Everything went well. Tama rin ang sinabi ng kambal na maiiyak si Tyron sa surprise namin rito. Mahigpit itong yumakap sa akin at pinaghahalikan ang kaniyang mga anak sa sobrang sayang nararamdaman. Puro tawanan ang namayani sa buong bahay sa magandang biyaya na dumating sa amin."It's a girl!" Ani Jace.
Umiling akong inasar ito. "It's a boy, kids."
"Noooo! It's a girl! Right Daddy?" Hanap pa ng kakampi ni Tyler.
"Of course it is." Pagsang-ayon naman ng ama nila.
Natawa kami ni Nanay Lena sa pagkakampihan ng mga ito.
"So what would be the name of our princess, then?" Tanong ko.
"Hmmmm.." Kapwa nagpwesto pa na parang nagi-isip ang kambal. Nakalagay ang hintuturo ng mga ito sa kanilang baba at pinaliit ang mga mata.
Nakangiti lang kaming naghintay sa sasabihin nilang pangalan.
"Jamie!"
"Thalia!"
Magkasabay na sigaw nila ang gumulat sa amin.
"Ohh. So let's give her two names then." Ani Tyron sa mga ito.
"Yess!!" Sigaw ng kambal.
Natuwa ang dalawang bata at bumaba mula sa pagkakaupo. Niyakap nila ang ama at ginawaran ng halik sa pisngi. Nakangiti kong pinanood ang mga ito at bakas din ang labis na tuwa sa mukha ni Tyron na ginulo ang buhok ng mga anak.
Natapos ang buong gabi na nagbibigay lang ang bawat isa sa amin ng suwestiyon sa mga gagawin matapos lumabas ng ikatlong anak namin ni Tyron.
"Ano ba kayo, hindi pa magagawa ni baby Thalia ang mga sinasabi niyo." Pagbabawal ko sa mga ito at pinigilan ang matawa.
Kahit wala pa ang bata at siguradong maliit pa lang itong lalabas mula sa akin ay nagpaplano na ang maga-amang tuturuan ito ng kung anu anong self defense upang maprotektahan daw nito ang sarili at maging matapang.
Umiling lang ang maga-ama at hindi ako pinansin. Natawa ako sa sabay sabay na pagbubuntong hininga ng mga ito. I didn't picture Tyler before to be so adorable beside our kids.
"Jamie Thalia SanDiego." Sabay sabay pa na banggit ng mag-aama sa pangalang napagkasunduan nila.
Nailing at natawa nalang kami ni Nanay sa mga ito. I looked at Nanay Lena and she's staring knowingly at me. Mas lumawak lang ang ngiti ko sa nakikitang kasiyahan nito para sa amin.
UMAGA NGAYON at inaaya kaming lahat ni Tyron na may pupuntahan daw kami saglit. Nang matapos ang lahat sa paghahanda ay sabay sabay na kaming lumabas mula sa bahay at sumakay sa nakaparadang sasakyan nito sa garahe.
"Let's gooo!" Sigaw ng dalawang makukulit na bata.
Nagsuot muna kami ng seatbelt bago ipaandar ni Tyron ang sasakyan.
"All set?" Tanong ni Tyron. Sumagot kaming lahat at tumango.
Katabi nina Jace at Tyler si Nanay Lena sa backseat at ako naman ay nakaupo sa passenger seat sa tabi ni Tyron.
Bumaling ako rito. "Saan ba tayo pupunta?"
Ngumiti lang siya at kinindatan ako. "It's a secret, honey."
Paulit-ulit pa akong muling nagtanong ngunit tanging ngiti at kindat lang ang ibinibigay nito. Ugh. My mind is in so much curiosity now.
Excited namang dumungaw mula sa backseat si Jace. "Is it a surprise Daddy??"
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment
RomanceNever did someone imagined that the famous TSD Hotel and Restaurant's magnate was heart-broken. He felt betrayed and worthless. He's livid. What did he do to be left behind by the girl he cherished the most? Plano na niya ang pakasalan ito pero baki...