"COUZ, WAKE UP!!"
Naalimpungatan ako ng may nakakarinding boses ako narinig na nagpa-isturbo ng mahimbing kong pagtulog.
Kahit hindi ko pa iminumulat ang aking mata, alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng nakakarinding boses na iyon.
Walang iba kundi kay yesha, ang pinakakulit at pinaka-ingay kong pinsan. Kaya couz ang tawagan namin ng impaktitang yan dahil cousin for short.
Akala ko ang gigising na naman sa akin ay ang alagang manok ng matanda naming kapit bahay, yun pala ay ang pinsan kong mahilig pumutak.
"Woi! Bumangon ka na dyan sabi ni tita!" Bulyaw ni yesha, naramdaman kong umupo siya sa kama ko at inalog alog pa ako.
Nagtaklob ako ng unan, dahil sa kaingayan ng babaeng ito. Bakit ba ito nandito? Ang aga aga nangugulo sa pagtulog ko eh. Puyat pa naman ako dahil kakaisip kagabi kay papa.
"Ah, ayaw mong gumising ah." Saad niya na ikinakaba ko. Alam ko kung anong binabalak niya. "Gising na!" Sabi niya habang kinikiliti ang tagiliran ko.
Para akong bulati na binudburan ng asin, dahil sa pangingiliti sa akin ng makulit kong pinsan na si yesha.
"Oo na! Ito na babangon na!" Sabi ko habang di magkandamayaw sa kakatawa.
Napahinto naman siya sa pangingiliti sa akin, kaya agad na ako umupo sa kama ko.
"Bakit ka ba nandito? Isturbo ka! Natutulog pa ako eh." Inis kong maktol sa kanya.
"Bakit masama?" Mataray niyang saad sa akin. Aba! Maldita ito ah.
"Oo masama! Ang aga aga nambubwisit ka." Sabi ko at agad na ako tumayo sa kama ko. Binuksan ko ang kurtina ng bintana ng kwarto ko, at binuksan ko na rin ang bintana upang makapasok ang sariwang hangin. Kahit di na talaga sariwa ang hangin dito sa QC.
"Ah, so buwisit pala ang tingin mo sa akin?" Tanong sa akin ni yesha habang nakaupo parin sa kama.
"Oo." Tipid kong sagot. "Lagi mo naman ako binubuwisit eh."
"Kasi nga, gusto kong lagi kong binibuwisit ang mahal kong pinsan."
"Tsk, ang plastic mo." Sabi ko sa kanya. "Tumabi ka nga dyan, at aayusin ko yung kama." Utos ko sa kaniya na isinunod naman niya.
"Plastic agad? Diba pwedeng binobola ka lang." Natatawa niyang saad.
Nginiwian ko naman siya. "So, what are you doing here?" Pang eenglish kong tanong sa kanya.
"Ay englishan pala ang gusto mo ah. Sige, i give it to you." Sabi niya. "Im just here, to visiting you, because cauz i miss you so much. Three days i've never seen your pretty face." Saad niya habang nag iinarte pa sa pag-english.
Inirapan ko na lang siya. Kahit kailan talaga may pagka abnormalan itong si yesha eh. Kaya di ko maintindihan kong pinsan ko ba talaga itong babaitang ito.
"Tigilan mo nga ako, ang aga aga yesha." Suway ko sa kanya. "Bakit ka nga nandito?" Tanong ko sa kanya, na may pagkaseryoso para seryosohin niya rin ang sagot niya.
Kilala ko itong pinsan ko, di yan pupunta dito kung wala itong kailangan sa akin, or kung may gusto siyang sabihin.
"Woi, ang serious mo. Ang aga aga nakakunot na naman yang nuo mo. Sige ka maaga kang magkaka wrinkles." Pagbibiro niya, pero di ko siya iniimik dahil, busy ako sa pagsasalansan ng mga unan ko. "Dumalaw lang talaga ako. Yun lang."
"Weh?"
"Joke! May sasabihin rin ako sayo, pero mamaya na lang."
See? Told you.
BINABASA MO ANG
Pain Between Happiness
Novela JuvenilNaniniwala ba kayo na ang bawat kasiyahan natin ay may kapalit na kalungkutan? Na ang bawat ligaya natin, ay may katumbas na sakit at kapighatian. Sabi nga nila, kung sino pa ang mga taong mahal natin ng sobra na nagiging dahilan ng kasiyahan natin...