Who cares?
Phubie's POV:
Nagpa ulit ulit ng ganon ang routine ko sa buong linggo. Sinusundo ako ni Javen, hinahatid at pinapakilig!
Nagsisimula ng bumigat ang mga pinag gagawa sa school lalo na at papalapit na ang opening of clubs!
Agad akong napatingin sa phone ko nang may nag text
From: Javen
Magandang Umaga, Phubie.. Napaka ganda ng araw ngunit batid kong mas maganda ka kesa rito.. Kumain kana, Magkikita pa tayo mamaya <3Parang tangang napangiti naman ako sa text ng lalaking to! HAHAHAHA
Mas natatawa ako sa heart emoji niya! Bolero! HAHAHAHA
Nag desisyon akong ayusin na ang lahat ng gamit ko at umalis na ng apartment. Nauna na si Dez dahil naging busy na rin siya sa sched niya
Nung mga nagdaang linggo ay panay ang date namin ni Javen. Kain sa kahit saan, dun sa kubo at ang madalas niyang pagpipinta ng mukha ko!
Nakakakilig ng sobra ang ginagawa niya! Nahuhulog ako ng napaka lalim at hindi ko alam kung paano pa akong aahon. Hinahayaan ko ang sarili kong mahulog sa lalaking gustong gusto ko
Sinalubong ako agad ng magandang ngiti ni Mr. Pulma nang dumaan ko sa opisina niya para ipasa ang plano namin sa gaganapin sa susunod na linggo.
"Maraming salamat, Ms. Dela Vasquez. Take care anak at umayos sa pag aaral" Nakangiting ani niya kaya ginantihan ko din ito ng matamis na ngiti.
He is really the best principal sa buong mundo!
Masaya akong naglalakad patungo sa classroom, masarap sa pakiramdam ang lahat ng nangyayari
Ang panliligaw at pagpapakilig ni Javen, Ang posisyon ko sa Student Council, Ang pag aaral at higit sa lahat ang gaganapin na opening of clubs!
It's a good day for me!
Kaya ganon na lamang ang pag ngiti ko sa mga bumabati saakin tuwing nadadaanan ko.
"Phubie!" Dinig kong tawag saakin ni Gabriel nang makita akong pumasok sa room.
Ka grupo ko siya sa isang subject.
Nakangiti niya akong nilapitan at ginantihan ko naman ito ng ngiti
"Sa susunod na linggo kase ay may pageant na gaganapin sa barangay namin, sa buhangin lang banda. Pwede ka bang maimbitahan? Ikaw ang nais naming mag representa ng lugar namin, Phubie" Mariing saad niya. Lamang ang pag asang papayag ako.
YOU ARE READING
Until You Are Mine
RomanceA story of a girl who have a high standard towards the man she'll love and a high goals in life that she wants to fulfill. How can she find her dream guy with her standards if destiny would find a way to push her towards the guy he never imagined. A...