David Carl's Pov
~KRINGGGGGG KRINGGGGGGG~Nang marinig ang bell, walang ano anuy lumabas ako at hinanap ang babaeng yon.
"Tch."
Dumadami na ang mga studyante dahil uwian na at ang hirap na niyang hanapin. Inikot ko ang mata ko saang mang sulok ng building na to pero wala parin.
Saan kana?
Bat ko ba siya hinahanap, andito lang naman yun. Lalabas na sana ako ng building.. pero..
"Ano bang problema mo?!" Rinig kong sigaw ng babae sa isa pang babae dito sa hallway.
"Ikaw! Ikaw ang problema ko!!" At nagsabunutan sila.. bumagsak sila at tuloy parin sa pagsasabunutan. Pero.. buti nalang nag away sila.. dahil..
Siya na yan?
"Oh!"
Parehas na natatakpan ng dalawang babae si Vivian.
Ivy Kate's Pov
"VIVIAN!!" Ani ni Hailey at lumapit agad kay Vivian na.. na walang malay. Inihiga agad namin siya sa double deck."WHATS WRONG!?" Tanong ni Natalie kay David na agad tumahimik ng ma realize na."Ehem.." hindi siya nag sasalita.
"Ok lang ba siya?!!"
"David naman!! Ano na ang buhay?"
"Ok lang siya tama?"
"Oh god."
Sunod sunod nilang sabi at tango lang ang sagot sa kanila ni David.
"Pwede b-"
"A-ang ingay.." Natigil ako sa pagsasalita ng nag salita si Vivian. Agad kaming lumapit sa kanya at kinamusta ang lagay niya.. pero pansin ko na tinignan niya muna si David bago ito lumabas ng kwarto.
Vivian Jane's Pov
"Ano bayan Vivian! Lagi ka nalang nahihimatay! Di na yan normal ah.." Palo sakin ni Hailey."Thats right. Why are you ganyan?!?" Pagsang ayon ni Natalie.
"Ang o-oa." Walang ganang sabi ko. "Ano ba kayo. Walang sakit na hindi pako gumaling. Hindi na kayo na sanay hahaha." Biro ko sa kanila pero pinalo lang ako ni Hailey at Natalie.. si Ivy naman ay nahiga na sa taas pero sure akong nakikinig din siya.
"Aray!! Aray ko naman!!" Pagrereklamo ko pa habang hinihimas himas ang braso dahil sa palo ng dalawang.
"Ay sorry.. sorry." Guilty sila hahaha. Ansaya nito.
"Nahihilo nanaman ako.. kuha niyo ko makakain.. aww." Pagiinarte ko pa yahaha.
"Ayy meron akong snack dito.. wait lang.." Ani ni Hailey at tumayo pa para kunin ata sa bag niya. "Ohh kainin mo na to.. wala na tuloy akong snack ngayon."
"Hahaha thankyou!!" Sabi ko at umupo na saka binuksan yung hindi ko maintindihan na binigay ni Hailey na biscuit na walang palaman.
"Ahmm.. I have a soda here? Want some?" Nagaalin langang sabi ni Natalie.
"Ohh sure!! Wag ka ng mag alinlangan. Thankyouu Hahaa." Pasasalamat ko ng binigay niya na sakin yung soda.
"Uhm.. may ibibigay ka din ba Ivy?" Tamang pagpaparinig ko sa kanya.
"H-hindi ako nag ssnack eh."
"HHAHAHAHA!!" Tawa namin sa kanya.

YOU ARE READING
The Silent One
JugendliteraturBagong tayong building sa eskwelahan. Mapupuno ng mga instrumento. Na may tinatagong sikreto. Ngunit ito'y matutuklasan. Welcome to Secret University. .. Hello! Isa lang akong cute na babae, ay hindi super cute pala hehehe. Mayroon akong ulo, braso...