Kabanata 23

9.5K 202 1
                                    

Kabanata 23

That Night

If you take responsibility for yourself, you will develop a hunger to accomplish your dreams. Sa loob ng isang linggo'ng pagdedesign ko sa bahay ni Dion, I could say that I really give my all in that design. I'm not lying when I said that I struggled to find the best design that suit a Carvajal.

I decided to go with a modern designed mansion with a total of ten bed rooms with each big bathrooms. It also has a big pool so he could take a dip whenever he like. Siniurado ko ring maganda talaga ang design just for him. I really did put my hundred percent best in this project kaya naman kinakabahan ako habang sinusuri niya ang plan and design na ginawa ko.

He have his one eyebrow up while eyeing my works. Hindi ko alam kung magugustohan niya ang design ko dahil unang-una he never said what his mansion to look like. Wala siyang sinabing design, basta whatever I'll decided to make, he'll go with it.

"Okay... We'll go now to the site to talk with your brother," aniya at tumayo na sa sofa.

I sighed. Wala siyang sinabing komento at ayos na ako roon kaysa naman sa lait-laitin niya ang gawa ko. Two days ago, the grading and site preparation has started. Itong design nalang ang kulang kaya naman Dion came to check the designs. Were coming to see Leo for him to see and check the whole designs. Binigay ko na sa kanya ang naunang natapos na digital designs kaya kahit papaano'y may nasimulan na rin siya.

"Ayun na 'yon? Wala ka man lang sasabihin?" kunot noong tanong ko sa kanya ng makapasok kami sa loob ng sasakyan niya.

He laughed. "As what I've said, we'll go with whatever you desinged. Kahit pa hindi maganda, ayos lang, basta ikaw ang gumuhit."

Agad akong napa-iwas ng mukha sa kanya dahil sa kahihiyan. Alam niya kung ano ang mga bagay na dapat sabihin, that's the reason why girls always flocks on his way. Maybe its also the reason why I fell for him.

Sa loob ng isang linggo'ng kasama ko siya sa opisina, I really can say that he changed a lot. He became more arrogant and serious. Maturity strikes him so hard. Kitang-kita mo iyon sa mukha niya. From the build to his looks, it says it all.

I smiled bitterly as I stared at the window, turning my back from him. I might just accept the fact that he was once mine. It hurts, but its fine. We don't have any closure but sometimes, you don't get closure, you just moved on. But clearly, until now... I still didn't moved on.

I can still remember four days ago, when I turn down Siv's offer. Siv was really disappointed because he really wants to work with me. Hindi ko nga alam kung bakit ko ba sinunod ang gusto ni Dion. Halos hindi maalis ang ngisi sa mukha niya matapos kong tawagan si Siv at i-turn down ang offer niya.

Nakakabinging katahimikan ang namutawi sa pagitan naming dalawa habang nagbibiyahe. Nabasag lamang iyon ng tumikhim si Dion kaya napatingin ako sa gawi niya.

Malamlam siyang tumitig sa akin saglit bago ibinalik agad ang tingin sa kalsada. "Open your Instagram account later and check my account."

"Bakit? May pinost ka nanaman bang babae sa story mo?" matabang kong tanong na naging sanhi ng pagpreno niya.

Nanliliksik ang kanyang mata na tumingin sa akin. "What are you talking about?" his voice was demanding for an answer.

"N-Nothing, just continue driving."

Umiling siya. He unbuttoned his seat belt before leaning in towards me. Iniwas ko ang tingin sa kanya upang tumingin sa harap. I can feel his hot breath on the side of my cheeks. He's really close at alam kong kapag lumapit ako sa kanya ay maglalapat na ang aming mga labi.

"Then, what about that Calizo? On your facebook stories," naestatwa ako dahil sa binulong niya sa aking tainga. He's talkimg about Siv!

Sa isang linggo niyang pananatili sa opsina ko ay kahit kailan hindi kami nagkaroon na ganitong pag-uusap. Sa opisina'y pormal kaming mag-usap pero hindi ko aakalain na kapag nasa labas na kami ng opisina ko, doon kami mag-uusap ng ganito. Reminiscing the past, I know what I did was so childish.

I was just twenty back then. Nang makita ko ang picture ni Dion at Riva na naghahalikan sa loob ng isang bar, halos magdilim ang paningin ko sa galit. Wala na akong ibang iniisip kundi ang maghiganti. Gusto kong ipamukha sa kanya na after sex with him, I could also kiss another man. I'm so bitter kaya ko nagawa 'yon. Nagsisisi ako sa ginawa ko pero hindi ako nagsising hinila ko si Siv out of nowhere dahil doon, I found a new friend.

Dion let out a breath before going back to his seat to drive again. Sinulyapan ko siya. His jaw was clench and he's gripping the steering wheel so tight that the veins in his hand started coming out. Napalunok ako at iniwas nalang ang tingin sa kanya.

Hanggang sa makarating kami sa site, agad niyang pinarada ang sasakyan niya at agad ring bumaba. Napaigtad ako sa aking kinauupuan ng dahil sa lakas ng kanyang pagsarado ng pintuan ng kanyang kotse. Napabuga ako ng hangin bago tuluyang lumabas ng kotse niya. Mapait akong napangiti sa aking isip. Kung dati'y pinagbubuksan niya ako ng pintuan, ngayon ay hindi na.

Sinalubong ako ni Leo na may nagtatanong na mukha. Pagod ko siyang binigyan ng ngiti at iniabot ang blueprint na hawak ko. Kinuha niya iyon at inakbayan ako sabay halik sa aking pisngi. Alam kong ginawa niya iyon upang mapagaan ang loob ko.

"He's mad. Nandoon na siya sa loob ng opisina ko," tumango ako sa kanya at inalalayan naman niya ako patungo roon.

May maliit na opisina si Leo rito na ipinagawa pa ni Dion para may mapag-stayan siya sa tuwing narito sa site. Maliit lang iyon at sakto lang dahil temporary lang naman. Inilibot ko ang tingin ko sa buong site. Maraming nakakalat na construction workers na nagtratrabaho sa ilalim ng init.

Nang makapasok kaming dalawa ni Leo sa opisina niya, nadatnan namin si Dion roon na may hawak ng baso na may lamang likido na sa tingin ko'y isang whiskey. Saan naman niya nakuha yun?

"Sorry, kumuha ako sa whiskey na nakalagay sa table mo, Leo," si Dion habang sumisimsim ng alak mula sa kanyang baso, hindi ako binibigyan ng pansin.

"Walang problema, Dion. Kahit ubusin mo pa yun, ayos lang."

Naningkit ang mata ko sa tawag ni Leo kay Dion. How unfair! Ang kapatid ko pwede siyang tawagin sa pangalan niya, tapos ako hindi pwede? Captain pa ang gusto niyang itawag ko sa kanya. My brother can talk with him informally despite him being Leo's client while me, he's also my client but he doesn't want me to talk with him infromally.

"Uubusin ko na. Pagod na ako."

Nanikip ang dibdib ko sa aking narinig mula kay Dion. Hindi pa rin siya nakatingin sa akin. But I can see the anger and coldness in his eyes. But the most eveident one...the tiredness in his eyes.

Bago pa man ako tuluyang umiyak, lumabas na ako ng opisina ni Leo. Wala na akong pakealam sa kung ano man ang isipin ni Leo o ni Dion sa mga oras na 'to. Gusto ko lang ilabas itong sama ng loob ko.

Damn... I'm also tired too.

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon