"Tyler, Jace!" I yelled.Inaantok pang bumaba mula sa hagdan ang kambal kong anak sa pagtawag ko.
"Ano ba kayo, malelate na kayo sa school niyo!" Sermon ko. "Umupo na kayo rito at kumain na!"
Naramdaman ko ang pagyakap mula sa likod ko at ang masuyong paghalik ni Tyron sa pisngi ko. Napangiti naman ako at hinawakan ang braso nitong nakapulupot sa beywang ko.
"Ang aga-aga sumisigaw ka na naman, honey. Yan tuloy..." At ibinulong nito ang sunod na sinabi. " I want to put you in bed now, and hear you scream my name."
"Lintik ka!"
Nanggigigil na kinurot ko ang braso nito at natatawang hinalikan naman niya ako sa exposed kong balikat.
"Goodmorning, honey." Aniya kapagkuwan.
"Goodmorning too, Daddy.."
NATAPOS ang agahan namin at nakaayos na ring muling bumaba mula sa 2nd floor ang asawa ko at ang mga anak namin. Sabay-sabay kong hinatid sa labas ang maga-ama habang bitbit ang two years old naming anak ni Tyron.
"Hmm.. Kiss na Daddy, Princess Thalia." Malambing na boses ni Tyron.
Iniumang ni Tyron ang labi sa anak namin at humahagikgik namang humalik ang bunso naming anak. Gayon rin ang ginawa ng kambal na nakasuot na ng uniporme ngayon.
"Kiss na kuya pogi." Tyler said as he puckered his lips.
Sumunod naman si Jace. "Me too.. So cute ng baby!" Pinanggigilan pa nito ang pisngi ni Thalia na ikinahagikgik naman ng bata.
We all let out a heartily laugh because of our little angel's reaction.
"Take care mga Kuya and Daddy!" Niliitan ko ang boses at ginalaw galaw ang kamay ni Thalia na hawak ko upang gumaya ito sa sinabi ko.
".. Ker kuya and didi.."
Kaming lahat ay natawa. Lumapit naman si Tyron sa akin, ngumiti. I felt myself blushing that made his smile even wider. I just can't get enough on seeing him this happy and gazing at us lovingly.
"Oh, si Mommy naman.. Kiss na Daddy, Mommy.." Natawa ako ng inginuso niya ang labi sa akin.
Masuyo ko namang tinugon ang padamping halik nito sa aking mga labi. Matapos ay humalik rin sa dalawang pisngi ko ang mga panganay namin na sina Tyler at Jace.
Kumaway ako sa maga-amang sumakay na ng sasakyan at pinapanood na mawala ang kotse bago kami pumasok sa loob.
"Hmmm.. Cute cute Princess Thalia.."
Nilalaro ko ang bunso namin ni Tyron. Ganito ang laging routine namin mula ng magsama kami. Ihahatid ko ang maga-ama sa pinto dahil sabay sabay ang mga itong umaalis patungong school ng mga bata. Si Tyron ang naghahatid sa mga panganay naming anak matapos ay dun pa lang didiretso ito patungo sa kaniyang trabaho.
"Iha, ikaw na muna ang maiwan dito sa bahay at makikipag-kwentuhan lang ako roon kay Aling Pasing. Aba'y marami raw itong ibabalita." Natatawa pa si Nanay na nagpaalam. Nginitian ko ito at tumango at sinabihang mag-ingat.
Our marriage.. Tyron and I.. was indeed the happiest day of my life. But as the passing days, months, and years being with my family now, I couldn't even remember when I last wanted to have more. Dahil sobrang nag-uumapaw na sa saya ang puso ko ngayon. Nagaaway man kami minsan ni Tyron ay mas pinagtibay pa non ang samahan namin. He couldn't even let me sleep with a heavy feeling in my heart. That's what made me love him even more.
Nangiti ako at hineheleng kinantahan ang bunsong anak namin ng makitang inaantok ito.
Kahit ilang taon na kaming nagsasama ni Tyron, at kahit ilang taon pa ang gugugulin namin ng magkasama.. I know that our love will be our guide to grow old together. Lalo ngayon na mayroon kaming makukulit at masisiglang mga anak. Walang araw ang lumilipas na walang tawanan sa loob ng malaking bahay namin. My mom is with me, I have Tyron, plus the children we love so much. I couldn't ask for more.
And that, I'm prouldly saying that the punishments he gave me years ago were indeed beautiful. It just made our love grew bigger that created our wonderful family now.
Well, until now I am still receiving those kind of his punishments. Lalo na kapag may pinagseselosan ito o kung meron kaming hindi pagkakaintindihan. And I learned how to use his tactics too, to make him calm down when he's livid, like what he had been doing to me. And I love doing it.. I love doing everything with him. After all these years being together, mas lalo lang kaming naging malapit sa isa't isa. Imbes mawala, ay mas nagaalab ang pagmamahal na meron ako sa kaniya. At ramdam ko rin ang pagmamahal at pag-aalaga na buong puso niyang inaalay sa pamilya namin, kahit sa lumipas na mga taon.
A very loving-yummy husband with our very adorable kids. I am indeed the happiest woman alive. My heart is swelling in so much happiness.
And it all started with those beautiful punishments.
--
//an: Tapos na, yey!! Thank you all for reading, up 'till now. Mabuhay tayong lahat! Godbless y'all. ❤ Peace!//
ENDED: JULY 2020
BINABASA MO ANG
Bachelor Series Book 1: Beautiful Punishment
RomantizmNever did someone imagined that the famous TSD Hotel and Restaurant's magnate was heart-broken. He felt betrayed and worthless. He's livid. What did he do to be left behind by the girl he cherished the most? Plano na niya ang pakasalan ito pero baki...