Kabanata 5

11K 212 1
                                    

Kabanata 5

Family

"Kinakabahan ka?" hindi na napigilang tanong ni Dion sa akin dahil napansin niya ang panginginig ng aking tuhod habang tinatahan namin ang address na nakagalay sa may calling card.

Wala sa sariling napatango ako sa kanya. I heard him sigh as he immediately pulled his car into a stop. Pinarada niya muna iyon sa gilid. Nagtataka ko siyang tinignan at nagulat ako ng bigla niyang kunin ang kamay kong nakapatong sa aking hita. Pinagsiklop niya ang kamay naming dalawa. He look straight at me in the eye.

"Everything will be alright. I'm here, para saan pa't may gwapo kang boyfriend for a week?" I chuckled at what he said.

I totally forgot that he's my boyfriend until the duration of my stay here. Sadly, it only last for a week. Pero sisiguraduhin kong magiging sulit ang one week na iyon.

"Yeah? Hahanap ako ng boyfriend na laging nandiyan para sa akin na susunod. Thank you, Pilot Dion Sage."

He smiled as he turned the car's ignition once again without letting go of my hand. Kahit papaano ay nabawasan ang pag-aalala ko dahil sa paghawak ni Dion sa kamay ko. I'm glad that he's here with me, my boyfriend. Nakapanibago man, napakasarap namang pakinggan. Napangiti ako sa aking isipan habang iniisip ang maari naming gawin ni Dion rito sa Madrid sa loob ng isang linggo.

"Are you ready?" tanong niya sa akin nang tuluyan kaming makapasok sa gate.

Agad kaming pinapasok ng mga gwardiya matapos sabihin ni Dion ang pangalan ko. Nasabihan na ata sila ni Papa na may inaasahan siyang bisita. Halata rin naman sa aking apilyedo na Contreras ang koneksiyon ko sa may-ari ng bahay.

"Yes, I'm fine. As much as possible, I want to hold it all together before I face them. Besides, you're here with me," confident kong sabi.

He chuckled. "That's the Chandria Clara that I know."

Natawa nalang rin ako kasabay niya matapos maalala ang una naming pagkikita sa Tangen. Him, in a pilot duit while me, in my wildest side. Ni hindi ko nga alam na nasabi ko pala sa kanyang gusto ko siya noong gabi'ng iyon. Todo deny tuloy ako ngayon.

Its also one of the reason why I ask him to be my boyfriend for a week. I'll just let this infatuation past. Pagbibigayn ko ang sarili ko sa loob ng isang linggo and then after that I can move on.

"Anak! I'm so sorry."

Blanko lang ang mukhang ipinakita ko kay Papa nang salubungin niya ako sa mga salitang iyon. His sorry won't change anything. Hindi niyon mapapawi ang mga luhang ibinuhos ko noong malaman kong may pamilya siya rito sa Espanya. Hindi niyon mapapawi ang pangungulila ko sa kanya bilang anak niya.

Agad na nilagay ni Dion ang kamay niya sa aking likod at marahan iyong hinaplos na para bang sinasabing nandiyan lang siya sa aking tabi. That was now enough for me. Nasa likod ni Papa ang kanyang lalakeng anak at ang asawang kalong-kalong ang batang babaeng nakapansin sa akin kahapon.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "This is my boyfriend, First officer Dion Sage Carvajal," pagpapakilala ko kay Dion.

Napadako ang tingin nila sa katabi ko. Magalang na tumango si Dion sa kanila habang si Papa ay marahang pinagmamasdan si Dion hanggang sa iniabot nito ang kamay sa harap ni Dion. Tumingin pa muna sa akin si Dion bago inabot ang nakalahad na kamay ni Papa.

"Thank you for looking after at my daughter," buong tinig na sambit ni Papa.

"The pleasure was all mine, Sir," magalang na sagot ni Dion.

Isang tikhim ang nakakuha ng aming atensiyon. Galing iyon sa awasa ni Papa ngayon. She's very beautiful indeed. Sa tingin ko'y kalahating Pilipino ito at kalahating Espanyola base sa feature ng mukha nito. Pero hindi naman mapagkakaila na mas maganda ang Mama ko. My Mom was so sophisticated and compose while this woman here looks like a gleeful woman.

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon