Kabanata 29

9.4K 194 3
                                    

Kabanata 29

Past

"Kamusta nga pala sa site?" tanong ko sa kanya.

Nakabalik na muli ako sa desk ko habang siya naman ay naroon sa sofa at prenteng nakaupo. Kakatapos ko lang rin kinain ang pagkaing dinala niya para sa akin.

"It's fine. Magsisimula na silang maglagay ng foundation," aniya.

Magsasalita pa sana ulit ako bilang sagot ngunit tumunog ang cellphone ko. Napakunot ang noo ko ng makitang si Siv pala ang tumatawag. I miss this man. Matagal na rin noong huli kaming nagkita, he's quite busy with his projects.

Napalingon ako kay Dion na ngayon ay seryosong nang nakatingin sa akin. Nakataas pa ang kanyang kilay na para bang tinatanong kung sino iyong tumatawag. Iniwas ko na ang tingin ko sa kanya at ibinaling muli iyon sa aking cellphone upang sagutin ang tawag.

Humugot muna ako ng malalim na hininga bago sinagot iyon. "Engineer Siv, kamusta?" ani ko. Nakita kong tumayo si Dion sa kinauupuan niya upang maglakad palapit sa akin.

"I'm fine. Are you free today? May kailangan lang akong ipatingin sayo."

Napakagat ako sa aking ibabang labi at nilingon si Dion na nakapamaywang na nakatingin sa akin. "Yes, I'm free. Uhm... saan tayo magkikita?" I breathe out.

"Sa may cafe nalang na malapit diyan sa building niyo. Thank you, Chan," batid kong nakangiti si Siv sa kabilang linya dahil sa tono ng boses niya.

I smiled a bit. "Walang problema," iyon ang huli kong sinabi bago tuluyang ibaba ang tawag.

"Sasama ako," napataas tuloy ang tingin ko kay Dion dahil sa sinabi niya.

Salubong ang kilay siyang nakatitig sa akin, halatang nagpipigil ng inis. "Bakit kailangan mo pang sumama? Kaya ko na ang sarili ko," sagot ko.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang makasama iyong Calizo na iyon," singhal niya.

Nangiti ako sa sinabi niya. "You are jealous," puna ko.

"I am," he seriously said as he looked at my eyes.

I was taken aback because of his answer. Hindi inakala na kakagat siya sa biro ko at sasabihin ang totoong nararamdaman niya. He's jealous with Siv? Kaibigan ko lang naman si Siv at iyon na yun.

I sighed. Wala naman na akong magagawa dahil sa tuwing ganito si Dion ay alam kong ipagpipilitan niya ang gusto niya. Tumango nalang ako sa kanya at tumayo na sa kinauupuan ko.

I check my face first and spray some colone in my wrist before grabbing my hand bag. Hinarap ko si Dion na naghihintay na sa akin malapit sa may pinto. Dumaan rin muna kaming dalawa sa table ni Penelope upang ipaalam na lalabas lang kami saglit.

"Stop holding my waist. Baka maging issue to sa opisina," suway ko sa kanya at tinapik pa ang kamay niyang nasa bewang ko habang nasa loob kami ng elevator.

Alam kong ano mang oras ay baka may pumasok rito sa elevator kasama namin. Ayokong pagusapan ako rito sa opisina lalo na't hindi basta-bastang tao itong si Dion. He's the freaking CEO of a big industrial company in Madrid. Alam kong magiging malaking usap-usapan ito kung sakali.

"I don't care. Mas maganda nga 'yun para malaman nila kung kanino ka," nangaankin niyang sabi.

Napakagat ako sa ibabalang labi ko upang pigilan ang sarili kong kiligin sa mga pinagsasabi niya. Bwisit sa kanya lang ako kinilig ng ganito. May mga past boyfriends rin naman ako noon pero hindi ko naramdaman ang mga ganito sa kanila.

"Corny mo," kunwaring inis na sabi ko upang itago ang pagkakahiya sa mukha ko.

"Huwag kang sumasama sa Calizong iyon. Siya yung lalakeng hinalikan mo sa Tangen," mariin at nangbabanta niyang bulong sa aking tainga.

Nanlamig ako sa sinabi niya. He really did see that story?!

"Nakipaghalikan ka rin naman kay R-Riva," naiinis na sabi ko.

I heard him sighed. "Hindi ko ginusto iyon, Chan. Tinulak ko siya nang natauhan ako. Hindi ko rin naman alam na kinuhanan kaming dalawa ng kaibigan ko at inilagay sa stories ko," paliwanag niya.

Halos mapukpok ko ang sarili ko. Tangina, masyado akong nagpadalos-dalos noong gabing iyon kaya ko nagawang halikan si Siv. I was so damn immature. Ang nasa isip ko lang talaga ay kung paano makaganti sa ginawa niya. So all this time nagalit ako sa kanya ng dahil lang sa wala?

"Putangina hindi naman ako pupunta sa bar na iyon kung hindi mo lang ako iniwan kinabukasan. Galit na galit ako sayo, Chandria Clara. Lalo na noong nakita ko ang video mo na may kahalikang iba. Hindi mo alam kung ilang beses kong hiniling na sana nabuntis kita. Now tell me, wala bang nabuo?" mariin niyang sabi.

Ito ang unang pagkakataon na pinagusapan namin ito. Tama lang pala ang naging pagtrato niya sa akin pagbalik niya. Wala siyang kasalanan. Ni hindi ko nga siya hinayaang mag-explain ng side niya.

Hearing about this from him, alam kong nasaktan ko siya. Nasaktan namin ang isa't-isa. Dito pa namin ito napag-usapan sa loob ng elevator.

"W-Wala!" nauutal ko pang sagot.

"Sa susunod na gagawin ulit natin iyon, sisiguraduhin kong mabubuntis ka na. Gusto kong itama lahat noon at dahan-dahanin kaso hindi ko na kaya Chan. I want you badly to be mine, baby. You're my girlfriend now," napalingon ako sa kanya at binigyan siya ng di makapaniwalang tingin.

He smirk as he seen my shock expression. Namalayan ko nalang na onti-onting nang lumalapit ang mukha niya sa mukha ko. Alam kong onti nalang ay maglalapat na ang labi niya sa akin.

Bigla ko siyang naitulak ng tuluyan nang magbukas ang elevator. Buti nalang at bumukas agad ang elevator! Halos hindi na ako makahinga dahil sa lapit niya. I'm save on time. Ramdam ko rin ang tingin ng mga empleyado ko habang palabas kami ng DAS.

Paano ba naman kasi? Lumabas kaming dalawa ng elevator na nakapulupot ang kamay niya sa aking bewang. Samahan pa ng malak I'm ng ngisi sa kanyang labi. Habang ako naman ay namumula dahil sa kahihiyan.

Kahit nakalabas na kami ng DAS ay hindi niya pa rin inaalis ang kamay niya sa aking baywang.

"Gusto ko sanang dahan-dahanin kaso hindi ako sanay sa ganoon. Mababaliw ako kakaisip sayo," he whispered again in my ear while walking towards the cafe near us.

I agree. Sobrang bilis nga ng nangyayari. But I couldn't help but be happy because of this. He's my happy pill. Sa maliliit na bagay na ginagawa ni Dion para sa akin, alam kong sobrang nagagalak ng aking puso.

I want to be open to him from now on. Gusto ko ring iparamdam sa kanya na mahal ko rin siya. Dahil dati palang mahal na mahal ko na siya. Hulog na hulog na ako para sa kanya.

Bago pa kami tuluyang makarating sa cafe, marahan kong hinila ang kamay niya. Napalingon siya sa akin at nakataas ang kilay, nagtatanong kung bakit.

I sweetly smiled on him. "Wag na tayong tumuloy. Uwi na tayo. Sa bahay mo."

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. Pero napalitan rin iyon ng malaking ngisi. "Let's go."

A/N:

Last ten chapters! Di pa diyan nagtatapos dahil marami pang mangyayari. I'll try to finish this story until next week.

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon