Phubie's POV:
I can see the sunset, the trees, the birds in the sky, the colorful sky when the sun starts to wake up and I can hear the sound of the oceans.
It's a good day Phubie, Good mood to start the day with a smile.
I closed my eyes when I decided to relax myself from all the headaches I've been through.
Haay nakaka relax ang simoy ng hangin idagdag mo pa ang huni ng mga ibon at ang masarap sa pandinig na mga alon na humahampas sa dalampasigan.
Sana pala noon ko pa naisipang pumunta dito HAHAHAHA
Nagpa tianod ako sa duyan na aking hinihigaan at mas lalong ninanamnam ang nakaka relax na paligid.
Ang sarap sa pakiramdam ng ganito, walang ibang iniisip, walang problema, walang bigat na dinadala. Ang tanging gagawin ay sulitin at namnamin ang pakiramdam ng walang kung anong iniisip.
Di ko namalayang nakatulog na pala ako sa duyan at naalimpungatan ako nang tumama ang sinag ng araw sa kanang parte ng aking mukha na animoy sinisilip ako ng araw sa pagkakasilong ko sa puno na nagsisilbing tagapagligtas ko sa init at sinag ng mahal na araw.
Bahagyang tumunog ang aking telepono nang makitang tumatawag si Dezrhee.
Bb Dezrhee calling...
I answered the call at bahagya akong naglalakad lakad sa gilid ng dalampasigan.
[Phubie! Kumusta bakasyon? Malapit na ang pagbubukas ulit ng klase dito sa atin] Oo nga pala, magpapasukan na naman. Kaya nararapat lang talaga na sulitin ko ang bakasyon ko dito sa mati davao city.
"Oo nga nalalapit na ulit ang pasukan, Miss na kita Dez" Talagang na miss ko ang babaeng to. Siya lang naman ang kaisa isang naging kaibigan ko ng matagal sa paaralang pinapasukan ko.
[Yie I miss you too day! Pag enjoy dira day! para pagbalik mo dito handa na tayo sa stressful life ulit bilang college student!] Magiliw niyang pag ku kwento na na miss niya din ako.
"Oh sige na muna day! Kakain na muna ako sa resto dito, See you soon!" Yun lamang at natapos na ang aming pag uusap.
Naglakad lakad akong muli sa dalampasigan patungo sa restobar na nakita ko kagabi.
Wala sa sarili akong napangiti sa bawat paghampas ng alon sa dalampasigan na saktong tumatama saaking mga paa.
Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang isang maliit na pawikan na animoy patungo siya sa karagatan.
Tinakbo ko ang aming distansya at tinulungan siyang makalapit ng tuluyan sa tubig ng karagatan.
Ang kyut!
Isang beses na lumingon saakin ang batang pawikan bago lumangoy patungo sa kinailaliman ng karagatan.
Ang sarap ng buhay na animoy ikaw ang batang pawikan na nilalandas ang iyong nais marating sa buhay at kahit napaka laki at lalim ng karagatan ay masaya mo itong tatahakin dahil ito ang iyong landas na pinili.
YOU ARE READING
Until You Are Mine
RomanceA story of a girl who have a high standard towards the man she'll love and a high goals in life that she wants to fulfill. How can she find her dream guy with her standards if destiny would find a way to push her towards the guy he never imagined. A...