ChApptErR 10

32 4 0
                                    

David Carl's Pov
"Nagkakasakit ang apo ko pagtapos umiyak.. dahil sa masakit na alaala niyang dinadala hanggang sa paglaki niya."

Hindi ko na natiis at pumunta nako sa dorm.

"Where are you going?" Tanong ni Nathan ng pabalik na siyang school. Di ako nagsalita at inilingan nalang.

Binitawan ko ang pagkakahawak sa door knob ng naisip ko na hindi tama to.

~TOK TOK~

Katok ko sa pinto. Dahil hindi siya sumasagot walang anu anuy binuksan ko ang pinto.

"Uy!"

"N-nathan?"

Nathan? What the.

Dali dali ko siyang sinalo at inihiga sa double deck na to. Kumuha ako ng towel at maligamgam na tubig tsaka nilagay sa noo niya.

Lalabas na sana ako ng kwarto pero.. hindi papigil yung mata ko na.. tumingin sa kanya.

Anong trauma ang pinag dadaanan mo? Kawawa ka naman.

Vivian Jane's Pov
"Viv! Buti gising kana! Tara na.." Tumayo ako agad mula sa pagkakahiga ko.

"Ha? Saan?"

"Sa audition!! Tara 9:40 na." Nagmamadaling sabi ni Hailey na halos ikadapa ko na kakamadali.

"Saan na sila?" Tanong ko sa kanya habang nag sisintas ng rubber shoes.

"Andun na sila."

Maputla akong pumunta sa audition kasama si Hailey. Takbo dito takbo doon ang ginawa namin at wala na akong pakealam kung anong kulay ng muka ko ngayon. Hingal na hingal kaming napahinto sa tapat ng pinto ng music room na pag au-auditionan namin. Inayos namin ni Hailey ang sarili namin bago pumasok sa loob. Lalong dumagdag ang kaba ko ng makita kong andami ng tao rito at agad kong nakita ang Cnblack sa dulo. Nakita ko rin sila Natalie na tinatawag kami para pumunta na sa pwesto nila. Sa sahig lang kami nakaupo dahil siguro dito na rin kami mag pa-practice.. pero iba ang Cnblack dahil nga banda sila may sari sarili silang upuan.

"Are you ok Viv?" Nagaalalang tanong ni Natalie at agad akong tumango.

"Kung hindi mo kaya-" Hindi ko na pinatapos si Ivy sa pagsasalita ng nagsalita agad ako. "Kaya ko!! Ako pa haha." Dahil yan nanaman siya.. siguradong pagpapahingahin niya ko pag di ko sinabing ok ako.

"Ah Viv mag sign in kana dito." Sabi ni Hailey at ibinigay saakin ang bond paper ng mga pangalan at pirma ng mag au-audition. Magkahiwalay ang babae at lalaki at sempre sa babae ako naglagay ng name at nag pirma.. nang ibabalik ko na ang bond paper.. aksidenteng nabasa ko ang David Carl Cooper na pangalan ni Pips.

Ang ganda ng name niya pati pirma. <( ̄︶ ̄)>

Napatingin tuloy ako kay Pips habang nakatingin sa electric guitar niya. Hehe.

"Oy Viv.. akin na yan." Natauhan ako ng magsalita si Hailey sa tabi ko at kinukuha na yung bond paper. "Ah o-oo." Utal utal na sabi ko sa kanya.

"My name is Mateo Ramos, good morning." Mahinahon na bati ni Cher sa lahat..pansin agad sa kanya na di katandaan dahil wala kang makikita na kulubot sa kanyang muka pati na rin sa kanyang balat. "Good morning Cher Mateo!" Sagot naman namin.

Tumingin siya sa relos niya. "10 am na okay.. magsimula na tayo.. magtatawag ako ng pangalan." Dagdag niya pa at lalo kaming kinabahan. Dahil nga sa late ako dulo pa ang listahan namin, ibig sabihin mamaya pa kami.

The Silent OneWhere stories live. Discover now