Chapter 2

12 0 0
                                    

President..

Phubie's  POV: 

Buong klase akong lutang at badtrip dahil sa lalaking yun! Kala mo naman kung sinong pogi!

Break time na at naglalakad na ako sa hallway patungo sa cafeteria. Dun kami magkikita ni Dez.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko para i text si Dezrhee Maibell kung asan na siya. Malapit na ako sa cafeteria ngunit di ko pa siya nakikita sa usual spot namin.

To: Inday Dezrhee
San kana day? Nasa cafeteria na ako.

Oorder nalang siguro muna ako ng makakain namin, singilin ko nalang mamaya.

Pagpasok ko sa cafeteria parang hindi magkamayaw ang mga babae kakatingin sa kung sinong umoorder sa unahan. Nagbubulungan, Kinikilig at may mga namamamanghang mga tingin. Weird.

"He's the transferee"
"Grabe he's so hot"
"Girl di ako makapaniwala na may ganito ka gwapong nilalang sa school"

Narinig kong usap usapan ng tatlong magkakaibigan pagpasok ko sa cafeteria. Nang tanawin ko naman dun sa unahan may nakita akong mataas ang buhok na babaeng matangkad na tila kinakausap yung lalaking nasa counter.

"Hi, I'm Rafaela" Sabay abot niya ng kanyang kamay sa kaharap. Matamis ang pagkakangiti na tila nagpapa kyut sa kaharap. Tsk seriously?

Nabigla ako sa tinig na sumagot sa babaeng sinasabi ko. "Hi" Sagot nung lalaki. He's the guy! Yung walangyang classmate ko!

"Nice to meet you, What's your name hottie?" Hottie? Baduy. Dala nung amaw ang tubig na inorder niya.

"Yahj, Nice to meet you too gorgeous" Eww. Talagang dito pa naglalandian? Hottie? tsaka gorgeous? Cringe!

Ako na ang susunod na oorder ngunit nakaharang sila kaya I excused myself  Gutom na ako

"Excuse me? Pwede kayo dun sa table mag usap kase oorder na din ako nakakaabala kayo ng iba" I smiled para di naman sila ma hurt. Ngunit umasim ang mukha ng babaitang sinasabi ko. Mas maasim pa sa suka ang mukha char 

I heared him chuckled at bahagyang tumabi sa gilid para makapag order ako. "Thankyou" At nagsimula akong mag order.

Umorder ako ng apat cinnamon bread, dalawang spagg, coke, dalawang slice ng pizza at isang palabok. Ayaw ni Dez sa palabok kaya isa lang, ako lang ang kakain HAHAHAHAHA

Pagkatapos kong bayaran ang aking binili napansin kong yung siraulong amaw nasa gilid pa pala at nakatingin saakin ng nakangiti. Baliw yata to

Inakay ko ang tray laman ang mga binili ko upang dalhin sa table namin ni Dez nang muling tumawa ng mahina ang amaw!

"You have that big appetite huh? With that small size?" Bahagyang pinasadahan ng tingin ang katawan ko! Amaw!

Patuloy ako sa paglakad patungo sa table namin ni Dez nang nakasunod parin ang amaw na to!

"Ano pa bang kailangan mo? Sunod ka ng sunod para kang buntot!" Bahagya muli siyang natawa na para bang nakakatawa ang sinabi ko. Liki man siguro ning tawhana ni

Until You Are MineWhere stories live. Discover now