"Anak alam mo naman siguro kung bakit namin to ginagawa diba..anak ikaw nalang ang pag-asa para hindi tuloyang bumagsak ang company."
"Pero Mom! Dad I'm still young I'm not ready yet for that marriage."
"Yeah we know baby, ayaw man namin pero yun nalang ang tanging paraaan. So wether you like it or not go on magpalit ka na dahil ngayon ang pakikipagmeet natin sa family Fernandez."
"Arghhh fine mom." Padabog akong tumayo at nagtungo sa aking kwarto. Nakakainis talaga sila. Ako ang pinapasubo. Sana di nalang nila ako pinanganak, if ipapakasal lang din naman nila ako ng maaga.
Dahil sa inis ko nagdress lang ako ng pagat tuhod. No need to ayos ayos na. Simple lang baka masapak ko pa ang lalaking imi-meet namin. Wala akong pakealam di naman importante magtiis sila sakin ah. Tskk
Pagkarating namin sa VIP restaurant sumalubong samin ang mga nakaformal suits na mga tao the hell I care.
"Umayos ka, magbigay ka ng galang at dapat maging maingat ka, gumalaw ka na parang babae." bulong sakin ni mom dahilan para mapairap ako.
Nag-iingat naman ako ah. Nagkukunwari na nga lang akong mabait at mahinhin sa harap ng mga hinayupak na taong di ko kilala. Ok naman ako. Mukha ba akong tomboy.
Tssk kala mo naman lalaki ako kung gumalaw. Nakakastress!
Tumaas tuloy kilay ko ng magsalita ang may kaedarang babae. Infairness halatang maganda ito ng dalaga pa siya. Based na rin sa maamo niyang mukha at wow blooming na blooming nahiya tuloy ako sa aking hitsura.
"Oh hi Mr. and Mrs. Smith. Oh this is your daughter such a beautiful and lovely one, even though she's not wearing blush on. Simple but pretty like you, Oh gosh your so cute sweetie." Gusto ko sanang mapangiwi dahil hinaplos niya ang pisngi ko. Akala mo naman kilala ko. Feeling close.
"Oh yeah she's my daughter. Introduce yourself baby." Pasimple akong siniko ni mommy. Natauhan ako sa pagkakatulala sabay ngiti sa babaeng may kaedaran kasama nito ang asawa niya siguro.
"Ah! Eh! Hello po. Hehe! Ako po si Arianne. Nice to meet you po." Pilit kong ngiti. Mukha naman akong timang neto.
"Nice to meet you din iha. Anyway I am your tita Zeriya and this is my husband." Tumango ako at bumaling kay husband niya daw. Lintek feeling teen ager lang. Nagpalitan sila ng matamis na ngiti. Ang OA ah. Sweet masyado! Sana all.
Napaubo ako at napangiwing lumingon kila mom at Dad na ngayon ay hindi rin naghihiwalay ang kamay. Jusko! Mga matatandang to! Mga feeling binata't dalaga. Nagmumukhang ako ang ina rito. OP!
Napabuntong hininga ako at napatingin sa kawalan. Anong gagawin ko rito!
"Arianne. Hmm nice name. I am your Tito Hance by the way." Lahad ng asawa ni tita Zeriya sakin. Tumango ako bilang sagot. Wala naman akong alam na sasabihin eh.
"Oh I forgot this is my son." masayang tugon ni tita habang nakaturo sa kanyang tabi. Napangiti ako ng peke dahil wala namang tao sa kanilang tabi.
"Hehe." pangiwi kong ngiti napansin siguro nila kaya luminga linga sila.
"Ah sorry, he's right there." saad ni tita saka tinawag ang lalaking nakatalikod sa amin.
"Hey son give respect and come here." tawag niya dito.
"Why? I'm busy can't you see Mom? Let's leave, Kanina pa tayo nandito." sagot nito habang busy sa pagtatype sa kanyang laptop. Tss I don't care.
BINABASA MO ANG
Sweet Perverted Fiancee
RomanceDito sa mundo may mga bagay talagang mahirap tanggapin pero alang-ala sa mga mahahalaga at importanteng bagay kailangan ng sacrifice, kahit na hindi ganun kadali lalo na't sobrang hirap ng sapilitang pagpakasal sa di mo naman kilala. the word ARRANG...