Chapter 9

11 0 0
                                    

Kiss?

Phubie's POV:

Matapos ang klase namin kay Ms.  Guerrero ay nauna na akong lumabas, tahimik parin ang kasama ko

Tanging si Ms. Guerrero ang pumasok sa araw na ito dahil ngayon niya pa lang binigay ang limpak limpak na peperworks!

Ang kaninang maayos kong mood ay napalitan ngayon ng inis at pagkalito sa mga nangyayari!

Nang hindi ko mamataan si Javen sa kung  saan ay tinext ko na siya

To: Javen
San ka? Pupuntahan kita

Di  mawala ang inis ko sa tuwing naaalala ko ang mga pasa at sugat niya!

Nag aalala ako at naiinis sa kung sino mang may gawa non!

Hindi naman nakikipag away yon bat napa away? Tsk!

Naglakad na ako patungo don sa tambayan namin, sa kubo.

Tinext niya na andon siya kaya don ako patungo. Nakita ko siyang nakaupo sa maliit na bench sa labas non

Bumuhay muli ang inis ko nang makita ko muli ang mga pasa niya sa mukha!

Nang malingunan niya ako ay parang  nabalisa siya dahil sa galit na ekspresyon ko

Oo! Galit na talaga ako dahil hindi mo sinasabi saakin ang tunay na nangyari!

"Phubie" Malambing na tawag niya sa pangalan ko nang  makalapit ako

Hindi ako tinatablan ng lambing ngayong naiinis ako, Javen!

"Sabihin mo saakin ang nangyari sa mukha mo, sinong bumugbog sayo?" Malumanay na tanong ko ngunit hindi nawala ang inis sa tono ko

Napabuntong hininga siya.. Parang nakakaawang bata ang itsura niya! Bugbug sarado!

"Phubie, Sinabi ko na sayong ayos lang ako. Napaaway lang ako sa kanto ngunit ayos ako" Malumanay na aniya at talagang ayaw magsabi!

Nabuhay muli ang inis ko

"Ayos? Tingnan mo nga yang itsura mo! Ayos ba yan ha? ang dami mong pasa! Oh ayan! Ayan! Ayan! Tsaka yan! Ayos ba yan? Ha?!" Sigaw ko sabay turo sa mga lecheng pasa niya sa mukha!

Hinawakan niya ang kamay ko at maraang hinaplos yon. Hinalikan niya ang kamay ko at nilagay sa pisngi niya

"Wag kana magalit, Phubie.. Pakiusap.. Ayos lang ako wag mo akong intindihan.. Pakiusap wag kanang magalit, ayoko ng galit ka" Malambing na aniya habang kinikiskis ang palad ko sa pisngi niya

Napangiwi siya nang matamaan ang sugat niya! Oh ayan!

"Naiinis ako sa mga pasang yan! Tara sa clinic! Gagamutin ko" May bahid parin ng inis ang tono ko kaya inalalayan ko siyang makatayo kahit inis na inis na ako

Until You Are MineWhere stories live. Discover now