PROLOGUE

343 26 1
                                    


PROLOGUE

THIRD PERSON'S POV

"Ano ba, Lemuel‽ Tigilan mo na ako! Sinabi nang ayoko na sayo! Kaya pwede ba‽ Layuan mo na ako!"

"Sam, stop making these jokes! They aren't funny!"

"I'm not joking, Lem. Please... Just let me go."

"Dahil ba 'to kay Joseph? Is this because of my fvcking best friend‽"

"This is because of you, Lem! I already told you... Ayoko na... Pareho naman tayong 'di na masaya sa relasyong 'to eh. Noon pa lang alam na nating darating din ang araw na 'to. One of us will soon leave the other. Nagkataon lang na dumating si Joseph sa buhay ko, and he became my way out of this sick relationship. Please, Lem... Let me be... Hindi ko na kaya... I'm finally happy with Joseph. Hayaan mo na lang kami, please."

"I can't do that, Sam. Meron na tayong Isavell. Isn't she enough reason for you to stay?"

"She was just an outcome of our parent's mistake, Lem. Kung hindi tayo pinilit na magpakasal at magka-anak, she won't be in this world. So, no, Lem. She's not enough."

Isavell tried her best to hold back her tears as she watched her mother walk away from their home. Nasasaktan siya sa mga naririnig mula sa mga magulang niya. She was already eight years old pero walang araw na hindi niya narinig ang mga magulang niya na nagbabayangan. But this is her first time to actually hear that she was just a product of her grandparents' mistake—a child born out of responsibility and not of love.

Even her name shouts mistake. Loralei...

Mom really hasn't liked me ever since I was born.

Hindi naman kasi nila ginustong magka-anak, simula't sapul. But Lemuel's father wanted a product of their merged family. Yes, a product. They wanted to show the world that the two families are on great terms. A loving and perfect family. A child was a must or both families would disown Lemuel and Samantha, but the couple didn't want that. So a product of no choice was made.

Kahit anong pigil ni Isavell, tuluyan pa ring pumatak ang mga luha niya. At a very young age, she made sure that whatever happens, she will try her best to make the rightest decision in her life but destiny was not letting her do so.

Time passed at simula nang umalis ang mama niya, ni hindi na rin siya tiningnan ng ama niya. Ayaw siya nitong kasabay kumain at madalas na itong naglalasing. At sixteen, Isavell perfected the art of cleaning her dad's mess in silence. Pero meron pa ring mga pagkakataon na bigla na lang itong magigising.

Here we go again... Isavell said in her mind. She was picking up the beer bottles when she felt her father sitting on the sofa.

"Sam? Anong ginagawa mo rito?" Hindi pinansin ni Isavell ang ama niya at nagtuloy sa pagliligpit, ngunit bigla siya nitong hinawakan sa braso at pilit na pinaharap sa kanya. "Tinatanong kita! Anong ginagawa mo rito‽" Her dad was shouting at hindi mapigilan ni Isavell na maluha sa higpit ng pagkakahawak nito sa braso niya.

"I'm not mom!" sigaw ni Isavell, pero 'di siya nito pinakinggan. "Dad, let go of me! Please!"

"Hindi ka na nakatira rito! Iniwan mo kami! Wala ka nang babalikan!" Kinaladkad ni Lemuel si Isavell palabas ng bahay at basta na lang siyang ibinato sa lapag. "You don't belong in this house anymore! Leave!" At malakas na isinara ni Lemuel ang pinto ng mansion nila.

Kasalukuyang umuulan, kaya naman basang-basa si Isavell sa labas ng bahay nila habang umiiyak.

I'm not mom. I'm not her. Paulit-ulit na salita ni Isavell.

Sakto namang dumating ang yaya niya at patakbo siyang nilapitan mula sa gate, tsaka pinayungan. "Vell, iha. Anong nangyare sayo?" Sinagot niya lang ito ng iyak. Inalalayan naman siya ni Nay Yolly na makatayo. "Halika na't pumasok, baka magkasakit ka."

Dumaan silang dalawa sa likod ng bahay—daanan 'yun ng mga maid nila.

"Umiinom na naman ba ang daddy mo?" Pinunasan siya nito gamit ang bagong laba na towel niya. "Nako! Kaunti na lang talaga ang pasensya ko sa lalakeng 'yan." Tinitigan ni Nay Yolly si Isavell bago bumuntong hininga. "Ikaw ba, Vell eh, wala ka bang planong umalis dito?" Napatingin si Vell sa yaya niya. "Ilang beses ko na ring naririnig at nakikita ang pagmamaltrato sayo ng daddy mo kada malalasing siya."

Marahang umiling si Isavell. "Kapag umalis po ako rito, para ko na ring pinatunayan kay Dad na katulad ako ni Mom."

Napabuntong hininga na naman si Nay Yolly. "Aba'y siya sige. Aayusin ko muna itong ipinalengke ko kanina sa kusina. Maiwan muna kita rito, o kung gusto mo bumalik ka na sa kwarto mo. Magluluto na rin ako ng pang-hapunan ninyo." At tuluyan nang lumabas ng kwarto si Nay Yolly.

Ilang saglit na nakatulala lang si Isavell bago niya tuluyang tinuyo ng kahit papaano ang sarili at bumalik sa kwarto niya. Nadaanan pa niya ang ama niyang nakahiga at tulog sa sofa.

Nang makapasok sa loob ng kwarto, agad siyang naligo at uminom ng gamot para maiwasang magkasakit.

Sanay na sanay na siya. Sanay na sanay na... pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Huminga nang malalim si Isavell bago siya tuluyang humiga sa kama at tumulala sa kisame. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang araw na iniwan sila ng mommy niya. Para lagi itong kahapon lang naganap.

I wonder what I did wrong... For me to end up like this. Isavell wiped the lone tear that escaped her eye and took a deep breath.

Kaya ko 'to. Kakayanin ko 'to. I'll prove to Dad that I'm not like my mom. I won't leave him. And as long as Dad's here, I'll be okay.

I'll be okay...

You Make Me Smile [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon