Chapter 3

9 0 0
                                    

Ideal Man...

Phubie's  POV:

"Good morning everyone, We gathered here today to witness the oath taking of our new Student  Council President. We personally picked this student to lead the council and all of us agreed that Miss Phubie Schariena Dela Vasquez will be the new Student Council President!" Magiliw at ma awtoridad na walang pagpapaligoy-ligoy na anunsyo na ako ang napiling maging presidente.

"Once again, Miss Phubie Schariena Dela Vasquez!" Anunsyong muli ni Sir Montano sa lahat ng estudyanteng nandidito sa field. Gosh.

Gumapang ang hiya sa buo kong pagkatao nang dahan dahan akong  maglakad patungo sa taas ng stage para maipakilala at mahirang na presidente.

Nang makarating ako sa taas bahagya akong ngumiti at yumuko sa mga respetadong mga guro sa paaralang ito. Isa isang nakipagkamay si Sir Montano, Maam Mosqueda, Sir Prinsipe at lalong lalo na si Mr. Pulma. 

Ngumiti ako sa dagat ng mga taong nasa ibaba na dama ko ang kanilang pagkamangha at pagkatuwa na nakita nila ako sa entablado at hihiranging presidente.

Hindi ako sa sikat sa paaralang ito ngunit bakit dama ko ang suporta ng bawat estudyanteng narito?

Pawang hindi ko maintindihan ang mga sinasabi ni Sir Montano sa mikropono sapagkat puro ngiti ang aking nagagawa. Gosh ito na nga yun phubie!

Bumalik ako sa ulirat nang inanunsyong magsasalita ako sa harap kumbaga speech for my position.

Humakbang ako sa harap at nginitian kong muli ang mga kagalang galang na guro saaking likod.

Huminga muna ako ng malalim tsaka nagsimulang magsalita.

"Good morning everyone. Honestly I really don't know what to say, I am shocked, stunned and at the same time I am grateful that these amazing and highly respected teachers elected me to be the next Student Council President" I paused. Parang hindi ako makahinga sa pinagsasabi ko. I am overwhelmed.

Natatanaw ko si Dez sa baba na todo ngiti at kaway saakin, ang ibang estudyante naman ay nakangiting nakatanaw saakin sa taas. Ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang lalaking matangkad na halos di ko alam kung san ko nakita, Nakangiti at nakapamulsang nakatingin ng diretso saakin.

Ngunit nagpatuloy ako sa pagsasalita.

"To my future team, Goodluck to us and I hope we'll have the connection we need to establish and innovate our school. I am Phubie Schariena, Your new Student Council President" I bowed and smiled to end my speech. I am really happy like I am floating somewhere HAHAHAHAHA.

Sumunod ang oath taking, a seal of promise to do my duty as a president. 

Di ako makapaniwalang I am now the president. I am happy at the same time nervous about my responsibilities as a president. I know being a president is not just a piece of cake nor a light box you can easily lift.

You can do it Phubie, I know you can.

Matapos ang ginawang programa ay ipinatawag ako agad sa opisina for a meeting. As in meeting agad but it's fine. Face it phubie!

"Ms. President, Since you are the new president I am giving you the old science laboratory to be your Office as well as your meeting place with your team" Mr Pulma. So it means! We'll have our own Student Council Office.

Yung dating opisina kase ng Student Council ay ginawang mini library. So that office will be our own meeting place! Gosh!

Naghintay ako sa kung ano pa mang instruction ni Mr. Pulma. Muli siyang nagsalita.

Until You Are MineWhere stories live. Discover now