CHAPTER TWELVE

1K 26 0
                                    

"Ally wants me to accompany her today." Sabi ko kay Tyron.

Umaga ngayon at sabay kaming naga-almusal sa condo ko. Tumango naman siya at ngumiti.

"Sure. Take your time." Aniya. Ngumiti rin ako dito at sabay naming pinagsaluhan ang almusal.

"You seem so cheerful today." Pansin ko rito dahil sa nakikitang ngiting nakapaskil pa rin sa mukha nito.

Kumindat siya sa akin at kinagat ang pang-ibabang labi upang masupil ang ngiti.

So sexy.

"You just look so beautiful as always, honey. Ang sarap lang din isipin na nakakasalo kita lagi tuwing breakfast." Parang may pahiwatig nitong sabi. Kinurot ko ang kaniyang pisngi.

"You weirdoo!" Irap ko ngunit nginitian ko na lang rin ito. Natatawa naman siyang nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kong maligo ay nagpaalam na akong umalis kay Tyron. Ito naman ay dumiretso sa kwarto matapos akong ihatid sa pinto. Humalik ako sa mga labi niya bago tuluyang umalis.

And I am driving now towards the Mall nearby. Doon namin napag-usapang magkita ni Ally.

Nang makarating ay nagpark ako at naglakad na. Pagpasok na pagpasok ko sa Mall ay nakita ko agad itong nakaupo sa gilid ng salamin sa labas ng starbucks.

"Ally!" Tawag ko rito. Tumayo naman siya at sinalubong ako malaking ngiti at yakap.

"Hellooooo!" Masigla niyang bati.

"Wow. You look excited." Pansin ko. Tinugon ko ang yakap nito at hinarap siya.

What's with today? Everyone seems so happy.

"Ehhhh.." At tumawa ito. "Samahan mo nalang akong magshopping!!" He held my hand.

Hinila niya ako papunta sa boutique ng mga branded clothes.

"Oh.. Waitt!" Tanggi ko sana ngunit parang wala itong narinig.

Agad siyang kumuha ng mga dresses and other pair of heels. Ikinagulat ko ng ipasukat nito sa akin ang mga kinuhang damit.

"Ba-bakit ako ang magsusuot?" Gulat kong tanong.

She squealed. "Dali naaa!! Ang ganda mo bihisan so I want to buy you clothes. Isusuot mo yan ha? Agad-agad! Okay?"

Hindi na ako naka-apila pa ng itulak ako nito papasok sa fitting room. Humugot muna ako ng malalim na paghinga at sinuot ang bawat damit na iniabot niya.

Naisukat ko na ang lahat ng damit na sinabi niya at maayos naman ang mga sukat niyon. But one cocktail dress piqued my taste. Kaya iyon ang suot kong lumabas mula sa fitting room.

Tumayo si Ally at nagtatalon. "Omg! See? You look so gorgeous!" Nagpa-ikot ikot pa ito sa akin habang sinisipat ang damit.

"Stop that!" Nahihiya kong pahayag.

"And these heels please... Pili ka diyan."

Ipinakita niya ang mga heels na nasa kaniyang tabi. Pinili ko ang silver stilleto na babagay sa suot kong damit at umupo. Isinuot ko ito at ipinakita ang itsura kay Ally.

"Happy?"

Ngumiti siya ng malapad at pumalakpak. "Great! I feel like a fairy godmother." Tsaka siya tumawa.

Naiiling na natawa na lang din ako sa kaweirduhan niya at inaya na ito sa cashier. Inoffer kong ako na ang magbabayad ngunit ang sabi niya ay nakabayad na ito.

"What?! Argh. I feel like something isn't really right!" Ani ko.

Tinampal ang nito sa braso na ikinadaing ko. "Ilibre mo nalang ako sa susunod, okay? Tara gora na sa salon!"

Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon