CHAPTER ONE - ALONE
ISAVELL'S POV
"Condolence, iha." Bahagya lang akong tumango sa nagsalita.
"Gaano nga ba kamalas 'yang batang 'yan?" Narinig kong usapan ng mga babae sa likod ko.
"Her mom left her when she was still a kid and now her father died." Napatitig lang ako sa kulay abo na kabaong ni Dad.
"What if siya yung mismong malas?"
"Then we should get out of here fast para hindi tayo dapuan ng kamalasan niya."
Narinig ko na silang umalis sa may likuran ko. Hindi ko makuhang gumalaw o umalis sa pagkakaupo ko sa tapat ni dad.
Ganon ba 'yun, Dad? Ako ba mismo yung malas? Was it my fault that you died?
Gusto kong umiyak. Gusto kong magmukmok. Gusto kong magwala. Pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Ni ayaw pumatak ng luha ko.
Para akong manhid na nakikipagtitigan sa kawalan.
She left me... And now you did too...
How unlucky can I get?
Matapos ng huling araw ng lamay, pinabalik na ako ni Nanay Yolly sa bahay. Tatlong araw lang ang lamay ni Dad, kasi yun ang gusto ni Lolo. At sa loob ng tatlong araw na 'yun, hindi ko nakita ang ni anino nila Lolo at Lola, lalo naman ang family side ni Mommy.
Sa tatlong araw na 'yun, ang pamilya lang na maituturing kong kasama ko ay si Nanay Yolly. Ang mga nakiramay ay puro associates ni Dad, o kaya naman ay mga natural na chismosa.
Pagod akong naupo sa sofa. Wala na akong lakas para umakyat pa sa kwarto ko. Kung makakatulog ako rito sa sala, rito na lang ako.
I sighed when I took a glance at the papers and envelopes on the coffee table. May iniwan naman sa akin si Dad... Mga utang ng niya at listahan ng mga iba pang kailangan niyang bayaran.
Nice... Gaano pa ba ka malas ang aabutin ko?
Nakatulala ako sa mga papel nang marinig ko ang papalapit na yabag ni Yaya. Agad akong umupo ng maayos at tumingin sa kanya,
"Vell... Nasa labas yung attorney ng papa mo." Huminga ako ng malalim tsaka tinanguan si Yaya.
Tumayo ako at inayos ang damit ko. Ako na rin ang lumapit sa pintuan upang mapagbuksan si Attorney. "Attorney Suarez, what brings you here? Gabi na po."
"I'm sorry to barge in this late, Ms. Angeles but we need to discuss an important matter, as soon as possible." Pinapasok ko naman siya at pinaupo sa sofa. Nagpatimpla na rin ako kay Yaya ng kape para sa amin.
"What is it about?"
Agad niyang binuksan ang brief case na dala niya at kinuhang maraming papel tsaka inabot sa akin ang mga 'yon. "Those are the bank statements of your father." Sinubukan kong basahin lahat pero talagang nakakahilo sa dami. "I don't know how you'll deal with that, Ms. Angeles."
Parang mas lalo akong nanghina nang makita kung gaano kalaki ang kailangan kong bayaran. Oo, ako. Ako ang kailangang magbayad dahil ayaw tumulong nila Lolo.
Mukhang ang pagkamatay ni Dad ang naging daan para mas lubos kong maramdaman ang pagiging mag-isa.
"Kanino na po nakapangalan ang lahat ng pagma-may ari ni Dad?" tanong ko kay Attorney habang titig na titig pa rin sa mga papeles.
May kinuha ulit na papel si Attorney mula sa briefcase niya "According to his last will. From the cars, house, and lot, bank accounts, including your dying company. It will all be yours." Tumingin sa akin si Attorney. "Anong plano mo, Ms. Angeles?"
"Sell them all. Siguro kaya na yun na pambayad sa lahat ng utang." I took a deep breath and exhaled. "Please communicate with the banks. Just give me two weeks to find a place to live, I'll get a car, and the rest will be sold to pay the debts."
Hindi naitago ni Attorney ang pagkakagulat sa sinabi ko. "Are you sure, Ms. Angeles?"
I nodded. "It's the best option in order to survive this crisis." I gave him a tight smile. "That's my final decision, Attorney. Just two weeks, and then we can pay Dad's debts."
Attorney Suarez politely nodded. "If that's your decision then I shall do my part. God Bless, Ms. Angeles. Condolence. You'll get through this." That somehow made me feel good.
"Thank you, Attorney. Mag-ingat po kayo pauwi." He nodded and bid goodbye.
Tuluyan ko naman nang isinara ang gate ng bahay tsaka tiningnan ang kabuuan ng lugar kung saan ako lumaki.
Two weeks...
I sighed. Looks like mas mapapalayo ako sa kaisa-isang lugar na alam kong nagkaroon ako ng tinatawag na pamilya, kahit saglit lang.
Kahit pala ako, iiwanan ka rin, pakiusap ko sa bahay. Kung may pakiramdam lang ito, malamang nasasaktan din siya at nalulungkot.
"I'm sorry... Pati ikaw nadamay sa kamalasan ko." Malungkot akong pumasok sa bahay at nakita si Yaya na nililigpit yung pinag-inuman namin kanina ni Attorney. "Ya, ako na po riyan."
"Nako, Vell, kaya ko pa naman 'to. Umakyat ka na at matulog. Panigurado ay pagod ka na." Ngumiti si Yaya sa akin na nagpagaan ng loob ko. Napansin kong tumanda na rin pala si Yaya. "Narinig kong ibebenta mo na itong bahay."
Napayuko naman ako, paniguradong mawawalan ng trabaho si Yaya. "Opo. Kailangan po kasing mabayaran lahat ng utang ni Dad sa bangko." 'Di ko napigilang yakapin si Yaya. Siya na rin kasi ang tumayong nanay ko, simula nang mawala si Mommy. "'Wag po kayong mag-alala, ibibigay ko po yung sahod niyo ng mas malaki pa. Malaki po ang utang na loob ko sa inyo at paniguradong hindi sapat ang pera para suklian 'yon." Bumitaw ako sa pagkakayakap at tumingin sa kanya. "Thank you, 'Ya sa lahat lahat."
"Nako ka namang bata ka. 'Wag mo nang alalahanin 'yang sweldo ko, may mga anak akong nagta-trabaho. Dapat sa'yo iyon para magamit mo pang-personal. At may dalawang linggo ka pa, diba?" Tumango ako. "May dalawang linggo pa tayong magkasama. Tutulungan kita sa paghahanap ng matutuluyan. At kung walang makita, roon ka na lamang sa bahay namin sa probinsya tumira." Nginitian ako ni Yaya at niyakap ko ulit siya bago magpaalam na aakyat na sa kwarto at magpapahinga na.
Two weeks? Kaya ko 'to... Kaya mo yan, Isavell...
BINABASA MO ANG
You Make Me Smile [COMPLETED]
General Fiction~•~•~ Stand Alone ~•~•~ Isavell believes that she's the personification of the term, bad luck. But even when destiny gives her a lot of troubles and reason to quit life, music saves her. Music became her best friend and savior. Now, all she dreams...