"Tyron?"Nagising ako kinabukasan ng wala si Tyron sa tabi ko. Nag-umpisang gumapang ang kaba sa dibdib ko na baka naulit ang pangyayari nung nakaraan.
Mahigpit akong napakapit sa kumot at unti-unti ay nanubig ang mata ko. Nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tyron ng nakangiti. Ngunit nang makita ako nitong naiiyak ay bumakas ang pag-aalala sa mukha nito at agad akong nilapitan.
"Hey, what's wrong?" Alalang tanong niya.
Umiling ako at agad sinalubong ito ng yakap. Bumuhos ang mga luha ko sa naramdamang ginhawa ng makita at mayakap ito. Hinagod niya ang likod ko at patuloy na pinakalma ako mula sa pag-iyak.
"I thought you left." mahinang ani ko.
Ramdam ko ang paghalik nito sa gilid ng ulo ko. "Never, honey. I won't leave you."
"Hush now.. I love you." Bulong nito at iniharap ako sa kaniya. "Good morning, beautiful. I love you."
Nahawa ako sa ngiting ibinibigay nito at paunti unti ay nawala na rin ang kaba at takot na bumalot sa puso ko kanina.
"Thank you, good morning and I love you too."
NATAPOS ANG agahan namin ni Tyron ng matiwasay. Ipinaliwanag ko rin dito ang dahilan ng pag-iyak ko kanina. Nag-sorry naman siya at sinabing hindi na ulit siya kailanman mawawala sa tabi ko, gaya ng sinabi ko. I think I had a trauma from what happened before-- nung magising ako ng wala na siya sa bahay ko. I don't want to go through that situation again.
Ngayon ay papunta ako sa cafe kung saan kami magkikita ni Ally. Si Tyron naman ay nagpaalam ring pupunta sa bahay ng kaibigan niya. We decided to part ways today, and I told him that I need a friend to talk to. Fortunately, he's matured enough to let me meet my friends, but strictly prohibited me from going out with boy friends.
Napailing ako at napangiti ng maalala ang mga bilin nito. My man is really possessive at times.
NAKARATING ako sa pinag-usapan naming lugar ng mga kaibigan ko, makalipas ang 30 minutes.
"Tyron, my man!" Bati ni Marcus.
Herman and Andrew also greeted me, and we all did our brotherhood handshake. Napansin kong wala ang isa sa amin kaya nagtanong ako.
"Where's Vincent?"
"He said he has some matters to fix regarding his cruise ships. May problema yata sa mga delayed travels patungong ibang bansa." Andrew answered.
"NASA said that there will be no sailing in every sea, and no travel flights, since mayroong malakas na bagyong paparating. Naapektuhan panigurado ang ibang mga pasaherong may urgent businesses." Ani Herman.
"Well, Vincent's cruise ships are famous here and even in the other countries. Nasira sigurado ang expection ng mga taong may matataas na antas sa lipunan. Tsk. Tsk." Umiling-iling ako. "They are probably throwing fits now about that. Poor Vincent."
Bumuga ng hangin si Marcus at nagsalita. "Yep. Other people really just wants to create a scene and throw tantrums about nonsensical matters. May balita na nga, ang dami pang satsat. Tsk. They uses money for superiority when they don't even have the brain to think properly." Marcus said bluntly while shaking his head.
Tumango nalang ako sa mga ito at napangisi sa inis na ipinakita ni Marcus. Such a hot tempered.
"Anyway, anong meron at napatawag ka? I was busy fucking with a new bunny, you know." Ani Andrew.
We all grimaced at what he said.
"Walang-hiya ka talagang kupal ka." Herman said, almost hitting Andrew. Tumawa lang ang huli na nagpa-iling sa aming lahat.
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment
RomanceNever did someone imagined that the famous TSD Hotel and Restaurant's magnate was heart-broken. He felt betrayed and worthless. He's livid. What did he do to be left behind by the girl he cherished the most? Plano na niya ang pakasalan ito pero baki...