Kabanata 1

29 0 0
                                    

READ THIS FIRST!!!

Hi tapos na po ang TLWY and this is basically the second story. Read TLWY before reading this or else you won't understand hehee.

Support support support!

--

"Ikaw na ngayon si Nena Santos..."

"Kapatid mo sina Maria at Hudin Santos.."

"Gawin mo ang tungkulin at ika'y makakalabas sa panahon na ito.."

"Gumising ka na, Kayla."

"Gising.."

"Gising!"

"Aray!" nadapa ako dahil sa daming tao na nagsisiksikan ngayon sa syudad. Hindi ko malaman kung nasaan ako dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

"Senyorita Nena ayos lang po ba kayo?" may tumulong sa akin na babae at itinayo ako. Nasa pelikula ba ako at ganto ang pagkakasaad saakin ng babae?

"Nasaan ako?"

"Ika'y nasa Plaridel Bulakan, Senyora. Mayroon kasiyahan po ngayon kaya maraming tao."

Nagsimula kaming maglakad ng babae. Iginaya niya ako sa maraming tao at kakaibang kasuotan ang aking nadatnan. Tunay ngang nasa pelikula kami ngunit bakit wala ako natatandaan na nag audition ako sa Abs-Cbn?

"Nasa pelikula ba tayo? Nasaan sila mommy at daddy?" hindi ko rin maalala kung sino mga magulang ko. O kung may mga kapatid ba ako. Parang nagising na lang ako bigla na walang kamuwang-muwang sa paligid.

"Ho? Ano ho ibig niyong sabihin?" nagsimula nang magsaya at sumayaw ang mga tao kaya nanakit ang ulo ko. "Senyorita! Tatawagin ko po si Senyorita Maria. Maghintay po kayo riyan."

Maria? Anong taon ba ito? Bakit naka baro't saya ang mga tao? Bakit naka barong tagalog ang mga lalaki? Bakit sinauna ang mga kagamitan at mga bahay? Bakit wala ako maalala-

Parang baha ang dumaloy saaking utak dahil sa mga alaala na pumapasok sa utak ko. Lahat ng nangyari saakin-ang pamilya ko, ang kaibigan ko... Si Dion.

Naaksidente kami. Eto na ba ang after life na sinasabi nila? Nasa paraiso na ba ako?

"Nena!" may tumakbo papalapit saakin na babae. Ang ganda ng kausotan niya at ang ganda niyang dilag. Pero di ko magawang pahalagahan ang kagandahan niya dahil tumulo ang luha ko.

Dedi... Nasaan si dedi? Nasaan ang mahal ko?

"Nena, ayos ka lang ba? Rosa tawagin mo ang ina at sabihin mo uuwi na tayo." nanghihina ang katawan ko kaya inalalayan ako ng babae, "Bakit ka umiiyak, Nena? May masakit ba sa iyo?"

"Dedi..." dahan dahan akong iginaya ng babae paalis sa maraming tao. Umiiyak pa rin ako at hinahaplos ng babae ang likod ko.

Totoo ba ito? O panaginip lamang? Kung panaginip lamang ito sana'y magising na ako! Gusto ko na umalis sa bangungot na ito!

"Huwag ka na umiyak riyan, Nene. Kaarawan mo ngayon kaya dapat ay maging masaya ka. Huwag ka magaalala dahil pagbalik mo ng Maynila ay bibisitahin kita sa kumbento."

Kumbento? Kaarawan? Ano?!

"Nasaan ba talaga ako.. Hindi ko na maintindihan. Bakit ganito suotan natin? Bakit ganyan kayo magsalita? Anong taon ba ito at nasa langit na ba ako?"

"Anong sinasabi mo Nena? May sakit ka ba talaga? Sabihin mo lang at ititigil natin ang partido mamaya para ika'y makapagpahinga."

Saktong dumating ang mala donya na at don papunta sa gawi namin. Nakaramdam ako ng bahid na kaba dahil sa presensya nila.

"Mga anak anong nangyari? Anong nararamdaman mo Nena? Ipapatawag ko na si Facundo para mapatignan ka." hinaplos ako ng isa pang babae na sa tingin ko ay ang nanay namin. Kasama niya ang tatay 'kuno' namin at nagaalala din.

Hindi ko na alam nangyayari saakin. Kung totoo ngang nasa langit na ako ay nasaan si dedi? Bakit hindi ko makita? At bakit ang tawag nila saakin ay Nena?

"Maria! Donya Felicissima at Don Constancio ikinagagalak kong makita kayo ngayon. Sinadya ko ho talagang umuwi para sa kaarawan ni Nena." may tumumbad saamin na isang babae na kilalang kilala ko.

"Ma'am Proserpina! Buti na lang nandito kayo hindi ko na talaga alam gagawin ko! Tulungan niyo ko..." umalis ako sa pagkakayakap saakin ni Maria tsaka lumapit kay Ma'am at niyakap ito. Nagulat sila sa inasal ko pero wala na ako pakialam dahil hindi ko naman sila lubos na kilala. Kahit na sabihing.. Kadugo ko pa sila.

"Ma'am nasaan ba ako? Nasaan si dedi?"

"Proserpina hindi ko lubos maisip na malapit na pala ang loob saiyo ni Nena. Akala ko hindi kayo magkakasundo."

"Ah.. Mawalang galang lang ho Donya Felicissima at Don Constancio kakausapin ko lamang si Nena. Mauna na ho kayo sa karwahe at maya maya lamang ay susunod kami." saad ni ma'am Proserpina.

"Tara na po ama at ina hayaan na po muna natin sila." saad ni Maria.

Nilayo na ako ni ma'am at umupo sa bakanteng upuan. Inayos ko pa ang kasuotan ko dahil ang hirap umupo dahil nakasuot ako ng filipiniana.

"Kayla bago ko ilahad sayo lahat ng detalye mangako ka na mananatili kang kalmado."

Gusto kong umangal at magwala pero mas pinili kong kumalma lamang. Huminga ako ng malalim at tsaka unti unting tumango. "Ipaliwanag mo lahat ng dapat kong malaman."

"Ano ang huli mong natatandaan, Kayla?"

"Birthday ko at umalis kami ni Dion para I celebrate iyon tapos.." eto nanaman ang luha kong nagbabadyang tumulo. Pinigilan ko sarili ko para doon. "At.. Naaksidente kami. Pagkagising ko nandito na ako at gulong gulo na ako. Kaya kung joke time man ito sa inyo, parang awa mo na–hindi ako nakikipagbiruan sa inyo."

"Totoo ang lahat ng nangyayari ngayon, Kayla. Hindi ka niloloko ng mga nakikita mo at buhay ka sa taong ito... Hindi nga lang sa mundong kinabibilangan mo. Kaya bago ang lahat isipin mo na nandito ako para gabayan ka Kayla. Isipin mo na nasa isang misyon ka at kapag nagawa mo ang misyon na ito ay makakalabas ka na sa mundong ito. Buhay si Dionysius kaya huwag ka magalala sakanya ngunit ngayon isipin mo muna ang kapakanan mo para maalis ka dito. "

"Tandaan mo na hindi ka na si Kayla Deene Swing bagkus ikaw na si Nena Santos. Tinatawag ka sa palayaw na Nene. Ang kapatid mo ay sina Hudin at Maria Santos. Ang mga magulang mo ay sina Felicissima at Constancio. Isang Heneral ang kapatid mo at naka destino siya sa Segbu ngayon. Habang ang kapatid mo na si Maria ay nakadestinong ipakasal kay Crisostomo Fuentes. At ikaw... Ikaw ay maninilbihan sa kumbento pagkatapos ng kaarawan mo."

"Nasa taong Marso 13, 1889 ka at mamaya ipagsasalo-salo ang ika-labingwalong taon gulang mo. May tanong ka pa?"

Kahit na hindi ko pa lubos napapasok maigi sa utak ko ang lahat ng impormasyaon nakuha ko pa na magtanong muli.

"Kung gayon, anong ginagawa ko dito? At nasaan ang isang Nena?"

Nakita kong ngumiti saakin si ma'am at tsaka tumingin sa kalawakan.

"Wala na ang dating Nena Santos, Nena. Nagpakamatay siya at bago siya magpakamatay humingi siya sa bathala na gawing tama ang lahat. Nabulag sa pagmamahal ang dating Nena at ginawa niya itong sentro ng kanyang pamumuhay. Nang nagpakamatay si Nena nagkagulo ang lahat, nagpakamatay din si Maria at hindi natuloy ang kasal nila ni Crisostomo. Kaya ang misyon mo ay hindi mo hahayaan na mangyari ulit iyon dahil ang salinlahi mo ay si Maria. Kapag hindi mo nagawa mananatili ka na lamang coma at mamatay si Dion. Nakatakda ka nang gawin ito Nena kaya sana sa pagkakataong ito ay maayos na ang pangyayari."

"Madali lamang ang gagawin mo Nena para makalabas ka agad dito.."

Kumunot ang noo ko habang hinihintay na sabihin ni ma'am ang susunod na salita.

"Huwag na huwag mong mamahalin si Crisostomo."

---

I know may pagka ilys1892 vibes siya kasi INSPIRED din ako kaya ko ito sinulat. Pero no hate please kasi ibang iba ito doon. Iba ang flow ng story at ng plot. Skl. Lovelots.

-Lux

ISINULAT SA TAONG NOBYEMBRE 2, 2020.

To Breathe With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon