CHAPTER FIVE

1.3K 30 0
                                    


I woke up in his bed completely in daze. Lumingon ako sa gilid ngunit hindi ko nakita si Tyron. Pumasok sa isipan ko ang nangyaring kapusukan namin kagabi. Ang pagkakaudlot ng dapat mangyari at ang panghihinayang na naramdaman ko. I pulled my hair annoyingly for being so stupid.

Ganoon na ba ako kakulang sa sex para masaktan ng ganon? Para manghinayang at makaramdam ng pagkabitin? Pagkadismaya at sakit? Umiling-iling ako matapos pagsabihan ang sarili.

You should know how to stop yourself, Jennica. I thought. Pero paano nga ba? Kung sa mga titig nito ay natitibag na agad ang pader na bubuuin ko pa lang. Natawa ako sa naiisip. Umupo ako sa kama at tinignan ang paligid ko. Then the door of the room suddenly opened.

"You're awake." Aniya. Malalim ang eyebags nito pero sobrang gwapo niya pa rin.

Tumango ako. "Inilipat mo ba ako?" At tinignan ko ang kwartong kinalulugaran.

"Yes. You slept on the couch last night, kaya inilipat na lang kita." Lumakad siya papalapit.

Tumango lang ako. Nararamdaman ko na naman ang inis. Hindi nito sinabi ang pinuntahan kagabi. Hindi ito humingi ng tawad sa pang-iiwan sa kaniya.

"By the way, your things are left in my car. I forgot to bring it." He looks so cool, and just downright dashing in the morning. Kabaliktaran sa nararamdaman kong galit, ang kalmante niyang mukha.

Iwinaksi ko ang naisip. Tumango ako sa sinabi niya at sinuklay na lamang ang buhok gamit ang daliri. "Salamat sa pagpapatuloy. Aalis na 'ko." Sabi ko.

Tumaas ang kilay niya. "You'll leave barefooted?" and he pointed his hand at my feet.

Shit, oo nga pala.

Huminga ako ng malalim ng maalalang nasira nga pala ang heels na suot ko kagabi. Anak ng pating. She pressed her lips.

"Come on, I'll bring you home." He nonchalantly said but it brought back memories in me. He used to say that before.

Panandaliang pinikit ko ang mga mata upang iwaksi ang naisip. Tumayo ako at sumunod sa kaniya.

Dati 'yon Jenny. Okay? At isa pa'y malayong-malayo ang noon sa ngayon. He used to say that in a sweet-caring voice but now.. he just sounds so different. Not that I complain! Balat-kayo lang ang mabuting pagtrato nito noon sa'kin. Mapagkunwari. Pinaikot lang ako para makuha ang gusto, matapos ay may iba rin pala itong kinakalantari!

Nabura ang lungkot at galit na bumalatay sa buong mukha ko nang bigla ay nasa harapan kona si Tyron at kunot ang noo nitong nakatingin ng mataman sa'kin. Itinago ko agad ang nararamdaman. Ni hindi ko man lang namamalayan na lumakad siya palapit. Napahinto pala ako sa paglalakad palabas ng condo unit niya.

"What are you thinking?"

Umiling ako at ngumiti ng parang wala lang. "Nothing." I averted my gaze.

He turned his face away and continued to walk. Huminga ako ng malalim at isinantabi ang lahat ng gumugulo sa isipan ko. I shouldn't be thinking like that now. I should not.

NANG makababa kami sa parking lot ay nagtungo agad kami sa nakaparada nitong sasakyan. Oh.. He didn't open the door for me like he used to before.

Naiinis na ako sa sarili ko. Bakit ba nagkaka-ganito ako ngayon? Baki kahit anong pigil ko ay parang bumabalik ako sa nakaraan. Ano ba, Jenny?! Kahit ibalik mo sa nakaraan, iisa pa rin 'yan! Iisa pa ring taong niloko ka! At ngayon ay mukhang gusto kang lokohin na naman!

Binuksan ko ang car door at isinilid ang sarili sa passenger seat. Pinipilit kong magmukhang maayos sa kabila ng pagpupuyos ng damdamin. Matapos kong isuot ang seatbelt ay pinaandar na rin niya ang sasakyan. After telling him the way, we silently rode to where I live.

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon