PBH3.Sorry

39 6 0
                                    

Pagkamulat ko ng mga mata ang tanging nakita ko lang ay puting paligid.

Jusko! Nasa langit na ba ako? Patay na ba ako?

Nooooo!

May mga pangarap pa ako! Di pa ako pwedeng mamatay!

"Gising na siya."

Narinig kong tinig sa bandang gilid ko kaya agad ako napatingin dun. Nang makita kong nurse pala ito, agad ako bumangon sa hinihigaan ko.

Nilibot ko ang buong paningin ko kung saan ako naroroon.

"Okay ka na ba?" Tanong sa akin nung nurse.

Tinignan ko naman siya. "Nasaan po ako?" Tanong ko sa nurse.

"Nasa hospital ka." Sagot niya.

Hays! Ang shunga ko naman, napansin kong nurse ito tapos di ko alam kung nasaan ako. Sheesh! Utak naman mae.

"Ayos na ba pakiramdam mo?" Nilingon ko naman yung nagsalita sa likuran nung nurse.

Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang gwapong lalaki na pinagpapantasyahan ko kanina sa court. Bigla tuloy ulit ako nakaramdam ng kilig. Wait! Ba't ba ako kinikilig sa lalaking ito? Eh sya nga ang dahilan kung bat tumama yung bola sa pagmumukha ko eh, at siya rin ang dahilan kung bakit nandito ako sa hospital. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mapapahiya sa mga tao sa court, kundi dahil sa kanya di ko mabibitawan ang  nilalako kong--- teka! YUNG KAKANIN KO NGA PALA!!!

Agad ako tumayo sa kama na hinihigaan ko, pinilit kong makatayo kahit medyo masakit pa ang ulo ko.

"Miss, dahan dahan lang sa pagbaba." Sabi sa akin nung nurse na inalalayan pa ako makababa ng hospital bed.

Nang makatayo ako agad kong hinarap ang lalaking ito na nakatayo sa harapan ko.

"Nasaan na yung bayad?" Tanong ko sa kanya sabay lahad ng kamay ko sa harapan niya.

"Bayad?" Taka niyang tanong.

"Bayad mo sa mga natapon na kakanin kanina."

"At bakit ko naman babayaran?" Kunot nuo niyang tanong sa akin.

Aba!

"Dahil sayo kung bakit yun nahulog." Sabi ko sa kanya habang nanlalaki ang mata ko.

"Eh sino bang nakahulog?" Sabi niya habang nakapamewang.

Aba! Talagang iniinis ako ng lalaking ito ah! Di porket gwapo siya, makakatakas na siya sa atraso niya sa akin.

"Eh sino bang nakatama ng bola sa akin?" Palaban kong sagot.

"Yung ring." Tipid niyang sagot sa akin.

"A-anong yung ring? Ikaw kaya! Kaya bayaran mo ako!" Singhal ko sa kanya.

"Bakit ako? Kasalanan ng ring kasi pinapunta niya yung bola sayo. Kaya sa kanya mo pabayarin."

Aba! Napaka antipatiko naman ng lalaking ito! Pinipikon talaga ako nito ah.

"Sino ba nagbato ng bola!?" Nangigil kong sigaw sa lalaking kaharap ko.

Kung kanina kinikilig ako sa kanya pwes ngayon hindi na dahil naiinis na ako sa kanya.

"Ako. Pero di ko naman yun sinasadya eh. Actually kasalanan mo rin naman kung bakit ka natamaan ng bola sa mukha eh. Sa halip na umilag ka panay titig mo parin sa mukha ko."

Nanlaki ang mata ko sa simabi ng letseng lalaking ito. Di lang pala antipatiko itong kumag na ito eh, napakahangin rin!

"A-anong panay titig, di kita tinititigan no! Pwede ba wag kang makapal! Bayaran mo na lang ako ng matapos na ito!" Nangagalaiti kong saad, ginigigil kasi ako ng lalaking ito eh. Wala akong pake kahit may nurse kaming kasama dito, ang mahalaga mabayaran yung mga kakanin na nilalako ko.

"Hey! Chill lang." Sabi niya habang natatawa. "Oo na, babayaran na kita. Magkano ba yun?"

Oo nga no? Magkano ba yun? Hala! Di ko alam. Manghula na lang kaya ako. Tama!

"500! 500 lahat yun!" Sabi ko at agad kong nilahad ang kamay ko sa harapan ng letseng lalaking ito.

May dinukot siya sa short na suot niya at wallet niya pala. Nanlaki ang mata ko ng bumunot siya ng 1000 sa pitaka niya at agad niyang pinatong sa kamay ko.

Waaaaah! Ang yaman naman niya!

"Siguro naman okay na yan, para manahimik ka?"

"Oo! Okay na ito, magbibigay ka naman pala pinapatagal mo pa." Sabi ko habang sinusuksok ang isang libo sa bulsa ko.

"Tss, mukhang pera."

Nagpanting ang tenga ko sa sinabi nitong kumag na ito.

"ANONG SABI MO!? AKO MUKHANG PERA!?" Nangagalaiti kong sigaw.

"Can you please shut up!?" Naiinis niya ring sabi sa akin.

"Maam at sir, hinaan lang po natin ang boses natin. May iba pa pong pasyente sa labas." Sabat nung nurse.

"Sorry po." Paghingi ko ng paumanhin sa nurse.

"Labas ho muna ako, tawagin niyo nalang po ako pag may kailangan kayo." Sabi nung nurse sabay labas ng kwarto.

At muli kong ibinaling ang atensyon ko sa antipatikong lalaking kaharap ko. Sabihan ba naman ako mukhang pera. "Ikaw! Palibhasa mayaman ka, kaya hindi ka namumroblema sa pera. Try mo kayang maging mahirap para malaman mo ang kalagayan namin." Sabi ko sa antipatikong lalaki na  kaharap ko habang dinuduro duro siya.

"Tss. Ang drama mo, binayaran na nga kita. Ang ingay mo parin." Sabi ng kumag na lalaking ito at aakmang lalabas na.

"Ikaw na nga itong naka-agrabyado, ikaw pa itong mayabang." Sabi ko, at natigilan naman siya.

"What? At ako pa talaga ang naka-agrabyado? Alam mo sa halip na nasa bahay na ako at nagpapahinga, eh nandito ako sa hospital para masigurong ayos ka lang. Tapos gagantuhin mo ako, eh ikaw nga diyan ang nakaka agrabyado eh, sa halip na kasali pa ako sa laro namin kanina eh nandito ako nakikipag away sayo!" Nangagalaiti niya ring sigaw sa akin na ikinagulat ko.

Bigla ako nakaramdam ng konsensiya, tama siya. Ako nga ang naka agrabyado sa kanya. Actually wala naman talaga siyang kasalanan eh, kasi di naman niya sinasadya na matamaan ako ng bola.

"S-sorry." Tangi ko lang nasabi.

"Tss." Tanging narinig ko sa kanya bago siya tuluyang lumabas ng kwarto.

Pakiramdam ko ang sama sama ko sa kanya.

Pain Between HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon