PBH8.AlaAla

41 5 2
                                    

Nakahiga ako sa kama. Di ako mapakali.

Maghahating gabi na ngunit di parin ako dinadalaw ng antok. Kung kaya't nakatingin lang ako sa kisame ng kwarto ko.

Muling pumasok sa aking isipan si papa.

Nasaan na kaya siya?

Kumusta na kaya siya?

Bakit di na siya nagpaparamdam sa amin ni mama?

Kinalimutan niya na kaya kami?

Napatingin ako sa kulay pink na teddy bear na katabi ko sa kama, at di ko maiwasan na di malungkot sa twing naaalala ko ang pinagmulan niya.

Labindalawang taon ako niyon ng huli kong nakasama sa piling ko si papa. Tandang tanda ko pa ang mga pangyayari noong huli naming pagsasama.

Kaarawan ko niyon, naghahanda si mama sa kusina ng mga magiging handa ko sa birthday ko. Panay silip ko sa bintana ng aming bahay dito sa Mindoro. Sa Mindoro pa kasi kami nakatira, dahil ang bahay na tinutuluyan namin ay ipinamana ng lola't lolo ko kay mama. Pero ngayon wala na ito dahil binenta na ito ni mama, dahilan kung bakit kami naririto ngayon sa Quezon City.

Nakaramdam ako ng pananabik, dahil sabi ni mama pupunta si papa sa birthday ko, kaya sobrang saya ko dahil bibihira ko lang kasi nakakasama si papa dito sa bahay. Hindi ko alam kung bakit. Pero ang sabi ni mama kaya madalas wala si papa sa bahay dahil may trabaho ito, kaya naintindihan ko na lang.

Kaya tuwing sinasabi ni mama na uuwi si papa sa bahay, labis ang galak at pananabik ang nadarama ko. Lalo na't ngayon alam kong may dala siyang regalo para sa birthday ko.

Ilang oras na ang lumilipas, marami ng minuto ang nasasayang. Pero wala pa rin si papa, napalitan ng lungkot ang nararamdamam kong kanina ay kasiyahan, pagkat nangangamba ako na baka di na naman makarating si papa sa kaarawan ko.

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon