CHAPTER TWO - A NEW START
ISAVELL'S POV
Now what? Tapos na ang isang linggo pero wala pa rin akong nahahanap na maliit na bahay, apartment, o dorm. Ayoko naman sa condominium at paniguradong mahal.
Laki man ako sa yaman noon, 'di ko rin naman naramdaman. Mas lumaki akong kasama si Yaya, kaya sanay ako sa pagtitipid. Isinasama niya pa ako noon sa palengke kada mamimili siya.
Nasanay din ako sa gawaing bahay kasi bonding time namin 'yun ni Yaya noon kada uuwi ako galing school or kapag Sabado at Linggo.
Napabuntong hininga naman ako nang wala na akong makita sa internet. Mahal ko si Yaya, pero sobra sobra na kapag nakitira pa ako sa kanila. Masyado nang nakakahiya sa pamilya niya at sa kanya. Kaya kailangan ko talagang maghanap ng matitirahan.
Mukhang kakailanganin ko nang maghanap by foot. May iba rin kasing hindi nagpo-post sa internet pero for rent. Para lang naman sa iisang tao 'yung hanap ko eh.
I sighed once again. Bigla namang kumatok si Yaya sa pinto habang may hawak na tray filled with lunch. "Nahulaan ko nang hindi ka na makakababa kaya naman inakyatan na kita ng pagkain. Magtanghalian ka na, Vell."
I gave her a small smile. Bago umayos ng upo sa kama. "Nag-lunch ka na, 'Ya?"
"Syempre hindi. Dadalwa na lang tayo rito sa bahay, 'di pa ba tayo magsasabay ng pagkain?" Mahina akong natawa sa sinabi niya. Oo nga naman...
Nagdasal muna kami bago nagsimulang kumain. Napansin ko namang nakatitig sa akin si Yaya kaya tumigil muna ako sa pagkain at nginitian siya.
"Hay... Ang laki mo nang bata ka... Kakayanin mo na kaya talagang mag-isa?" Napansin ko ang malungkot na ngiti ni Yaya.
"Sinanay na po akong mag-isa ng mga magulang ko, Ya. Pero sinanay mo rin naman po akong may nanay na masasandalan." Ngumiti ako sa kanya para naman kahit papaano ay mapanatag siya.
"'Yun na nga ang inaalala ko, Vell. Baka hindi mo pa lubos na maalagaan ang sarili mo."
I gave her an assuring smile, while reaching for her hand and holding it tight. "Kaya ko po, Yaya. You taught me to be independent din po. Nang dahil sayo, sigurado akong hindi ako magugutom or magpapanay take-out. Nang dahil po sayo, hindi magiging pakalat-kalat ang mga damit at gamit ko. Sigurado pong may masusuot akong damit sa susunod na araw kasi tinuruan niyo po akong maglaba at magsampay. Kaya ko na pong alagaan ang sarili ko. Sa panahon po ngayon, ikaw ang mas dapat alagaan." Hinawi ko ang mapuputi na niyang mga buhok at inipit sa kanyang tenga. "I'll survive this world and I'll owe that to you. Thank you nngg marami, Yaya."
Nagsisimula nang maluha si Yaya kaya naman niyakap ko na siya nang mahigpit.
I'll be strong for myself and for you, Yaya.
Days passed and finally, may nahanap na nga akong malilipatan. It's a small house, perfect for two people. Wala na talagang dorms and apartments eh, kaya I settled for this.
Tinulungan ako ni Yaya sa pagkuha ng mga gamit na kakailanganin ko lang. It includes one TV, two cabinets—isa para sa damit ko at isa para sa mga ibang gamit ko such as documents, my laptop and printer, refrigerator, oven, set of plates, utensils, glasses, and cooking wares, my bed, my sofa, the table for two set, my smaller cabinet—para sa kwarto, and my guitar. Syempre isinama pa rin ni Yaya yung mga pictures nila Mom and Dad. The rest ay pinabenta ko na lang, para pandagdag sa pambayad ng utang ni Dad.
Kahit yung ibang damit kong hindi pa talaga nagagamit ay ipinabenta ko na lang. Si Attorney na daw ang bahala sa mga yun. He's really trustworthy kaya 'di ko na masyadong iniisip yung bagay na yun.
Kinuha ko rin yung black van na meron kami, iniisip ko kasing kailangan kong maghanap ng trabaho at habang wala pa, p-pwede akong magluto ng mga cupcakes tapos ibebenta at ide-deliver ko 'yun. May sariling ipon naman ako kaya pwede na rin yung pampuhunan.
"Nasa truck na lahat ng gamit mo, Vell."
Malungkot akong napangiti nang makitang wala na halos laman ang kwarto ko. "Sige po, Yaya. Mauna na po kayo sa kotse." Bahagya siyang tumango at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko.
Napatingin naman ako sa vanity mirror na mayroon ako. Nung una—nung mga panahong sinusubukan pa ni Mommy na mahalin at tanggapin ako, dito kami madalas magkasama. She would always fix and comb my hair before school.
Nasaan na kaya si Mommy?
I shook my head. I should not bother her, she chose to leave me, I'll let her be.
Lumabas na ako ng kwarto at tiningnan maigi ang living room sa baba. Well, malungkot at may lonely ambiance pa rin, simula noon hanggang ngayon. Lumala lang ata ngayon.
Tuluyan na akong lumabas ng bahay at pinuntahan si Attorney. "I'll take care of the house and its appliances. Lumipat ka na nang maayos," pagsisiguro ni Attorney sa akin.
"Thank you, Attorney, for taking good care of our financial matters... kahit na wala na si Dad."
"No worries, Ms. Angeles. Take care and good luck." Tinanguan ko na lang siya tsaka dumeretso sa kotse kung saan ay naghihintay si Yaya.
"Pagkarating natin sa bago mong bahay, aayusin muna natin yung mga gamit mo at saka tayo mamili ng groceries." Sumang-ayon naman ako sa plano ni Yaya.
Kinakabahan ako pero ayokong ipaalam kay Yaya. Baka mamaya mag-isip at mag-alala na naman, ayoko ng ganon.
Halos isang oras rin kaming bumyahe papunta sa bahay na titirahan ko. Totoong maliit pero secured naman yung subdivision kung saan yun located. May mga katabing pharmacy, fast food chains, clinic, police station, bar, at grocery story.
Nakampante si Yaya nang makita yung police station kaya laking pasasalamat ko nang nabawasan 'yung pag-aalala niya sa akin.
Pagkapasok namin ni Yaya sa bahay, sumunod na sa amin yung mga magu-unload ng moving truck. At dahil nga maliit lang ang bahay at kakaunti lang ang mga appliances na dala ko, hindi rin sila ganoong nagtagal.
Namili na rin kami ni Yaya ng supplies ko for one month. After that, tuluyan nang namaalam sa akin si Yaya. Sinundo rin siya ng isa sa mga anak niya kaya naman ayos lang kahit gabi na siya nakauwi.
Sitting on the sofa while looking around the house, all alone, I can feel that this is definitely a new start for me.
Siguro naman ngayon, hindi na ako ganon kamalas.
A person can hope, right?
BINABASA MO ANG
You Make Me Smile [COMPLETED]
General Fiction~•~•~ Stand Alone ~•~•~ Isavell believes that she's the personification of the term, bad luck. But even when destiny gives her a lot of troubles and reason to quit life, music saves her. Music became her best friend and savior. Now, all she dreams...