Vice President.
Phubie's POV:
"Phubie, ngayon na ang elections you should prepare for your team" Anang Dezrhee.
Yes, Finally! This is the day na makikilala ko ang magiging team ko for this year's student council.
"Tara na sa gym daaay, baka andon na yung result" Nagpahila ako sa babaeng to para nga makapunta sa gymnasium.
I am pre occupied. Like di ko parin maalis sa utak ko yung mga ngiti at boses ng lalaking nagngangalang Javen Blake.
Totoo nga ba talaga ang love at first sight?
Para sakin kase hindi, sinong gaga naman ang maniniwala sa love at first sight hindi ba?
Hindi naman basta basta nararamdaman ang love sa unang pagkikita lang, siguro admiration at first sight?
Nakakabaliw ang pag iisip ko sa lalaking malutong magtagalog na iyon. Pasok sa ideal man ko.
Nang makapasok kami sa gymnasium ay napansin ko ang grupong kinabibilangan ni Ulysses at agad namang nahanap ng mata ko ang lalaking iniisip ko.
Matamis itong nakangiti saakin at nakakasilaw ang dimples na lumalabas mula rito. Shocks!
Siniko ako ni Dez nang nasa harapan ko na pala si Ulysses na nakalahad ang mga kamay. Asungot!
Hinanap ng mata ko si Javen ngunit nasa harapan na ang kanyang tingin.
Iwinaksi ko saaking utak ang mga pinag iisip ko at pinagtuunan ng pansin ang nasa harap.
"I'm glad I see you here, Phubie" Ani niyang nakangisi at nakalahad ang mga kamay para sumunod ako sakanya o ano.
"We are glad Ulysses! Bat ka nga pala andito?" Si Dez na mismo ang kumausap sa lalaking to. Makulit at mahangin ang isang to, di ko type.
Nanatili akong nagmamasid sa buong gymnasium para hanapin ang taong nakapukaw ng atensyon ko. Javen Blake.
Di ko halos maintindihan ang pinag-uusapan nila dahil sa kakalingon ko kung saan.
Bumalik ako sa wisyo nang sikohin akong muli ni Dez.
"Phubie? Are you okay? I need to go, See you later" Nagtataka siya sa inasta ko at kung bakit nakalutang ang kaluluwa ko sa kung saan
Bago siya tumalikod ay may nabasa akong galit sa mga mata nito na agad namang nawala, nakakuyom ang kamao ngunit agad itong kumalma. Problema niya?
Di ko na lamang pinagtuunan ng pansin ang nakita ko nang nagpatuloy kami sa gitna ng gymnasium.
Gumala gala kami sa mga estasyon na nasa bawat gilid ng gymnasium para sa results ng mga tumakbo.
Napatalon ang aking kasama nang may kung anong nabasa siyang hindi ko alam sa isa sa mga estasyon.
"Anyare sayo?" Hindi siya kumibo at hinila ako sa ilan pang mga estasyon na nagco-compute ng mga boto.
Bawat estasyon na aming pinupuntahan ay may pagka mangha at galak sakanyang mga mata ngunit hindi ko alam kung bakit.
Nagpatianod ako sa kung saan niya ako hinila at hinayaan siya sa gusto niya. Kusang gumala ang aking mga mata sa kung saan at nasalubong ko nga ang tingin ng lalaking aking hinahanap.
YOU ARE READING
Until You Are Mine
RomanceA story of a girl who have a high standard towards the man she'll love and a high goals in life that she wants to fulfill. How can she find her dream guy with her standards if destiny would find a way to push her towards the guy he never imagined. A...