Nakakainis! Nakokonsensya tuloy ako ngayon. Bakit ko ba kasi sinungitan yung lalaking yun?
Tama naman siya eh, siya na nga itong nagmagandang loob na dalhin ako dito sa hospital tapos ganun yung pinakita kong pakikitungo sa kanya.
Myghad mae! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo? Argh!
Nawala ako sa pagkatulala ng biglang pumasok yung nurse dito sa kwarto. Kaya napatayo ako, para tanungin siya.
"A-ahh..ate nasa labas pa po ba yung lalaki?" Tanong ko sa nurse.
"Yung pogi ba?" Saad nung nurse animoy kinikilig pa. Talandi rin eh.
Sino pa bang lalaki ang tinutukoy ko? Ate, utak mo may ubo char haha!
"Opo." Sagot ko habang tumatango.
"Kalalabas niya lang ng hospital. Kababayad niya lang ng hospital bill mo. Oo nga pala pinabibigay niya sayo." Sabi niya sabay abot sa akin brown na paper bag. "Kainin mo raw yan, para mapabilis yung pagkawala ng sakit ng ulo mo. Sinabi kasi sa kanya ng doctor kanina yung mga dapat mong kainin para mapabilis yung pagkawala ng sakit ng ulo mo. At tsaka binilhan ka na rin niya ng mga gamot na dapat mong inumin." Tuloy tuloy na saad ng madaldal na nurse. "Alam mo ang sweet ng boyfriend mo, kahit nag-aaway kayo kanina nag-aalala pa rin siya sayo. Alam mo miss pag nag ka boyfriend ako gusto ko katulad ng boyfriend mo."
Halos mawindang ako sa pinagsasabi ng nurse na ito? Anong boyfriend pinagsasabi niya? Ni hindi ko nga kilala yung lalaking yun eh.
"Saan mo ba yun nakilala, try ko rin maghanap dun. Baka makakita rin ako ng katulad niya, gwapo na sweet pa." Dagdag pa niya na animoy kinikilig pa sa mga pinagsasabi niya. Alam mo ang sarap niyang hambalusin, close ba kami at todo chika siya dyan. Charr hahaha! Mae ang bad mo.
"Naku! Di ko po siya boyfriend." Pagtangi ko, na ikinagulat niya.
"Ano!? Di mo yun boyfriend? Eh bakit ang caring niya sayo? Tapos worried na worried siya sayo kanina. Ano ba yan! Di mo pala siya boyfriend dapat pala nilandi ko na lang siya, kainis!" Talak pa nung nurse, ang daldal naman nito. Wala ba itong balak mag trabaho?
Ang dami niya pang sinasabi pero di ko na lang pinapansin dahil ang atensyon ko ay nakatuon sa hawak kong paper bag na may laman ngang pagkain at gamot.
Naalala ko na naman tuloy yung mga pinagsasabi ko sa kanya, mukhang kailangan ko makausap yung lalaking yun para humingi ng paumanhin sa mga pinagsasabi ko sa kanya, at magpasalamat na rin.
Nakakainis! Bakit ba mas naisipan ko pang awayin yung lalaking yun kaysa pasalamatan?
Sobra sobra na pala yung kabutihan na ginawa niya sa akin kahit di naman kami magkakilala. Tapos ginanun ko lang siya? Huhuhu naguguilty tuloy ako.
Pero tama! Dapat ako makapag pasalamat sa kanya.
"Ah ate, aalis na po ako." Paalam ko sa nurse na talak pa rin ng talak, pero kiber lang ako at dirediretso lang ako naglakad palabas ng kwarto.
Binilisan ko ang paglalakad sa pasilyo, takbo lakad na ang ginagawa ko dahil nangangamba ako na baka di ko na maabutan yung lalaking yun. Nangangamba ako na baka di na ako makahingi ng pasensiya at makapagpasalamat sa mga kabutihan niya.
Kaya lang ilang minuto ko na nilibot ang hospital pero di ko parin siya nakikita, nakarating na rin ako ng parking lot pero di ko naman alam ang kotse niya. Mukhang naka alis na siya, mukhang malabo ng makapag sorry ako sa kanya at makapag thank you.
Nakakainis ka talaga mae!
Palabas na ako ng hospital ng makasalubong ko si mama na mukhang papasok na rin sa loob ng hospital.
"Mae, anak!" Tawag sa akin ni mama ng magtama ang paningin naming dalawa.
"Ma!" Tawag ko rin sa kanya, at dali dali ako tumakbo palapit sa kanya at niyakap.
"Anak, ayos ka lang? May masakit ba sayo? May galos ka ba? May bukol ka ba?" Sunod sunod na tanong sa akin ni mama. "Anong nangyari sa mukha mo?" Takang tanong ni mama sa akin, nagtaka rin ako kaya kinapa ko ang mukha ko. At ngayon ko lang napansin na may malaking bond aid pala ang gilid ng mata ko.
"Galos lang ito ma." Sagot ko kay mama. "Natamaan po kasi ako ng bola."
"Anak naman eh, diba sabi ko sayo mag-iingat ka. Sana pala di kita pinayagan maglako kung alam ko lang na ganito mangyayari sayo eh." Bakas sa pananalita ni mama ang pag-aalala.
Di ko siya masisisi nanay siya eh, at sanay na ako kay mama. Ganyan naman siya palagi pag may nangyayari sa akin na hindi maganda. Kaya sobrang nagpapasalamat ako at may nanay akong katulad niya.
"Teka! Nasaan na yung lalaking nakatama sayo ng bola?" Nangagalaiting sabi ni mama.
"Naka-alis na siya ma." Sabi ko kay mama.
"Ano!? Tinakasan ka niya!?" Bulyaw ni mama.
"Ma, kumalma ka nga. Di niya po ako tinakasan sa totoo nga po siya na nagbayad ng pampahospital ko, tsaka binilhan niya rin po ako ng makakain ko tsaka gamot." Sabi ko sabay pakita ng paper bag na hawak ko.
"Mabuti naman kung ganun." Saad ni mama na kumalma naman.
"T-tsaka ma, b-binigyan niya rin ako ng pera para sa mga nasayang na kakanin." Nauutal kong sabi. Isa rin ito sa mga dahilan kung ba't ako nakokonsensya, dahil bukod sa sinungitan ko yung gwapong lalaking yun, niloko ko pa siya. Sinabi ko kasi na 500 lahat lahat ang presyo ng binebenta kong kakanin kanina, kahit ang totoo di pa naman ito aabot ng limang daang piso.
Gosh! Feeling ko napaka scammer ko. Hiyang hiya na talaga ako kay kuya pogi.
"Talaga!? Magkano naman?" Naeexcite na tanong sa akin ni mama.
Dinukot ko sa bulsa ko ang perang binigay sa akin nung lalaki, at agad ko itong pinakita kay mama.
"1000 po." Sabi ko kay mama, habang pinakita ko sa kanya ang isang libong piso na binigay sa akin nung gwapong lalaki kanina.
Nanlaki ang mata ni mama ng makita niya ang hawak kong pera, halos lumuwa na ang eyeballs niya.
Natawa naman ako sa reaksiyon niya.
"Itago mo yan, mag usap na lang tayo sa bahay." Saad ni mama, habang pangitingiti pa.
Ngayon alam ko na kung saan ako nagmana ng pagiging mukhang pera.
Pero naguguilty pa rin ako huhu.

BINABASA MO ANG
Pain Between Happiness
Teen FictionNaniniwala ba kayo na ang bawat kasiyahan natin ay may kapalit na kalungkutan? Na ang bawat ligaya natin, ay may katumbas na sakit at kapighatian. Sabi nga nila, kung sino pa ang mga taong mahal natin ng sobra na nagiging dahilan ng kasiyahan natin...