David Carl's Pov
Pumunta ako sa likod ng school ng bigla akong nakakutob.Nag bow ako kay Cher Mariel ng makita ko siya dito na tinitignan ang apong si Vivian at ang mga kaibigan nito. Dahil sa gulat niya umalis na siya.
Anong kailangan mo? Mariel.
Nagpaalam sakin ang tatlong kaibigan ni apo ng makita nila ako at mahuli ko silang tinitignan kami kanina. Iniwan pa ang Apo. Vivian is still watching my co group member.. kaya naman.
Hinila ko ang braso niya paharap at palapit.. sakin.
"A-ray--"
Vivian Jane's Pov
(@_@;)Ang lapit ko!! Ang lapit ko sa kanya.. ng natauhan ako lumayo na ako at umastang parang walang nangyari.
"Tinakot mo naman ako.. hayy." Sambit ko sa kanya habang nakahawak sa puso.
"A-ano bang ginagawa mo dito?!" Sigaw na tanong ko sa kanya.. tinuro niya ang mga kaibigan niya gamit mata at napatingin rin ako sa tinuro niya. Para bang tinatanong niya kung bakit tinitignan ko sila.
"Ang totoo niyan.. nag reresearch ako sa ibat ibang ugali ng mga tao at nasaktong napadaan ako dito.. kaya ayun haha.." Pagsisinungaling ko pa at mukang hindi siya naniniwala. Eh hindi naman talaga kapanipaniwala yon. Sinong baliw ang maniniwala don? Tch.
~KRINGGGG KRINGGGGG~
Pagtunog ng bell.. tumalikod na ako sa kanya at naglakad ng mabilis na para bang nagnanakaw.
..
English time na at nag ready na kami.
"Hi class!! Monday next week is club day right.?" Tanong pa ni Cher Lovely.
"Yes Cher!!" Sagot naman namin.
"Choose whatever you want, okay?.." Sabi pa ni Cher. Sa buong english time habang nag tuturo si Cher wala kong ibang ginawa kundi mag salung baba. Naantok ako at ayaw ko talaga ng mga turo turo na yan.
Sumunod naman ang math at nag turo lang din si Cher ng mga solu-solutions. Wala pa rin akong naintindihan.
Pagod akong naglalakad sa hagdan kasama ang mga prends ko.
"Buti sinamahan niyo ko maglakad kahit pilit lang haha." Nakangiting sambit ko sa kanila habang magkakapit balikat kami.
"Samahan niyo ko sa library." Sabi ni Ivy at nauna ng naglakad.
"Lets go!!" Pagpayag ng dalawa at sumunod na kay Ivy habang ako naman ay naiwan.
"Pano ako?! Ayoko pumunta don.. mahihilo lang ako sa mga libro na yun!!" Nagkakawag kawag na sabi ko pero sa huli no choice ako.
༎ຶ‿༎ຶ
Nang makapasok kami sa library sempre tahimik lang kami. Malaki ang library dito.. sa kaliwang bahagi andun ang mga sandamakmak na mga libro, sa kanan naman andun ang mga upuan na mahahaba.
Sumusunod lang ako kay Ivy na naghahanap ng libro.. busy rin ang dalawa sa pag hahanap. Pansin kong tumatawa ng palihim ang ibang studyante sakin dahil sunod lang ako ng sunod na parang aso kay Ivy kaya naman.. nag kunwari akong naghahanap din ng libro. Sa paghahanap ng kunwari may nakita akong alamat.
May mga alamat pa pala sa mga ganto.
Kumuha ako ng isang alamat na ang pamagat ay 'Ang madaldal na uwak'. Madalas kasi ako dating binibilan ni mama ng mga ala-alamat kaya nahilig ko hanggang sa pagtanda.. kesa naman sa mga libro na keke kapal at di ko maintindihan. Kumuha pako ng ibang alamat para naman kunwari masipag ako mag basa yahaha.
YOU ARE READING
The Silent One
Fiksi RemajaBagong tayong building sa eskwelahan. Mapupuno ng mga instrumento. Na may tinatagong sikreto. Ngunit ito'y matutuklasan. Welcome to Secret University. .. Hello! Isa lang akong cute na babae, ay hindi super cute pala hehehe. Mayroon akong ulo, braso...