Kabanata 28

9.4K 160 6
                                    

Kabanata 28

Change

Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko ngayon. Dion added a story highlight into his Instagram account at iyon lang ang nagiisang naroon. Ang name pa ng highlight ay 'Home'.

Ito pala ang rason kung bakit pinapa-open niya sa akin ang account ko noong isang araw pero nakalimutan ko lang ang tungkol roon. Inside the highlight was our picture in Madrid noong one week boyfriend ko siya. Lahat nandoon pati ang mga tag pictures ko sa kanya. He really did an effort on making all of this huh? Ang huling highlight ang pumukas sa akin.

She's my home...

Hindi ko napansin na may multo nang ngiti sa aking labi dahil sa nakita ko. Masama na bang kiligin? I think he deserve my 'Yes' already. Pero ayokong magpadalos-dalos ngayon. We'll take everything in a slow pace.

"Ma'am, andito po si Mr. Contreras," bumakas ang pinto at iniluwa niyon ang aking sekretarya. Binuksan niya ang pintuan ng mas malawak upang makapasok ang aking bisita.

Nanlalaki ang mga mata kong tumayo mula sa kinauupuan ko upang salubungin ng yakap si Gregorio Contreras, my Dad. Bingyan niya ako ng matamis na ngiti ng salubungin ko siya ng mahigpit na yakap. How I missed my Dad, ilang years na rin kaming hindi nagkikita. Nagkakausap lang kami thru skype. Pagkatapos ng nangyari sa Madrid, I could say that mas naging malapit pa ako sa kanya.

"How's my beautiful daughter?" pambobola niya pa matapos naming umupo sa couch. Nagpahatid na rin ako kay Pelenope ng kape namin ni Papa rito sa opisina.

"I'm fine, Pa. Pero kailan pa kayo nakauwi? Tsaka what are you doing here? Ano nalang ang sasabihin ni Mama?"

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa naguusap si Mama at Papa. Alam kong mahirap para sa kanila iyon at naiintindihan ko naman. Hindi madali ang kalagayan nila at nagkakailangan pa. Ang importante ay nakakasama ko sila. Kahit hindi na kami buo katulad ng dati.

"Hayaan mo na. Minsan ko na nga lang dalawin ang unica hija ko, e. May boyfriend ka na ba?" nang-iintriga niyang tanong.

I chuckled. "Pa, wala! Busy ako rito," sabi ko.

Hindi alam ni Papa ang buong nangyari patungkol sa amin ni Ezekiel pero alam niya na wala na kami. Syempre, nagtatanong siya sa akin kung kamusta na kami ni Dion kaya wala akong nagawa kundi sabihin sa kanya na wala na kami.

Ngayon ko lang napagmasdan si Papa ng mabuti. Nagkakaroon na siya ng wrinkles sa mukha, signs of aging. Pero maliwanag ang mukha niya ngayon. Sa tingin ko ay nailayo siya sa stress mula noong si Leo na ang humawak sa CEC.

Nagtagal pa ang kwentuhan namin ni Papa na umabot ng isang oras hanggang sa nagpaalam na siya upang umalis. I just hope na magkaroon sila ni Mama ng closure in the future.

Balik trabaho nanaman ako at halos isubsob ko ang buong oras ko rito. Ang daming kailangang pirmahan at pag-aralang projects. Kaya naman hindi ko na napansin ang oras at nalipasan na pala ako ng gutom. Inalintana ko muna iyong dahil hindi pa ako nangangalahati sa mga ginagawa ko.

"Masyado kang hard working," doon lang ako nag-angat ng tingin ng biglang pumasok ang isang taong pamilyar na pamilyar sa akin ang boses.

Wearing a corporate attire stood the suitor. May bitbit pa siyang tray na sa tingin ko ay galing pa sa canteen sa ibaba. I feel relieved when I see the food.  Gutom na ako!

Tumayo na ako sa kinauupuan ko upang lumapit sa kanya sa sofa kung saan niya ipinatong ang tray. Uupo na sana ako roon sa couch sa kanyang harap ng bigla niyang kunin ang tray at kinuha ang kutsara't tinidor.

Putangina! Akala ko para sa akin yung pagkain, sa kanya pala!

Nakapamaywang ko siyang pinagmamasdan habang kumakain. Sarap na sarap pa nga siya sa sinigang na nilalantakan niya. Napabuga ako ng hininga dahil sa inis at padabog akong nagmartsa patungo muli sa swivel chair ko.

Tangina namang yan. Magdadala ng pagkain rito sa opisina ko, hindi naman pala para sa akin.

Inis ko nalang na itinuon ang tingin ko sa mga papeles na binabasa ko. Ganyan ba ang nangliligaw? Sobrang naiinis ako sa ginawa niya. Bahala siya diyan magpakasarap siya sa sinigang niya!

Natigil ang pagsusumpa ko sa kanya sa aking isip ng biglang may marahang tumawa sa aking likod. Inis na inis kong binalingan siya nang nanliliksik na tingin.  Pero mas lalo lang siyang tumawa at iniharap niya ang swivel chair ko sa kanya.

Tinukod niya ang kanyang dalawang kamay sa sandalan ng swivel chair ko upang supportahan siya habang yumuyuko siya palapit sa akin. Inis kong inilayo ang tingin ko sa kanya para hindi magtama ang paningin namin. I even crossed my arms around my chest to indicate that I'm annoyed with him.

"Paanong inis? Pakita nga?" natatawang sabi nanaman siya.

Hinarap ko na siya at lalong sinamaan ng tingin. "Gago ka!" malutong kong mura sa kanya.

Pero imbes na mainis siya, kinatura niya pa talaga lalo dahil tumatawa pa siya. Lalo niyang inilapit ang mukha niya sa akin. Alam kong onting galaw ko lang ay magtatama na ang labi namin kaya hindi ako gumalaw sa kinauupuan ko at natukod nalang roon habang tinatapunan ko pa rin siya ng masamang tingin.

"Ito ang Chandria na kilala ko. Masungit at walang kagatol-gatol ang bibig. Simula noong bumalik ako para kang naging anghel, e," pang-iinis pa niya.

"Umalis ka na nga sa opisina ko. Mula ngayon di ka na pwedeng pumunta rito," puno ng kaseryosohang sabi ko.

Pero itinawa niya lang, hindi natakot sa banta ko. "Ang pikon mo. Alam kong hindi ka pa kumakain, nasa labas ang pagkain mo iniwan ko sa sekretarya mo. Wag ka ng magalit."

Bumuntong hinga ako. "Ganyan ba ang mangligaw, ha?"

"Well, I don't really know how it works but I'll try. Susubukan ko, Chan. Dahil gusto kong makuha ka, gusto kong angkinin ka na."

Halos malagutan ako ng hininga dahil sa mga katagang binitawan niya. He really have his own way to express his feelings. Sa tuwing nagsasalita siya ng ganyan, hindi ko mapigilang hindi mahulog sa kanya.

Malaks ko siyang tinulak at kunwaring nag-make face just to hide my burning red face. Magiging mayabang nanaman 'to kapag nakita niyang napamula niya ako.

"Korny mo, akin na yung pagkain ko. Gutom na ako," utos ko.

He laughed as he slowly shook his head. "Now, Chandria Clara is back."

Napailing nalang ako sa kanya nang lumabas na siya ng opisina ko upang kunin ang pagkain na iniwan niya kay Penelope. I'm happy that despite the six years that passed, siya pa rin ang Dion Sage na nakilala ko noon sa Tangen. The sweet ang gentle Pilot.

Natakot ako noong nakita ko siya ulit dahil baka nagbago na siya. Sa paraan niya ng pagtitig sa akin at sa malamig niyang trato, siguradong-sigurado na akong nagbago siya. Pero ngayon napagtanto ko na hindi pala. He's still the same.

Ganoon rin ang akala ko sa akin dati. Akala ko nagbago na ako. Maybe I've become more stronger and bolder but when it comes to Dion, bumabalik ako sa dating Chandria Clara. Yung gagawin lahat para mapansin niya.

Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang kasama mo ang taong gusto mo...

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon