Kabanata 35

9K 163 0
                                    

Kabanata 35

Pain

Napaka-bigat ng talukap ng aking mata at hirap na hirap pa akong ibuka iyon. What the hell happened? Ang huling natatandaan ko lang ay iyong paglabas ni Mama mula sa aking opisina. I can hear voices around me kaya mas lalo ko pang pilit na ibinukas ang aking mata.

Ang puting kisame ang bumungad sa akin though my vision is still a little bit blurry. I feel someone go near me. Sinapo-sapo pa ang aking buhok na tumatabing sa aking mukha.

"Are you feeling fine, baby? Tell me where it hurts," banayad at nag-aalalang boses ni Dion ang bumungad sa akin.

I tried to speak clearly but it turns out huskily. "W-Water," I asked.

Nagmamadali namang kumuha ng baso si Dion upang makakuha ng tubig sa may dispenser di kalayuan sa aking kama. Dahan-dahan akong umupo sa kama habang sapo-sapo ang aking noo dahil medyo nakakaramdam pa ako ng hilo.  Mabilis na iniabot ni Dion ang tubig sa akin nang tuluyan na siyang makabalik. Mabilis ko rin naman iyong ininom upang mahimasmasan at mawala ang bara sa aking lalamunan.

Tumikhim ako ng ilang beses upang maayos ang pagsasalita ko. Nang medyo naging maayos ang pakiramdam ko, inilibot ko ang aking tingin sa kabuoan ng lugar kung nasaan ako. The company's clinic! Namataan ko rin si Precious at Star na naroon sa couch at natutulog.

I sighed. Kamusta na kaya si Mama? I know she's not feeling alright but I hope she's doing fine. I will pay her a visit later. Sa mansiyon muna ako uuwi ngayong gabi upang madamayan si Mama at makasama dahil alam kong hirap pa siyang tanggapin ang lahat. She's hurting and I understand that.

"Ayos ka lang?" tanong muli sa akin ni Dion.

I slowly nodded my head in his direction. "Yes, asan si Papa? Kakausapin ko siya."

"Nasa labas kausap ng kapatid mo sa labas. Mabilis na pumarito si Leo ng tawagan ko siya at ipinaalam ang kalagayan mo."

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay sakto namang bumukas ang pintuan ng clinic at iniluwa niyon si Papa at Leo na parehong may seryosong mukha. Ngunit mabilis na napalitan iyon nang pareho nila akong namataan na gising na. I weakly smiled into their direction. Alam kong nagaalala sila sa akin.

Mabilis na lumapit sa akin si Leo at binigyan ako ng marahang yakap. "You're fine, thank godness!"

"I'm alright. Si Mama ang iniisip ko ngayon. She needs me. Gusto ko ng umuwi sa mansiyon," nag-dedeliryo kong saad nang tuluyan ng humiwalay sa akin si Leo sa kanyang pagkakayakap.

Lumamlam ang tingin sa akin ni Papa ng sambitin ko iyon. "I know, Princess. Sa ngayon you need to rest. Andiyan naman si Dion na maghahatid sayo maya-maya," Papa softly said as he walks towards me.

I shook my head profusely. "No, uuwi na ako ngayon. My Mama needs me," matigas ang ulong sabi ko.

"Baby, stop being so stubborn. Ihahatid kita mamaya pero sa ngayon magpahinga ka muna. I promise, ihahatid kita sa Makati," patient na sabi ni Dion sa akin habang hinihimas-himas pa ang aking likod.

Again, I shook my head. Pursigido akong umuwi. Kung ayaw nila akong ihatid na ngayon, mag-cocommute ako ngayon din. All I wanted is to be with my Mama. Sa oras na ito, hindi mapapalagay ang dibdib ko hanggat hindi ko nalalaman kung anong nangyayari sa kanya.

I heard Dion sighed at my side. "Alright, ihahatid na kita roon. Just promise me na magpapahinga ka rin pagkarating mo roon," bumibigay na sabi ni Dion na labi kong ikinatuwa.

"Dion Sage!" pag-angal pa ni Papa sa desisyon niya.

Umiling-iling si Dion sa direksiyon ni Papa. "Sorry, Tito pero sa tingin ko mas lalo lang ma-iistress si Chandria kung hindi natin siya pagbibigyan."

Mabilis na lumamlam ang mukha ni Papa at Leo sabay tango sa direksiyon ni Dion, wala ng magawa pa dahil alam nilang tama siya. I smiled in their direction to give them assurance that I'm fine. Medyo nahihilo man, tinulungan naman ako ni Dion na makatayo mula sa higaan.

Binalingan ko ng tingin si Precious at Star na natutulog sabay harap kay Leo. "Ihatid mo na sila pauwi, kasama na rin si Papa," mariin kong utos at tinanguan naman niya ako.

Niyakap ko muna si Papa at Leo bago tuluyang lumabas kasama si Dion sa clinic upang makapunta na sa parking lot. Ramdam ko ang pagiging gentle ni Dion sa paraan niya ng pag-alalay sa akin. He's really worried and its etched all over his face.

"You are really a stubborn woman," he whispered when he opened the door in the shotgun seat.

"But you love this stubborn woman," I teased.

He smiled handsomely. "So much that I'll respond in everything that you want."

Oh God! Hindi ko alam kung ilang beses na ba akong magpapasalamat sayo dahil ibinigay mo ang lalakeng ito sa akin. He's more than I deserve.

"Sige na, pumasok ka na. I already save my number in your phone. Call me if you need anything," Dion said as he parked his car infront of our big gate.

I nodded then smiled at him before giving him a soft and tender kiss in the lips. "Drive back safely, baby," nakangisi kong sabi kaya bago pa siya makapag-salita muli mabilis na akong lumabas ng kotse at pumasok sa loob ng gate.

That's the first time that I called him in that endearment. I'm just too shy to say it to him directly kaya naman sa ganoong paraan ko nalang sinabi sa kanya. Kakapasok ko palang ng gate pero pakiramdam ko ay matagal na kaming nagkahiwalay. Oh! Nasasanay na ako sa presensiya ni Dion sa aking tabi.

"Chandria, buti at naparito ka. Ang Mama mo! Inaapoy ng lagnat!," natatarantang si Nana Wen ang bumungad sa akin pagkarating ko sa sala ng mansiyon.

"P-Po?"

"Halika na at sumunod ka sa akin sa itaas. Tatawagan palang sana kita kanina. Aba! Ang Mama mo, umuwi rito na basang-basa ng tubig ulan pagkagaling niya sa opisina mo," pagpapatuloy niya habang mabilis naman akong sumunod sa kanya patungo sa itaas kung nasaan ang kwarto ni Mama.

Kaya pala desidido akong umuwi dahil may sakit na pala ang Mama. Ito na nga ba ang sinasabi ko, e. Buti nalang at nagpumilit ako kay Papa at Dion na umuwi. Alam kong masama ang epekto nito kay Mama. She's not prepared for any of this!

My heart soften at the sight of my Mother in the bed, sleeping and taking her rest. Iniwan na rin ako ni Nana rito upang ako na ang mag-alaga sa akin Ina. Pumupungay ang aking mata habang nakikita siya ngayon, her body was burning because of fever. Kahit maliit o malaking sakit, ang sakit sa damdamin na tignan ang iyong Ina na nasa ganyang kalagayan. Kanina lang ay tumatawa pa siya at inaasar pa ako kasama ni Dion sa opisina.

Nilapitan ko siyang upang makapa ang kanyang noo. Mabilis ko ring inalis ang palad ko roon dahil sa init na nadama mula sa kanya. She's really burning hot. Nakita ko rin ang planggana na may maligamgam na tubig sa bedside table. Naupo ako sa gilid ng kanyang kama at inabot ang planggana upang mapunasan siya.

"I hate seeing you this weak, Ma," bulong-bulong ko pa habang pinupunasan ang kanyang noo gamit ang towel na hawak ko.

She stirred a little when the towel touch her face. "Bakit ka kasi nagpa-ulan, ha?" naiinis ko pang sambit na para bang naririnig niya ako kahit tulog siya.

I really have this soft side when it comes to my Mother.

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon