Snow White

5 0 0
                                    

Nam Snow Perez

"Noong unang panahon, may isang prinsesa na naninirahan sa Palasyo kasama ang bagong asawa ng kanyang amang Hari." Simula ko. Nakangiti naman ang mga bata na nakikinig sa kwento ko.  "Ang kanyang evil stepmother na laging kinakausap ang malaking salamin sa Palasyo at oras-oras naman nyang tinitingnan ang kanyang itsura"




"Bakit po lagi syang nagsasalamin?" tanong ni Elvi na laging nakikinig sa mga kwentong barbero ko. Patola mga Bata dito eh. Inuuto ko lang para bumili sila ng tinda kong mansanas. Marketing strategy mga Brad.




"Chineck nya kong pangit ba talaga sya. Hahaha kaya pag-uwi nyo check nyo kong pangit kayo ah" sagot ko Kay Elvi



"Ate Nam, Gabi na po bukas na lang natin ituloy" cute na boses mula kay Emma na kinukusot pa ang mga mata.




"Oh sige bukas na lang natin tapusin. Magdala kayo pera ah. Bili kayo mansanas ko"



Nagpaalam na ang mga bata. Habang ako inaayos ko na ang mga paninda ko.
Malapit nang matapos ang summer kaya kailangan kong kumayod dagdag matrikula. So ayun nga, ang pretty na prinsesa ng mansanas ay ulilang lubos. Ang natitirang perang nasa alkansyang baboy ni Itay ang ginawa kong puhunan para sa business kong mansanas. Aba kung hindi ka didiskarte sa buhay baka mamatay kang kumakalam ang sikmura. 




Sinarado ko na ang pwesto ko sa Palengke at naglakad na ako pauwi. Bumili muna ako ng ulam sa tindahan nina Aleng Nena. May kanin pa naman sa bahay eh. Yung bahay namin pamana pa kay Inay. Oh di ba? Kala nyo pang mayaman lang ang mana? Sorry Kayo. May pinamana si Inay na bahay. Sa natitirang pera ni Itay sa alkansya. Dahil dalawang palapag naman iyun ginawa kong paupahan Brad. Business Minded di ba? Yung second floor ginawa Kong paupahan dalawang kwarto. Dagdag pa sa matrikula ko. Angas! Bilib na naman kayo nu? Choosss



4th year College na ako, Financial Management Student sa isang sikat na Unibersidad sa bayan na 'to. Ambisyoso si Itay. Pinasok ako dun tas iiwan ako ng di tapos, langya ka talaga Itay. Yung mga Mahal mong manok. Ha! Ayun binenta ko na. Di ko kayang alagaan nu! Dagdag palamunin pa mga yun. Di ka naman magagalit nu itay? Hiramin mo na lang manok ni San Pedro. Pang sabong mo.




"Nam, yung nangungupahan sayo. Naku bilisan mo na at baka takasan ang utang sayo. Andun nakita naghahakot na ng gamit nya" sigaw ni Aleng Carmen habang nagpapaypay kausap mga kaplastikan nyang kapitbahay.



Napatakbo naman ako ng mabilis. Hayuuuff na lasenggong Robertong iyon. Tatakasan pa ako. Hindi ko na nga hiningan ng deposito at advance payment nung kinuha nya ang paupahan ko. Hindi pa nakuntento sa kabaitan ko 3 buwan pang hindi nagbabayad. Nakita ko naman na may nakaparada na ngang jeep sa tapat ng bahay ko. Nakita ko naman si Roberto na nakaakbay sa bago nyang asawang kinikilig sa binubulong nito. Happy ka Brad? Loko ka inabuso mo kabaitan ko ah.


"Aray putcha"


Binato ko lang naman yung hawak kong mansanas na panghimagas ko sana ngayong hapunan.



"Huy! Robertong Langsenggo. May utang ka pang hayuf ka. Tatlong buwan Kang may utang at Yung sa tubig at Kuryente. Lakas mong umalis nang di magpapaalam ah" bulyaw ko dito na ikinaputla nya. Gulat ka nu? Akala mo uuwi ako ng gabing gabi ngayong araw ah.




"Nam, naman. Babalikan naman kita para bayaran. Lilipat lang ako dito kina Honeydoveylove ko" turo nya sa bago nyang asawa.




"Punyeta, susunugin ko yang mga gamit mo. Hindi ako naniniwalang babalik ka pang hayuf ka. Mas gugustuhin ko pang di ka na bumalik. Bayaran mo ko ngayon"



Kinuha nya ang wallet nya at inabot sakin ang walong libo. May sukli pa dapat syang piso di ko na sinuklian. Loko to ako pa ang niloko nito. Pumasok na ako sa bahay ko at pinulot yung mansanas na binato ko kay Roberto.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seven DwarvesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon