PBH6.Sign

39 5 4
                                    

Nagising ako dahil sa pagtilaok ng manok, na nagmula sa labas na tiyak ay pagmamay-ari ng matanda naming kapit bahay.

Napabangon ako sa kama, nilamukos ko ang mukha ko, at nag una't unat.

Kinapa kapa ko ang cellphone ko sa ilalim ng unan ko para i-check ang oras.

7:15 na pala ng umaga.

Bumaba na ako sa kama, inayos ko ito, pagkatapos binuksan ko ang kurtina ng bintana sa may kwarto ko. Pagkatapos ay agad na ako lumabas ng kwarto upang magtungo sa c.r.

Pagkalabas ko pa lang ng kwarto, agad kong naamoy ang masarap na amoy na tiyak na nagmula sa may kusina. Paniguradong nag luluto na ngayon si mama para sa umagahan namin.

Pagkarating ko ng kusina, hindi nga ako nagmkakamali dahil nakita ko si mama na nagluluto nga ng almusal namin, habang kumekendeng pa marahil ay sinasabayan niya ang pag indak ng tugtog na nagmumula sa mini speaker.

"Good morning ma!" Bati ko sa kanya.

Napatigil naman siya sa pagsasayaw at agad na napalingon sa akin.

"Oh anak! Gising ka na pala, good morning rin." Masaya niyang bati sa akin. "Mag tooth brush ka na at maghilamos, ng makapag almusal na tayo." Sabi ni mama, habang nagpiprito ng itlog.

"Sige po ma." Saad ko, pagkatapos ay agad ako dumiretso sa c.r para mag sipilyo at maghilamos na palagi kong ginagawa tuwing umaga.

Naghilamos na muna ako, bago mag toothbrush. Habang nag totooth brush ako agad na namang pumasok sa isipan ko ang nakita kong credit card kagabi. Na sigurado ako na pagmamay ari ng gwapong lalaking yun. Aish! Mae bakit ba lagi mo na lang sinasabing gwapo yung lalaking yun? Eh gwapo naman kasi talaga siya eh! Pero kahit na mae! Baka mamaya ma in-love ka na sa lalaking yun eh.

In-love agad!? Diba pwedeng crush ko muna. Wait! CRUSH!? CRUSH KO NA BA YUNG LALAKING YUN!?

Naku, naku! Wag kang ganyan mae! Tigil tigilan mo nga yang kalandian mo.

Nawala ako sa pagmumuni ng biglang sumigaw si mama sa labas ng banyo.

"Anak! Ang tagal mo namam dyan sa banyo! Halika na rito, ng makapag almusal na tayo!" Rinig kong bulyaw ni mama.

"Opo, teka lang!" Pasigaw kong sagot.

Mabilisan kong kinuskos ang mga ngipin at dila ko, pagkatapos ay agad na ako nagmumog.

Pagkalabas ko ng banyo, naabutan ko si mama na nagkakape, habang may binabasang magazine. At ng mapansin niya akong kalalabas lang mula sa banyo, agad niyang isinara ang magazine na binabasa niya at itinabi.

"Oh kumain ka na." Saad niya habang sinasandukan ako ng sinangag sa plato, at nilagyan niya rin yun ng itlog .

Kaya umupo na ako upang mag-umpisang mag-almusal.

"Pinagtimpla na rin kita ng gatas mo." Sabi ni mama sabay lapag sa harapan ko ng tasa na may lamang mainit na gatas. "Tsaka itong pancake, kainin mo pagkatapos mong kainin yang itlog at kanin mo."

Napangiti naman ako sa pag-aasikaso sa akin ni mama. Lagi siyang ganito sa akin, lagi niya akong tinuturing na parang isang prinsesa. Sabagay ako lang naman ang anak niya eh, kaya wala siyang choice kundi pagsilbihan ang nagiisa niyang pretty na anak. Choss haha!

"Thank you ma." Pagpapasalamat ko na may kasamang matamis na ngiti.

"Sige na, kumain ka na. Bilisan mo at aalis tayo ngayon." Saad niya habang nagsasandok ng sinangag at itlog sa plato niya. Nagtaka naman ako.

"Po? Saan naman tayo pupunta ma?" Tanong ko kay mama sabay subo ng kutsara na may lamng sinangag at itlog.

"Pupunta tayong palengke, bibili na ako ng mga ingredients para sa mga handa mo na lulutuin ko sa birthday mo." Sabi ni mama na ipinagtaka ko.

"Pero ma, miyerkules palang ngayon. Sa sabado pa naman ang birthday ko eh. Masyado namang maaga ma." Sabi ko sabay higop ng gatas na medyo mainit pala.

"Alam mo anak, ayos lang yung maaga. Para may stock na tayo. Kailan pa tayo bibili kapag kinabukasan na ang birthday mo. Mas okay na yung maaga para mahaba haba pa ang araw na makakapag-isip ako kung may kulang pa o kaya kung may idadagdag pa ako sa handa mo. Diba?" Mahabang paliwanag ni mama.

"Whatever." Tangi ko na lang nasabi. "Basta ma, wag naman masyadong madami ang ihanda mo, baka masayang na naman eh."

Noong nakaraang birthday kasi niya todo luto siya, ang dami niyang niluto na handa. Akala naman niya mauubos, kaya ang ending pinamigay niya sa mga kapit bahay namin dito. Tapos yung ibang putahe di na niya maipamigay kasi panis na.

"Oo na nak." Sagot niya sa akin.







Pagkatapos kong maligo, dali-dali ako nagtungo sa kwarto ko, para makapagbihis. Di na ako namili ng magandang damit, dahil mamalengke lang naman kami ni mama.

Habang nagbibihis ako, pumasok ulit sa isipan ko ang credit card na pagmamay ari nung misteryosong lalaking yun. Kaya ng matapos ako magbibis, dali dali kong binuksan ang drawer ko at kinuha ang credit card na tinago ko dito kagabi.

Palaisipan sa akin kung bakit na sa brown paper bag ang credit card na ito, posible kayang nilagay ito nung lalaking yun, at nakalimutan niya lang kunin.

Labis ako nagtataka kung anong gagawin ko dito? Di ko naman ito pwedeng buksan at nakawin ang lamang pera nito dahil di ko naman alam ang secured number nito. Eh anong gagawin ko? Anong mapapala ko dito? Malalaman ko ba dito number nung lalaking yun, o kaya'y makikita ko ba dito yung panga--O SHIT!

Napamura ako sa isipan ko ng may makita akong pangalan sa hawak kong credit card.

Blake Johnson Santos Ford

Ayan ang nakita kong pangalan sa credit card na sa tingin ko pag mamay ari ng antipatiko--i mean ng mabait na lalaking yun.

"So, blake pala ang pangalan niya." Saad ko at di ko maiwasan na sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko dahil sa nalaman ko.

Thank you lord! You give me a sign to know him.

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon