MY LIFE WITH HADES CASTILLANO: PROLOUGE

11 0 0
                                    

PROLOUGE

"ANO BA KASI ANG HINDI NIYO MAINTINDIHAN SA SALITANG AYAW KO?" pagtataas ko ng boses sa mama at papa ko.

"Kumalma ka anak. Pakinggan mo muna ang papa mo.." Pagpapahinahon sakin ni Mama

"SA NGAYON HINDI MO KAMI MAIINTINDIHAN NG MAMA MO. PERO PANGAKO ANAK. IKAGAGANDA TO NG BUHAY MO. KAYA PARANG AWA MO NA MAKINIG KA SAMIN.." Lumuhod si papa sa harap ko.

bigla akong nanghina

Hindi ganito si Papa..

Siguro nga may mabigat na dahilan.

"Pero pa.." Lumuhod din ako para pantayan siya.

"Parang awa mo na anak.. Kahit ngayon lang, sundin mo si papa"

Hindi ko alam ang dapat kong gawin pero kitang kita ko sa mata ni Papa ang pagmamakaawa. Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Kitang kira din ang pagkafrustrate sa mukha ni Papa.

"Hindi namin gagawin to kung alam naming ikakasama mo" niyakap ako ni mama mula sa likod

"Anak please.." Bulong ni papa habang hawak ang mga kamay ko

" pumapayag na po ako.. " pagsangayon ko, nakita ko ang pagaliwalas ng mukha ni papa nang marinig niya ang sagot ko.

labag sa loob ko. Dahil alam kong may masasaktan. Pero mas di ko kayang makitang ganito ang magulang ko para lang magmakaawa sakin na gawin iyon.







My life with Hades CastillanoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon