Kabanata 3

11.4K 227 5
                                    

Kabanata 3

Drunk

Wala sa sarili akong lumabas sa airport, hindi pa rin maiwaksi sa aking isipan ang pagsama ni Dion sa ex-girlfriend niya. Hindi ko alam kung maiinis ba ako o malulungkot. Sayang at hindi ko nakuha ang numero ni Dion, hindi pa man din ako sigurado kung may kasunod pa ba ulit ang pagkikita namin sa flight.

Nang makalabas ako'y agad akong kumuha ng taxing maaring sakyan patungo sa tinitihan ni Papa. Nakita ko lang ang address huling sulat na padala ni Papa noon nang maghiwalay sila ni Mama. I'm taking the risk here, kahit hindi ako sigurado kung tatanggapin ba ako ni Papa.

"Hi! Could you please bring me here?" inabot ko ang papel na hawak kung saan nakalakip roon ang address.

Tumango naman ang driver sa akin at pinaandar na ang kotse. Habang bumabyahe ay hindi ko maiwasang hindi mamangha sa mga tanawin rito sa Madrid, Spain. This City is known for its beautiful architecture, famous parks and the nightlife that I'm looking forward to.

"Señorita, we're here."

Napabaling ang tingin ko sa driver na naghati sa akin. Binayaran ko ito at pinasalamatan bago tuluyang lumabas ng taxi. Iginala ko ang aking paningin sa kabuuan ng lugar. Ang malaking gate ng mansiyon ang pumukaw sa aking atensiyon. Palabas roon ang isang isang masayang pamilya. And the man who's holding a child was very familiar to me. Papa...

Nang magsimulang mag-init ang sulok ng mata ko'y kinurap ko agad iyon upang hindi tuluyang tumulo ang luha. He's with a slender woman and with boy younger than my age. My Papa's also holding a little girl in his arms.

"Dad! Look, there's a pretty young lady there!" rinig kong sambit ng hawak niyang batang babae.

Nagulat ma'y matapang kong hinarap ang aking Ama at ang bago nitong pamilya. Ngayon ko pinagsisihan ang pagpunta ko rito. Marahil ay alam ni Mama ang tungkol sa bagong pamilya ni Papa rito sa Madrid kaya't hindi niya ako hinayaan na mapadpad man lang rito.

"Libutin mo na ang buong mundo at ubusin mo na ang pera natin kung gusto mo, wag na wag ka lang magkakamali na tumapak sa Espanya. Kahit saan na anak, wag lang 'roon," naalala kong sabi sa akin ni Mama noong minsa'y napagtalunan namin ang tungkol kay Papa.

Nakita kong natigilan si Papa habang nakatingin sa akin. I can sense his discomfort because of my presence. Sinubukan kong maglagay ng isang malaking ngiti sa aking labi ngunit alam kong isang pekeng ngiti ang naigawad ko sa pamilyang nasa harapan ko.

"Sorry for the bother but I must go," mapait kong sabi at tuluyan ng tumalikod sa pamilyang iyon.

Papasok na sana ako sa taxing nakuha ko ng biglang may humablot sa aking braso upang pigilan ako sa pagpasok. Sinalubong ko ang nagsusumaong mata ng aking Ama at nakitaan rin iyon ng bahid ng kalungkutan. Katulad ng ginawa ko kanina, buong tapang ko siyang hinarap at pinagtaasan ng kilay.

"Pumunta ka ba rito para sa akin?" tanong nito sa isang nanginginig na boses.

Narinig ko ang pagtawag sa kanya ng asawa niya ngunit hindi niya man lang ito nilingon at nasa akin pa rin ang atensiyon, hinihintay ang aking sagot. Sarkastiko akong tumawa.

"No, definitely not. May boyfriend ako rito at siya ang ipinunta ko, hindi ang Ama kong may ibang pamilya habang ang anak niya'y naiwan mag-isa sa Pilipinas."

Tila nawalan ng lakas si Papa sa aking sinabi at tuluyan na akong binitawan matapos niyang ilagay ang isang card sa aking palad.

"Call me anytime, anak. We need to talk. I'm sorry," iyon ang huli niyang sinabi sa akin matapos kong pumasok sa loob ng kotse.

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon