Chapter 6

8 0 0
                                    

Clubs?
Phubie's POV:

"Daaay ano na? 'chikahi ko dali!' Anong nangyari nong nakaraan?" Pangungulit ni Dez saakin umaga ng myerkules.

Tamad akong bumangon at umupo sa kama ko. Parang nag nining ning naman ang mata nito dahil sa excitement. Excited ka teh?

Talagang ginising ako para sa kwento? Hanep!

"Oy daay sigee naa! Anong nangyari sainyo ni Ulysses? hihihi" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"A-Anong nangyari? Tumigil ka nga!" Sigaw ko sakanya pabalik.

parang lumundag ng slight yung puso ko sa sinabi niya. Hindi dahil kay Ulysses ah? kundi dahil sa ibang meaning ng sinasabi niya! Tssk

"Uuuuyyy HAHAHAHAA ano na nga? kumusta ang date niyo ni Ulysses? Nag date kayo no? Ikaw ah naglilihim kana daaay" Talagang nagtataka ako sa pinagsasabi niya!

"Anong nakain mo? Tsaka anong Ulysses? Si Javen ang ka date ko nung nakaraan, Dez" Seryosong saad ko.

Tssk kaya pala kumikinang ang mga mata niya kanina dahil akala niyang si Ulysses?

Oo na Dez! Ikaw na presidente ng fans club ni Ulysses!

"Sooo hindi kayo nag date ni Ulysses?" Parang malungkot ngunit umaasa ang tono niya.

Ano bang nangyayari sa babaeng to at botong boto kay Ulysses? Kataranduhan lang alam non!

"Hindi" Tanging sagot ko

Akala koy titigil na siya nang tumayo ako para maghilamos

"Eh ano yung eksena raw don sa hallway daay? Maraming nakakita na malapit kayong mag kiss---

"What?!" Gulat na tanong ko habang nanlalaki ang mga mata dahil hindi ako makapaniwala!

Mapanukso namang tumango ang babaita! Tssk

"Malapit daw kayong mag kiss--"

"What?!!" Putol ko ulit sa sasabihin niya

Anong kiss?!!

"Malapit nga daw kayong mag kiss--"

"What?!! Aray!" Binatukan ako ng walangya!

"Ikaw nga patapusin mo yung sinasabi ko.. Puro ka what dyan! Lunurin kita dyan sa lababo eh" Sabi niya pa habang nakaturo sa lababo. Langya!

Until You Are MineWhere stories live. Discover now