Sa ilalim ng tahimik na kapaligiran ay nakatayo ang dalawang magkasintahang nagtititigan na puno ng pagmamahalan. Namalabis ang luha sa pisngi ng babae ng marinig ang sinabi ng lalaking pinakamamahal."I want to marry you, honey. Please be my wife.." Dinampian siya nito ng masuyong halik sa mga labi. "I will cherish you, love you, with all my heart."
Tumango-tango siya, pumikit at niyakap ang lalaking kaharap. "Yes, Tyron. Pakakasalan kita."
Mahigpit ang yakap na tinugon sa kaniya ng lalaki na mas ikinangiti niya sa kabila ng mga luhang tumakas mula sa kaniyang mga mata. Sobra sobra ang kasiyang namayani sa kaniyang puso at wala na siyang kahit ano pang mahihiling sa Panginoon. Sobra na.. Lalo na at mayroon na ring buhay sa sinapupunan niya.
Sa isiping iyon ay balak niya itong surpresahin. Susurpresahin niya ito sa araw ng kanilang anibersaryo.
Naalimpungatan mula sa pagkakatulala si Jennica. Naalala na niya na naman. Pilit nitong inalis ang mga gumugulo sa kaniyang isip at muling tumuon sa pagtatrabaho.
Dalawampu't pitong taong gulang na ito. Maganda ang kurba ng katawan, may aalon-alon na buhok, kulay kayumangging mga mata at may maninipis na mga labi. Tila isa itong artista dahil sa tangos at ganda ng pagkakaayos ng ilong.
Maraming mga katrabaho ang lihim na pinagpapantasyahan ang babae ngunit hindi nila ito magawang malapitan. Dahil si Jennica na mismo ang nagsabi na hindi na ito pe'pwede pang ligawan. Marahil kahit itanggi niya ay may ibang tao pa rin mula sa nakaraan ang nakaukit sa puso niya.
"Jenny!" sigaw ng isang lalaki mula sa kanyang likuran. Naglalakad na siya papuntang parking lot upang umuwi dahil katatapos lang din ng kanyang trabaho sa opisina.
"Hey." malamyang sagot niya. Kailan ba ako titigilan nito? Palihim itong napairap at nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman niya ang pagsunod ng lalaki sa kaniya at sinabayan ito sa paglalakad. There he goes again. Tsk.
"Wanna go out for a dinner date? I missed you." napaarko ang kilay ni Jennica.
He missed her? Ni hindi niya nga ito pinagtutuunan ng pansin. Hah!
"I'm busy, Ken." Maikli niyang saad at hinarap ang lalaki.
Dismayadong mukha naman ang nakita niya rito nang nilingon niya ito. Ngunit kahit katiting ay hindi siya makaramdam ng awa dahil talagang naiinis siya sa lalaking kaharap ngayon.
"Okay.." Ngumiti ito. "See you around next time, Jenny. Sayang at gusto sana kitang dalhin sa isang sikat na restaurant. Anyway, take care."
Halos mapairap siya sa sinabi nito. Napipilitan man ay sinuklian niya nalang ito ng tango at pilit na ngiti. Tinalikuran na niya ito at nakasimangot na binuksan ang pinto ng kaniyang sasakyan.
Well, he's John Kenya. Ito ang tanging lalaking ayaw tumigil sa panliligaw sa kanya kahit ilang beses na niya itong inayawan. Okay naman ito noong una silang magkakilala ngunit kalaunan ay napansin niyang mayabang ito at medyo may pagkag-magaspang ang ugali. Ayaw na ayaw niya sa lalaki iyon kahit gwapo pa ito o mayaman. Sa ugali nito ay nawalan siya ng gana dahil sa talagang naaalibadbaran siya sa mga lalaking antipatipatiko at hindi marunong magpakumbaba. Nahuli niya pa ito noong minaliit ang guard sa kumpanyang pinagtatrabahuhan nila na tuluyang nagpawala ng gana sa kaniya.
Paguwi niya ng condo ay napabuntong-hininga siya. Tahimik, at katulad niya'y walang buhay ay tinitirahan niyang condo.
Miss na miss kona sila.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment
RomansaNever did someone imagined that the famous TSD Hotel and Restaurant's magnate was heart-broken. He felt betrayed and worthless. He's livid. What did he do to be left behind by the girl he cherished the most? Plano na niya ang pakasalan ito pero baki...