ChApptErR 4

60 6 0
                                    

David Carl's Pov
After performance agad akong dumeretsyo sa hagdan ng dorm.

"Black ninja.. I saw one. E ikaw?" Nathan said na kasama ko rin tumugtog kanina.. actually apat kami at kami na ang dalawa.

~BOGSHH BOGSHHH~

"Oo ganun din, at andito na siya."

Tumayo nako sa pagkakaupo at sinundan ang ingay na yun. Sinuntok ko agad ang ninja na tumambad sakin na nag ingay pa kase. Ayun tulog.

Vivian Jane's Pov
"Isa.."

"Dalawa..."

"Tatlo-" Eksaktong pagsabi ko ng tatlo ay tumayo na ako at sasaksakin na sana siya ng tangkay.. pero iba ang nangyari.. bumungad sakin ang isang lalaki na hawak ang wrist ko para pigilan ang dapat gagawin sa kanya.

Hindi ko siya maaninag ng maayos dahil sa wala nga akong salamin, nakita ko siyang may dinampot sa ibaba at inilagay sa mata ko. Ang salamin kong walang hawakan ang isa. Nang maaninag ko siya..

"I-ikaw ? Oo nga ikaw!!"

Agad kong hinawakan ang salamin kong sira na ng muntikan na itong malaglag.

"Nanakawan mo nanaman ba ko ha?!" Sigaw ko na tila ba ang layo ng kausap ko para sumigaw pa.

"Ano ha ano? Magsalita ka!!" Sa sigaw kong yon hindi niya ako pinansin at umalis na saka umakyat ng 5th floor. Agad ko naman siyang sinundan at hanggang ngayon nakapulupot parin sakin ang pinakamamahal kong si mojojo.

"Aba aba hindi ka talaga magsasalita ah.." Pagbabanta ko pa habang sinusundan siyang mag lakad.

Si mojojo ata to.

"Kung ako sayo aamin na ko na magnanakaw talaga ko, kanina kapa sunod ng sunod saken, siguro dahil mahina akong babae kaya ako ang pinili mong biktimahin-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin ng bigla siyang humarap saken.

Hindi ko na din namalayan na nandito na pala kami sa mga rooms. Sa bawat pinto may nakalagay na mga number at ang mga number na iyon ay 021,022,023,024, at 025.

Sa ganda ng mga kwarto inikot ng mata ko ang disenyo nito. Hanggang ngayon nakatayo paren sa tabi ko ang magnanakaw na ito.

"Ang gaganda ng mga design." Manghang mangha na sabi ko sa mga nakikita. Noong hindi pa gawa ang eskwelahan na to ni request ko talaga kay tanda na sa bawat kwarto apat ang maninirahan rito. Kaya sa mga walang prends, may room na naka assign sa kanila at syempre same gender ang makakasama nila.

"Saan kaya ang room ko dito-" Nag iisip kong ani habang nililibot ang bawat pintuan.

Patay na..

"Nako! Nakalimutan ko pala itanong kung anong room number ang room namen.. pano na to." Naguguluhang bulong ko at napatakip pa sa muka na tila ba problemadong problemado. Mag isip ka Viv.

Aw gumagalaw nanaman yung mga cell ko sa utak.

Sa kalagitnaan ng pag iisip, palihim na umaalis ang Pips na to at pumasok na sa room niya. Pips, short for pipe yahaha.

*Doors open*

Napalingon agad ako sa bumukas na pinto at sa wakas maayos na ang buhay ko. 021 ang room namin.

"Kayo palaaa."

"Oh Viv your so tagal." Pamumuna ni Natalie ng makalabas silang apat habang inaayos pa ang buhok niya.

The Silent OneWhere stories live. Discover now