PBH10.Chat

25 5 0
                                    

"OMG!! SIYA ITO!? SERYOSO!?"

Nakakarinding sigaw ni Yesha, ng kunin niya ang cellphone ko upang makita kung anong itsura nung lalaking nakatama sa akin ng bola sa court, na nagdala sa akin sa mamahaling hospital, at binilhan ako ng pagkain at gamot, pero aking hinuthutan ng pera at pinakitaan ng taglay kong kasungitan.

"Shoks, couz. Sigurado ka bang siya ang nakatama ng bola sayo? At sigurado ka bang siya rin ang may-ari ng credit card na ito?" Saad ni yesha, na ikinakunot ng nuo ko.

Anong tingin niya sa akin sinungaling? Sumusobra na talaga itong babaeng ito.

"Sino bang natamaan ng bola ng lalaking yan? At sino bang dinala niyan sa hospital? Diba ako? Kaya sigurado ako siya yan, dahil nakausap ko na yang lalaking yan ng harap harapan." Mataray kong saad, baka iniisip nito masyado akong ilusyunada na tutulungan ako ng ganyang kagwapo na lalaki.

"Ang sungit mo talaga. Sinisiguro ko lang naman. Baka kasi kamukha niya lang, o baka naman mamaya poser ito diba?" Sabi niya. "Pero shet lang couz, ang gwapo naman ng lalaking ito? Ganitong lalaki ang mga tipo ko. Mapungay na mga mata, matangos na ilong, tsaka manipis na labi. Idagdag mo pa yung mapuputi niyang mga ngipin, at nakakaakit niyang ngiti. Kya! Alam mo di ko pa nakikita itong lalaking ito pero kinikilig na ako." Saad ni yesha habang nakatutok pa rin ang mga mata niya sa screen ng cellphone ko. Mukhang nahuhumaling na siya ng tuluyan kay blake. 

"Eh malandi ka eh." Tanging nasambit ko, sinamaan niya ako ng tingin at inirapan.

"Tss, sigurado rin naman ako na mas malala pa yung reaksyon mo nung magkita kayo nito ni blake. Kunyari ka pa dyan." Saad niya. "Pero ang gwapo gwapo niya talaga." Saad niya na nasa cellphone ko ulit ang atensyon niya.

Naalala ko tuloy yung itsura ko dati, nung makita ko siya sa basketball court at sa hospital. Ganyan ganyan din ang itsura ng mukha ko kagaya ng nakikita ko ngayon sa pagmumukha ni yesha. Baka nga mas malala pa sa reaksiyon niya ngayon. Kaya't muli kong naalala yung sinabi niya sa akin nung nagtatalo kami sa hospital.

"Sino ba nagbato ng bola!?" Nangigil kong sigaw sa lalaking kaharap ko.

Kung kanina kinikilig ako sa kanya pwes ngayon hindi na dahil naiinis na ako sa kanya.

"Ako. Pero di ko naman yun sinasadya eh. Actually kasalanan mo rin naman kung bakit ka natamaan ng bola sa mukha eh. Sa halip na umilag ka panay titig mo parin sa mukha ko."

Kaya napailing na lang ako at di ko maiwasan na matawa na lang sa bahagi ng utak ko, dahil nagmumukha siguro akong tanga sa harapan niya dahil sa mga tingin na pinupukol ko sa kanya.

"Haluh siya! Uyy! May naalala siya sa pagkikita nila ni blake." Nawala ako sa pagmumuni, ng biglang kilitiin ni yesha ang aking tagiliran. "Uy! Ano? Anong iniisip mo? Niyakap ka ba niya? Sinabi niya bang na love at first sight siya sayo? O baka naman..nag kiss na kayo!?" Saad niya na animoy kinikilig sa pinagsasabi niya, napangiwi na lang ako sa pinagsasabi nitong pinsan ko.

Kung ano ano na lang naiisip na imagination nitong babaeng ito. Ang lakas talaga ng sapak sa utak.

"Pinagsasabi mo? Nakasinghot ka ba?" Pang aasar ko sa kanya. Na ikinatawa naman niya.

"Im just kidding." Pageenglish niya.

Tumayo na ako sa kama, para sana lumabas dahil naiihi na ako at di ko na kinakaya ang pinagsasabi nitong babaitang ito, kaya lang nagulat ako ng biglang sumigaw si Yesha.

"Wait!" Sigaw niya, dahilan para mapahinto ako paglabas at gulat na napatingin sa kanya.

"Bakit?" Taka kong tanong sa kanya.

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon