PBH2.Malas

45 6 0
                                    

Andito kami ngayon ni mama sa palengke, may pwesto kasi siya dito na inuupahan niya para legal siyang nakakapagtinda ng mga kakanin na ginagawa niya.

"Bili bili! Ate, bili na po kayo ng mga kakanin! Masarap po lahat yan!" Panghihimok ni mama sa mga taong naglalakad dito sa palengke. At nakahimok naman si mama ng mga taong bibili sa ginawa niyang kakanin.

"Magkano ho dito ale?" Tanong ng may edad na babae sa suman na tinitinda ni mama.

"Mura lang ho yan, 25 pesos ang tatlong piraso." Sabi ni mama.

"Ay sige, pabili ako ng siyam na piraso." Sabi nung ale kay mama. Kaya dali dali ako kumuha ng plastic para isupot ang siyam na pirasong suman na gawa ni mama.

"Ito ho ang bayad." Sabi nung ale sabay abot ng 75 pesos kay mama.

"Maraming salamat ho, balik ho kayo pag nasarapan kayo sa suman namin." Sabi ni mama sa ale. Tinanguhan naman siya nung ale.







Nakakailang oras na kami ni mama dito sa palengke pero hindi parin nauubos ang mga paninda naming kakanin. Pero kahit papaano marami namang bumili kaya kalahati na lang ang paninda naming kakanin. Nangangamba si mama na baka hindi na ito mabenta sapagkat alanganin na ang oras.

Kung kaya't may naisip akong magandang ideya, na sa tingin ko makakatulong para mabawasan ang natitira naming paninda.

"Ma, mabuti pang ilako ko na lang po ito sa daan. Baka sakaling mabawasan itong paninda natin." Suhestyon ko kay mama.

"Sigurado ka ba anak?"

"Opo mama, dumito na lang ho muna kayo. Hintayin niyo na lang po ako bumalik."

"Sige anak, ikaw bahala. Mag iingat ka ah?" Nagaalalang saad ni mama.

Tinanguhan ko naman siya.

"Opo ma."







Kalahating oras na ako naglalakad pero sa kaunti pa lang ang nababawas sa dala dala kong kakanin.

"Kakanin ho kayo diyan! Mura lang po! Bili bili na po kayo." Sigaw ko habang naglalako ng mga kakanin na bitbit ko.

Diyos ko! Mukhang malapit na ako mapaos kakasigaw dito sa kalsada, bakit ba ayaw niyo magsibili? Grrr!

Nang makaramdam ako ng pagod, naisipan ko munang umupo sa gilid ng kalsada. Habang nagpapahinga ako nahagip ng mga mata ko ang mga lalaking may dalang bola. Mukhang magbabasket ball sila.

"Dun tayo sa kabilang court, mukhang maraming tao dun na nanunuod."

"Oo nga!"

Yan yung mga narinig kong usapan nung mga lalaki habang dumadaan sa harapan ko.

Kaya muling may naisip akong paraan, para mabawasan ulit itong paninda ko.

Tama! Dapat kung saan maraming tao dun ako magtitinda.

Kaya agad akong tumayo at dali daling naglakad patungo sa basketball court.







Nang makarating na ako sa basketball court, nakita ko nga ang mga tao sa loob ng court. May mga naglalaro nga ng basketball, at napakarami nga ng mga tao na nanunuod dito.

Magandang timing ito.

Umupo muna ako habang nanunuod ng basketball. Hintayin ko muna matapos ang laro, bago ko ibenta itong mga kakanin.

Habang nanunuod ako nahagip ng mata ko ang isang lalaki na tumatakbo habang hawak ang bola, hindi ko alam kung bakit sa kanya lang natuon ang atensyon ko. Siguro dahil ang gwapo niyang tignan kahit na pawis na pawis na siya. Ang hot niya!

Mas lalo ako nakaramdam ng kilig sa katawan ko ng i-angat niya ang kamay niya para i-shoot ang bola sa ring. Sheeet! Ang sarap naman ng muscle niya.

Waaaah! Ang landi mo mae!

Hinagis niya na ang bola papunta sa ring, kaya lahat kaming mga nanunuod nanduon rin ang atensyon. Sinundan rin ng mga mata ko ang bola na hinagis ng gwapong nilalang na pinagpapantasyahan ko, hanggang sa tumama ang bola sa ring pero hindi ito pumasok bagkus tumalbog ulit ito at papalapit na pumunta sa kinaroroonan ko.

"ILAG!"

Narinig kong sigaw nung gwapong nilalang pero huli na ang lahat, dahil tumama na ang bola sa pagmumukha ko dahilan para mabitawan ko ang mga hawak kong kakanin.

Napabagsak ako sa kinauupuan ko, at bago ako mawalan ng malay ang tanging nakita ko lang ay ang paglapit ng tarantadong lalaking bumato ng bola at pati na rin ang mga paninda kong kakanin na nagkalat sa sahig.

Kapag minamalas ka nga naman.

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon