PBH5.Credit Card

44 6 0
                                    

Hapon na ng makauwi kami sa bahay ni mama. Dahil medyo naging traffic ang kalsada.

Grabe! Di ko inaakala na medyo malayong hospital pala ang pinagdalhan sa akin nung lalaking yun. At take note! Pangmayaman pang hospital, nakita ko kasi yung pangalan ng hospital nung lumabas ako. At na shock ako dahil yung hospital na yun ay isa sa mga malalaking hospital dito sa Quezon City.

Di naman siguro masyadong o.a yung lalaking yun, natamaan lang ako ng bola dinala agad ako sa pangmayaman na hospital, at naka private room pa.

Diyos ko! Siguro napakayaman ng lalaking yun? Sayang talaga, di man lang ako nakapag pasalamat sa kanya, ni hindi ko man lang naitanong kung anong pangalan niya. Nakakapanghinayang talaga!

Pagkauwi namin ni mama dumiretso agad ako sa sala, para umupo sa sofa at makapag pahinga. Grabe! Hanggang ngayon kumikirot parin yung ulo ko sa sakit.

"Anak, dun muna ako sa kusina. Magluluto lang ako ng hapunan natin." Sabi ni mama at tinanguhan ko naman siya.

"Sige po ma." Tipid kong sagot, at agad naman siya naglakad papuntang kusina.

Ipinikit ko ang mata ko at sumandal sa sofa para makapag relax, pero ilang minuto ang lumipas ng makaramdam ako ng pagka uhaw, kaya napagpasyahan kong tumayo at pumunta sa kusina para kumuha ng tubig na maiinom.

Pagkarating ko sa kusina nadatnan ko si mama na nagluluto ng pakbet. Ang favorite kong gulay yeheey!

"Anak, matanong ko lang. Bakit naman sobra sobra ang binigay sayong pera nung lalaki yun?" Tanong sa akin ni mama habang nakatuon parin ang atensyon niya sa niluluto niyang gulay.

"E-eh, k-kasi mama. Nagsinungaling po ako sa kanya." Nahihiya kong sabi habang nag sasalin ng tubig sa baso.

Napahinto si mama sa pagluluto, at takang napatingin sa akin. "Nagsinungaling ka sa kanya, tapos binigyan ka niya ng isang libo? Aba! Mukhang masayang magsinungaling sa lalaking yun, kung ganun."

Muntikan na ako masamid sa sinabi ni mama.

"Ma, di yun ganun." Sabi ko. "Siningil ko po kasi siya, para duon sa mga natapon na kakanin. Tinanong niya ako kung magkano, e-eh di ko naman alam kung magkano ba lahat lahat ang halaga nung mga kakanin na dala dala ko. Kaya ayun..sinabi kong 500 lahat." Pagpapaliwanag ko.

"Ano!? Sinabi mong 500 lahat lahat yung paninda na dala mo? Eh anak ilang piraso na lang naman yung dala mong kakanin eh, siguro nga kulang kulang dalawang daan lang yun eh. Tapos sinabing mong 500, aruy jusko kang bata ka! Napakautak mo rin eh no?" Saad ni mama habang isinasalin niya sa mangkok yung niluto niyang pakbet.

"Kaya nga po nakokonsensya ako ngayon eh." Nakasimangot kong saad.

"Eh bakit isang libo ang binigay niya sayo?" Tanong ulit sa akin ni mama.

"Ewan ko po, di ko nga rin alam kung bakit niya dinoble eh." Sabi ko habang nkatingin lang sa hawak kong baso.

"Mukhang mayaman yung lalaking nakatama sayo ng bola." Sabi ni mama, at napatingin naman ako sa kanya.

"Mayaman talaga yun ma, di mo ba nakita kung anong hospital ang pinagdalhan niya sa akin. Pangmayamang hospital kaya yun, tsaka naka private room pa ako eh natamaan lang naman ako ng bola."

"Talaga ba anak? Naku! Natanong mo ba ang pangalan? O kaya ang number niya, para man lang makapagpasalamat tayo sa kanya."

"Di nga po eh." Nakasimangot kong sabi. Isa rin yun sa ikinaiinis ko eh, di ko man lang alam yung pangalan niya.

"Binata ba ito o matanda na?" Nagulat ako sa tanong ni mama.

"B-binata po."

"Naku! Talaga mae!? Bakit di mo tinanong ang pangalan? O kaya nakipagkaibigan ka. Malay mo siya na yung mapapangasawa mo, oh edi umahon pa tayo sa kahirapan." Nanlumo ako sa sinabi ni mama.

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon