Kabanata 20

9.7K 218 8
                                    

Kabanata 20

The Client

Sinundan naming tatlo magkakapatid ang papalayong sasakyan ni Dion. Napabuntong hinga ako. He's my favorite person who become a stranger. Hindi ko na siya kilala ngayon. The gentle pilot has changed. Pero sa lahat ng nagyari noon, wala akong pinagsisihan. Dahil iyong nakaraan na iyon ang nagturo sa akin ng mga bagay-bagay na kailangan kong matutunan.

Sometimes we just need to accept the fact that certain things will never go back to how they used to be. Its funny how I used to love his presence and how it takes away all my burden. Now, I just simply hate it for it was the reason why I'm hurting.

"Chan, alis na kami ni Star. Ihahatid ko lang siya sa condo," nawala ang iniisip ko ng biglang nagsalita si Leo sa aking tabi.

I smiled weakly at him then nod. "Take care, call me if you need anything. Babalik na ako ng opisina."

Bago sila tuluyang umalis, niyakap muna nila akong dalawa ngunit may binulong si Leo sa aking tainga. "I hope you're okay. Take a rest after your work."

Nasabi ko na ang lahat kay Leo noon. After my graduation, nag-inuman kami nila Pauline at Cassy. Of course isinama namin si Leo para may mag-uuwi sa amin kapag nalasing kaming tatlo. We happend to talk about me and Dion's relationship because I started crying. Kinabukasan, kinausap ako ni Leo at tinanong kung anong totoong nangyari. Since then, he never mentioned Dion's name whenever we see each other.

Wala sa sariling nag-drive ako papunta sa opisina. I still manage to look elegant and sophisticated as I walk infront of my employees. Kung ano man ang nangyayari sa personal na buhay ko, ayaw ko iyong dalhin rito sa opisina. Lalo na't ramdam ko ang titig sa akin ng aking mga empleyado.

"Ma'am, tumawag po kanina si Sir Reyone. Pinapasabi niyang may meeting ka mamaya kasama ang kliyente mo. Hindi daw siya makakasama ngayon para ipakilala kayo sa isa't-isa dahil may meeting rin siya mamaya. Pupunta nalang daw po rito ang kliyente," bungad ng aking sekretaryang si Penelope, bago pa ako makapasok ng tuluyan sa aking opisina.

"Papasukin mo na siya agad mamaya sa opisina ko kung sakali. May tatapusin lang akong ibang mga papeles," bilin ko rito bago tuluyang pumasok sa loob ng aking opisina.

Alam kong nagtataka si Penelope sa sinabi ko dahil wala naman talaga akong trabaho na naiwan ngayon. Tinapos ko na kaninang umaga bago ako tuluyang magtungo sa airport para sunduin si Star. May kailangan lang talaga akong gawin ngayon.

Pagkaupo ko sa aking swivel chair, agad kong tinungo ang laptop ko at binuksan iyon. Nakita ko nalang ang sarili kong gumagawa ng facebook account. Hindi ako sigurado kung may facebook account nga siya pero sinubukan ko pa ring hanapin ang pangalan niya roon. Walang lumabas na Dion Carvajal kaya sinubukan ko ang Sage Carvajal. May lumabas! Napakunot ang noo ko ng makita ang profile picture niya. Its an airplane. Sa profile picture palang alam mo ng isa siyang piloto.

His account was not private kaya nakikita ko ang mga naroon sa wall niya. Wala siyang ibang picture na naka-post roon at iisa lang ang naka-post sa wall niya na kumuha ng atensiyon ko.

I'll be back soon, baby. I'll never let you go this time. Wait for me.

Hindi ba sila nagkatuluyan ni Riva? O baka para sa ibang babae 'to? Napatiim ang bagang ko. Pinili ko nalang na tigilan na ang pagtingin sa account niya dahil naiinis ako sa di malamang rason.

Pero hindi roon natapos ang pagiging kuryoso ko. Inilabas ko ang cellphone ko mula sa loob ng aking hand carry bag. Napakagat ako sa aking labi habang hinihintay na ma-install sa cellphone ko ang Instagram app. Pagbukas ko ng account ko, sankaterbang notifications ang sumalubong sa akin. Agad akong nagtungo sa search bar at hinanap ang username na ibinigay sa akin ni Dion. Of course, naka-follow pa rin ako sa kanya dahil hindi ko siya nagawang i-unfollow bago i-delete ni Pauline ang app na ito sa phone ko.

Gentle Pilot (Aviation Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon