients para sa lulutuin niyang kakanin para sa ititinda niya mamaya.

"Wala naman ma, ang gusto ko lang makasama ko kayo sa araw ng birthday ko." Sabi ko kay mama.

"Ikaw talagang bata ka, napaka sweet at napaka bait mo." Sabi ni mama. "Pero mae, hindi pwedeng wala akong regalo sayo. 18th birthday mo yun, kaya dapat may maibigay akong regalo sayo."

"Pero mama, di ko naman po kailangan ng regalo eh. Ang kailangan ko po kayo. Makasama ko lang kayo sa kaarawan ko, masaya't kuntento na ako." Sabi ko kay mama.

Wala naman talaga akong gusto eh, tsaka dagdag gastos na naman yan, okay na sa akin na handaan niya ako sa birthday ko.

"Pero anak.."

"Sige mama, bahala ka. Kung gusto mo talaga akong regaluhan ikaw bahala." Sabi ko kay mama, at napangiti naman siya sa akin.








Pagkauwi namin ng bahay, agad dumiretso si mama sa kusina para ihanda ang mga kagamitan na gagamitin niya sa pagluluto ng kakanin, ititinda niya raw kasi ito mamaya para magkaroon siya ng pera pambili ng panghanda sa birthday ko sa sabado.

Sinabi ko kasi kay mama na wag na siyang maghanda ng marami, okay na yung kaming dalawa lang, eh kaso itong si mama ubod ng kulit. Gusto niya pang yayain ko yung mga kaibigan ko.

Akala mo naman napakayaman namin.

"Mama punta lang po ako sa kwarto." Paalam ko kay mama.

"Sige anak, tawagin na lang kita pag nakapagluto na ako ng pananghalian natin."

Tinanguhan ko naman si mama at agad na ako nagtungo sa kwarto.

Pagkapasok ko ng kwarto kinuha ko ang cellphone ko at agad nagcheck ng facebook account ko.

Maya maya'y nakarinig ako ng sumisigaw mula sa labas ng kwarto ko, kaya agad ako lumabas para tignan kong anong nangyayari.

"ANO BA CYNTHIA!! ANG TAGAL TAGAL MO NG HINDI NAGBABAYAD NG INUTANG MO SA AKIN!" Si aling ester, ang nagpapautang ng pera dito sa lugar namin.

"Ester pasensiya na, balak ko naman talaga magbayad sayo.  Kaya lang nagkataon lang na magbibirthday ng anak ko." Pakikiusap ni mama kay aling ester.

Nangutang kasi dati si mama kay aling ester para sa puhunan niya sa ititinda niyang kakanin.

"Wala akong pakialam cynthia! Matagal na kita binigyan ng palugit, lagi na lang kita pinagpapasensiyahan! Kaya sa ayaw at sa gusto mo magbayad ka sa akin ngayon na mismo, kung hindi ipapabaranggay kita."

Nagulat ako sa sinabi ni aling ester kay mama, kaya nilapitan ko si mama. Nabigla si mama ng makita niya ako.

"Mama, sige na po. Bayaran niyo na lang po si aling ester." Sabi ko kay mama.

"Pero anak.."

"Ma, okay lang po. Sige na ma." Sabi ko kay mama.

"S-sandali lang ester." Sabi ni mama, at pumunta siya sa kwarto niya para kunin sa lalagyanan niya ng mga perang inipon niya sa pagtitinda ng kakanin.

"Ito na ester." Sabi ni mama, sabay abot kay aling ester ng pera. Kinuha naman niya ito kay mama

"Yan! Magbabayad rin pala kayo eh. Kailangan mo pang tinatakot." Sabi ni aling ester kay mama sabay tago niya ng pera sa daladala niyang shoulder bag. "Pasensiya na cynthia, gipit rin ako." Sabi niya kay mama at agad siya naglakad palabas ng bahay.

"Anak, pasensiya na ah." Sabi ni mama sa akin.

Nginitian ko si mama, para ipakita sa kanya na okay lang.

"Ma, okay lang. Naiintindihan ko naman. Atleast ngayon wala ka ng pinagkakautangan. Wala ng aling ester na mangugulo sa inyo."

"Pero anak, panghanda mo yun sa birthday mo eh."

"Sinabi ko naman po sa inyo na hindi ko kailangan ng maraming handa, tayong dalawa lang ayos na ako."

"Ang bait mo talaga anak." Sabi ni mama sabay yakap sa akin. "Hayaan mo anak, pagsisikapan ko na maubos itong gagawin kong kakanin. Para may maihanda parin tayo sa birthday mo kahit papaano."

"Tutulungan po kita ma."

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon