David Carl's Pov
"Im breaking up with you. Im sorry."Kahit na kaylan hindi kita makakalimutan. Babe.
Saka minulat ko ang mata ko na wala na talagang magbabago.
"Number ten.."
Vivian Jane's Pov
"Number ten.." Tawag ni Cher at hinintay ko kung sino ang tatayo na lalaki. "Number ten!!" Sigaw ule ni Cher ng walang tumatayo at dahil sa gulat bigla akong napatayo.. napatayo rin siya haha.Iniisip ko kung pano ang sitwasyon namin.. alam kong hindi siya katalinuhan at lalo naman ako, at ang mas iniisip ko pa ay pano kami magiging couple group niyan.. eh hindi ka naman nag sasalita. (*,*)
Pumunta nako sa harap at nagmake face ng magtama ang paningin namin.
Hay.. tahimik nanaman ang araw ko.
"Kayong dalawa.. experiment ang gagawin niyo.." Sabi ni Cher at nagbigay ng bondpaper na may laman na mga instruction.
"Ang inyong gawain ay sa tuesday ipe-present pagtapos ng club day.. at sa mismong harap ko. " Sabi pa ni Cher na ikinataas ng balahibo ko saka siya lumabas ng room.
"Whats your gawain?" Interesadong tanong ni Natalie na sinagot naman agad ni Hailey.
"Ang hirap ng amin.. pagsusulatin kami ng karami rami sa manila paper or cartolina huhu." Halos mangiyak ngiyak na sambit ni Hailey.
"Tch. Yun yung ipe-present namin kaya gandahan niyo sulat niyo." Masungit na sambit ni Ivy na ikinatawa namin. "Tumigil kayo." Utos niya pa.
"Mukang maraming laway ang masasayang mo sa tuesday ah? HAHAHAHAHA!" Tawa pa namin sa kanya at sininghalan lang kami.
"By the way.. power point saamin. Hihi." Nakangiting sambit ni Natalie. Walang problema kay Natalie yun dahil mas gugustuhin niya pang mag type kesa mag sulat ng literal tulad kay Hailey haha.
"Madali lang ba yung experiment?" Tanong ko sa kanila.
"Oo." Sagot ni Ivy.
"Yapp." Maarteng sagot ni Natalie habang nakatingin sa salamin.
"Talaga bang madali lang?" Paninigurado ko pa.
"Oo naman.. may instructions naman siguro?" Pabalik niyang tanong kaya tumango tango nalang ako.
Nang dumating na ang subject na english agad na nag discuss si Cher Lovely. Hindi naging boring ang klase namin dahil palabiro talaga si Cher.. hindi katulad ng dalawa pa naming teacher na babae.. bukod kasi sa kanilang tatlo puro lalaki na ang teacher namin.
"Oh wait a minute." Excuse pa ni Cher ng biglang mag ring ang phone niya.. sinagot niya agad ito at lumabas muna ng room.
"Look at her mukang boyfiee ang kausap.. am i right?" Naghihinalang sambit ni Natalie ng makita namin si Cher na kinikilig sa tawag.
"Oo nga eh hehe." Pagsang ayon ni pabebe girl habang nakatingin kay miss at tumango tango lang ako habang si Ivy ay nagbabasa ng libro pero halatang nakikinig din.
Pagpasok ni Cher Lovely agad na pinagpatuloy ang discusion. Hindi ko alam pero nakakakutob ako na hindi ko alam kung bakit at ano yun. Maya maya dumating rin ang last subject namin na math.
"Pag nilagay mo ang number rito ibig sabihin-" Natigil si Cher sa pag didiscuss ng biglang tumunog ang phone niya.. mukang text message ang natanggap niya.
YOU ARE READING
The Silent One
JugendliteraturBagong tayong building sa eskwelahan. Mapupuno ng mga instrumento. Na may tinatagong sikreto. Ngunit ito'y matutuklasan. Welcome to Secret University. .. Hello! Isa lang akong cute na babae, ay hindi super cute pala hehehe. Mayroon akong ulo, braso...